This chapter is dedicated to @yuel_atyourservice
Lex pov:
Pagkatapos nyang ayusin at lagyan ng bala yung baril ay kinasa na nya yun at umayos ng tayo.
Nakaderetsong nakatutok yung kamay nyang may hawak ng baril sa shooting board, nakastraight din yung likod nya, at ang mga paa nya ay magkahiwalay na parang hinahanda nya yun sa pwersa ng pagbaril nya, teka aware ba sya na peke lang yung hawak nya o nasanay lang talaga syang ganya yung posisyon nya pagbabaril?
Teka nga bat ko ba iniisip yan hayyss nababaliw nako.
Nabalik ako sa reyalidad ng may narinig akong putok ng baril. Nagsimula na pala sya.
Unang try palang nya nasapul na nya yung gitna ng dot sa shooting board. Anggas wala manlang kahirap hirap.
Agad nyang sinunod yung next board and as usual tumama yun sa gitnang dot. Psh! madali lang naman talaga yan kahit ako kayang kaya ko yan eh, sabay irap sa kawalan.
Tinitignan ko lang sya habang sya naman focus na focus sa ginagawa, i admit that he looks so cool in that kind of stand he looks so professional to the point that every girls that watching him will surely fall for him.... Except me!
Hindi ganyan kababaw ang kaligayahan ko no, Hmp.
Dahil sa kung ano anong iniisip ko hindi ko namalayan na tapos na pala sya.
Nasa harapan ko sya ngayon nakatayo at nakatitig sa mga mata ko. Problema neto?
Binalewala ko nalang sya at tinignan yung mga shooting board kung natamaan nya ba lahat ng dot sa gitna and fortunately natamaan nya lahat.
Tinignan ko naman yung staff at mukhang hanggang ngayon gulat sa nakita. Humarap ulit ako sa lalaking kasama ko na hanggang ngayon nakatitig parin sakin.
"You hit all the dots, congrats!" Sabi ko na parang wala lang. Tatalikod na sana ako para umalis na kaso hinawakan nya yung braso ko at hinarap ako sa kanya.
"Hindi mo pa nakukuha yung prize mo" sabi nya kaya medyo nangunot ang noo ko.
"Hmm? What are you saying mister?" I asked, confused of what he just said. What is he talking about?
Napabuga naman sya ng hangin. Problema neto?
"Sabi mo gusto mo ng staff toy?" I nodded "yung panda?" He asked again and i just nodded... Again. "So now get your prize!" He said almost commanding. Kaya napabuntong hininga ako. Nagpipigil ng inis baka kasi masapok ko to ng wala sa oras.
" mister napanalunan mo yan kaya it's your prize not mine so please get your hands off of me" i said dahil hanggang ngayon nasa braso ko yung kamay nya kaya bahagyang ginalaw yung braso ko para tabigin yung kamay nya di naman sya nagreac pa kaya di ko nalang pinansin.
"I don't like staff toys" he simply said.
Eh kung ayaw nya eh bat sya naglaro?
Pero sayang naman yung staff toy kung walang kukuhaTiningnan ko yung mga staff toy na nakadisplay out of nowhere i feel like i want to get that staff toy.
Kaya naglakad ako papunta sa may staff na nagaayos na, naramdaman ko naman na sumunod yung kasama ko kaya nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Excuse me mister can i get the panda, the guy win the game but he wants me to get the prize for him" i said to the guys arranging and replacing the shooting boards for the person who will play next.
"Sure maam alin po ba jan" sabi nya sabay lingon sa staff toys.
"I want the panda" i simply said. Tumango naman yung staff at naglakad papunta sa panda na staff toy.
Kinuha na nung staff yung panda at naglakad papunta sakin at inabot na nya sakin.
"Thanks" sabi ko pagabot sakin ng staff ng panda.
Naglalakad ako ngayon habang nakayakap sa panda ko nakaramdaman nako ng gutom kaya naghahanap ako ng masarap na pagkain.
At isa pa bago ko makalimutan hanggang ngayon sumusunod parin pala yung kaklase kong di ko alam pangalan.
Lex wag mo na lang pansinin ha, k!
Nagpatuloy ako sa paghahanap ng pagkain dito bawat food stand na makikita ko ay kadalasan mga street food. Wala akong balak kumain ng street food ngayon dahil sa tantya ko mga nasa 9 in the evening na.
Sinad-gest kasi ni sam na mga health food lang daw kainin ko pag gabi at syaka wag kakain ng marami.
I have trouble sleeping at night and I don't know the reason why, and i don't like going to the doctor.
Wag kayong ano jan di lang ako may ayaw sa doctor kaya wag kayo magmalinis, hmp!
"What are you doing?" Biglang nagsalita yung sunod ng sunod sakin kaya napatingin ako sa kanya. Pagharap ko nakakunot yung noo nya at mukhang naiinis.
"Walking malamang ano bang tawag mo dito" insert the sarcasm here. Pano ba naman kasi magtatanong eh obvious naman na yung sagot.
Huminga sya ng malalim at binuga yun ng marahas. Nagpipigil ng inis malamang.
"What i mean is kanina ka pa paikotikot pero wala kanamang pinupuntahan pabalik balik ka lang" he said, kahit anong pigil nya ramdam ko pa rin yung inis sa tono ng pananalita nya.
"Im looking for a food" sabi ko nalang para matapos na.
" Dapat sinabi mo kanina pa, tsk!" Sabi nya may inis parin don pero nabawasan na.
"Di ka naman po nagtatanong" i murmured para di nya marinig pero mukhang may sa paniki ata tong kasama ko.
"I heard you" he said
"No one's asking" replay ko
Kala mo papatalo ako pwes manigas ka jan, ble!.
"Tsk" tanging sabi nalang nya.
"Come here" he said
"Why would i?!!" Nakataas kong kilay na sabi para iparating sa kanya na wala akong balak na sumama sa kanya. bumuntong hininga naman sya at nagsalita ulit
"Basta sumama ka nalang" sabi nya at hinawakan yung wrist ko, eh?!! Kapal neto ah nagpaalam ba to bago ako hawakan? Binigyan ko ba sya ng permiso? Aba tong lalaking to porket di ko pinapatulan umaabuso huh.
Bahala na, pabayaan nalang.
So ngayon kasalukuyan kaming naglalakad ng kasama kong di ko alam ang pangalan papunta sa lugar na hindi ko alam kung saan.
Kung ibang tao lang ako malamang nagsisigaw nako dito.
Kasalukuyan nyang hawak yung kaliwang wrist ko at hawak ko naman sa kanang kamay ko yung staff toy.
Huminto na yung kasama ko sa paglalakad kaya huminto rin ako
Nasaharap namin ngayon yung isang food stand at may mga upuan at lamesa yun sa gilid nya.
"Umupo ka nalang ako na magoorder" sabi nya kaya tinignan ko yung kamay nya na hawak parin yung wrist ko, naintindihan naman nya kaya binitawan na nya ako.
Naglakad nako papunta sa upuan at lamesa at inintay ko nalang sya at yung order.
_________________
To be continued