Lex pov:
Pag gising ko ng 5:00 am bumangon na agad ako at naghilamos
Nag luto lang ako ng noodles then nag shower na.
Pagtapos magshower pumunta nako ng walk-in closet ko then nagbihis nako lumabas nako ng bahay around 6 am.
Feel ko maglakad ngayon kaya medyo inagahan ko.
This time sa ibang daanan ako dumaan para makibisado ko tong lugar.
Napadaan pa ako sa mga bahayan at nagkataon pa ngang may mga nagaaway pa. Kung sinuswerte ka nga naman.
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at dalawang metro na ang layo ko sakanila ng biglang may pinggan na muntik ng tumama sakin.
Tiningnan ko kung saan galing yung pinggan at galing yun sa magkapit bahay na nagaaway parin hanggang ngayon. Parang wala silang taong muntik ng matamaan ng katarantaduhan nila ah.
Kalma ka lang lex, don't mind them and keep going.
Nagpatuloy nako sa paglalakad ng biglang lumakas yung sigawan nila nabaling yung tingin ko doon.
May lalaking halos kasing edad ko lang ang pinag aagawan ng isang matandang lalaki at babae.
Nakahawak sila sa magkabilang braso nung lalaking kasing edad ko lang at pinag aagawan nila. Kita ko sa mukha nung batang lalaki na nasasaktan sya sa paghawak sa kanya pero mukhang hindi iyon napapansin ng dalawang matanda dahil sige lang sila sa sigawan at bangayan.
Ngayon ko lang napansin na parang pareho kami ng uniform nung lalaki at parang namumukaan ko sya. Parang nakita ko na sya sa school? Kaklase ko ata.
Naglakad nako paalis sa lugar dahil habang tumatagal lalong nagkakagulo sa lugar nila, at wala akong balak na makisawsaw sa away na di naman akin. Hindi ako pakealamera at wala akong pake hanggat hindi yun tungkol sakin.
.....
Nasa tapat nako ng gate ng school. Front gate to be specific.
6:40 am na ng makarating ako sa room may ilang kaklase nako ron.
Umupo nako agad at dumukdok sa desk ko. Balak kong matulog dahil wala rin naman akong gagawin o magawa. Gusto ko sanang makachikahan si manang oli kaso nasa elem sya ngayon nagbabantay kaya wag nalang.
Hindi rin ako natatakot na biglang may dumating na teacher dahil ininform nako ng kanang kamay ko na busy ang teachers ngayon hanggang sa next week kaya siguradong maglalakwatsya lang tong mga to pagininform na sila mamaya.
Kaya hanggang hindi pa kami iniinfrom tulog muna ako dahil di pa naman kami pwedeng lumabas hanggat hindi pa inaanounce ang tungkol dun. Kaya for now night night muna.
.....
Nagising ako dahil sa ingay ng paligid minulat ko ang mata ko at ang unang bumungad sakin ay walang iba kundi bintana. Bakit ano expect nyo pagmulat ko may katabi akong gwapo tapos malapit yung muka nya pwes wala tayo sa k-drama gumising kayo
Hayyss...
Umayos nako ng upo. Nakita kong nakaupo rin silang lahat... Mali yung kaklase kong may yellow & orange hair ay nakatayo habang pinapakalma sya nung naka green haired guy. Yung iba naman nananahimik lang habang nanonood.
Tiningnan ko kung saan nakaharap yung yellow & orange hair guy.
Paglingin ko sa harap may nakita akong dalawang babae.
Yung isa namumukaan ko sya, sya yung supreme student government vice president ng school. Nasa harap sya habang pinapakalma yung babaeng galit na galit nanakikipag sagutan sa kaklase ko.