Lex pov:
"Did you do that?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata nya.
"What do you think?" Tanong nya pabalik kaya napakunot ang noo ko. Anong problema neto?!
Tinanggal ko nalang ang kamay nya sa bewang ko at lumayo sa kanya.
"Bat ka sumunod?" Tanong ko nanaman. Pero hindi sya sumagot sa halip tinitigan nanaman nya ako at humarap sa pinanggalingan namin kanina.
"Gabi na, bat magisa ka lang? wala ka bang sundo? Alam mo bang delikado maglakad kapag gabi lalo na't magisa ka at babae ka pa. " Sunod sunod nyang sabi.
" Una sa lahat wala kana don kung magisa ako o mapahamak ako at isa pa bat ka ba sumusunod huh?" Tanong ko naman sakanya.
Kita kong natigilan sya kaya nagpatuloy nako sa pagsasalita.
"I wondering since the time that we both bump into each other you keep following me, i just wondering why?" Tanong ko sa kanya habang may takang expression sa mukha, sya naman kita ko parin ang pagkabigla hanggang ngayon na nakabalatay sa mukha nya.
Nagulat siguro na alam ko kanina pa na sinusundan nyako. Pero kalaunan rin ay bumalik iyon sa dati nyang expression, seryoso expression.
"Let's go, ihahatid na kita" yun nalang ang sinabi nya at hindi sinagot yung tanong ko. Pinabayaan ko nalang dahil wala rin namang kwenta makipag usap sa kanya.
"No need, i can go home by myself" mataray kong sabi at tumalikod na. Pero hinawakan nya yung palapulsuan ko.... nanaman.
Napakunot yung noo ko at tumingin sakanya.
"Ano nanaman?" May inis na sa boses ko dahil kanina pa sya at gusto ko nang umuwi.
"Ihahatid na ki--" di ko na sya pinatapos sa kung ano man ang sasabihin pa nya.
"Sabi ko nga wag na--" this time ako naman yung pinutol nya.
"Delekado ngang magisa ka tignan mo!" Sabi nya at tinuro yung lalaking walang malay na nakasalampak sa semento. "Kung hindi ako dumating malam--" bago pa nya maituloy ulit yung sasabihin nya ay pinutol ko na sya.
"Kaya ko sarili ko! So fucking back off!" Sigaw ko dahil naiirita nako sa kanya. Bat ba sya nangenge-alam?!!.
Natigilan sya sa sigaw ko at biglang bumlangko ang expression nya sa mukha at mata.
"Kung ayaw mo edi wag, bahala ka sa buhay mo" malamig nyang sabi habang wala paring expression ang mukha nya. Tumalikod na sya sakin at umalis na...at hindi na ako nilingon pa.
Nakatingin lang ako sa daang dinaanan nya, ilang minuto na ang nakalipas pero nandoon pa rin ako.
Teka bat parin ba ako nandito? Hindi kaya inaantay ko syang bumalik para ihatid ako?
Napailing ako para mawala yun sa isip ko siguro kung may makakakita sakin iisipin nila na baliw na ako.
Ano bang katangahan pa ang ginagawa ko dito? Tsk! Maka alis na nga.
Nag patuloy ako sa paglalakad hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng condo. Sa sobrang lutang ko.
Naglakad ako papasok sa loob nakita ko yung ibang tao na mga busy na nagsisipuntahan sa kanya kanyang dereksyon.
Hindi ko na sila pinansin at sumakay na ng elevator, may nakasabay pa akong isang matandang babae na may kasamang batang maliit.
Tumingin ako sa repleksyon ko sa elevator. Naalala ko yung pagdating ko dito sa tapat ng condo. Nakarating ako dito sa condo ng tulala pano nalang kung may kalaban na biglang sumugod sakin o kung ano pa.
I can't believe that i let my guard down. Alam ko sa mga oras na to nakakunot na yung noo ko at masama ang expression sa mukha but I can't help it! Nakakainis! Hindi na dapat mauulit to!
Nabalik ako sa ulirat ng may maramdaman akong humihila sa laylayan ng tshirt ko yumuko ako at nakita ko yung cute na batang kasama nung matanda kanina.
"What?" Malamig kong tanong sa bata. Wala ako sa mood na makipag usap ngayon.
"Ate ang ganda mo po" boong galak nyang sabi habang may napakalapad na ngiti sa labi.
Pero hindi ko sya pinansin at tumingin lang sa pintuan ang elevator.
Lumabas ako ng elev at naglakad papunta ng next building. Nararamdaman kong sumusunod yung bata kaya nilingon ko sya.
Dahil sa biglang pagharap ko ay hindi sya nakapreno kaya bumanga sya sakin.
"A-aray" sabi nya habang nakahawak yung dalawang kamay sa noo.
"Bakit ka sumusunod?" Tanong ko dahil sa pagkakatanda ko kanina ay may kasama sya pero nang bumalik ako sa ulirat kaming dalawa nalang yung nasa elev. Ganon ba katindi yung pagkatulala ko kanina at hindi ko napansin na may lumabas na sa elevator?
"Ate hindi ko po namalayan na wala na po yung lola ko kasi po nagce-cellphone ako kanina patulong naman po" nakasimangot na sabi nya na may konting luhang namumuo sa gilid ng mata nya.
"Ano bang number ng unit nyo?" Tanong ko sakanya at huminga ako ng malalim para alisin ang mga nasa isipan ko.
"N-number..'sob'.. 305..'sob'.. po" sabi nya sa pagitan ng paghikbi. Teka kanina lang ang saya saya neto ah tapos ngayon umiiyak na. Mga bata talaga ngayon di ko maintindihan.
" Hayyss fine just this time, right just this time!"sabi ko sa sarili ko
" Tara pupuntahan natin lola mo"sabi ko at inangat naman nya yung kanang kamay nya nagtaka ako sa inakto na
"What?" Tanong ko
"Hawak" sabi nya habang nagpapacute at binubukas sara yung kamay nya.
Napabuntong hininga ako at hinawakan nalang yung kamay nya, just this time lex pabayaan mo na.
Sumakay ulit kami ng elevator papuntang 3rd floor dahil nasa 4th floor yung unit ko at sila sa 3rd.
Nang tumunog na yung elev ay lumabas na kami at naglakad pa puntang unit 305.
Hindi naman ako nahirapan mahanap yung unit nila dahil may number naman kada pinto.
Pagdating ko sa harap ng unit nila ay kumatok ako hindi naman nagtagal ay bumukas din agad iyon at ang bumungad sakin ay yung matandang babae kanina na may pagaalala sa mga mata.
"Lola!" Biglang sigaw nung bata.
"Hay nako apo ko san ka ba nagsusoot at hindi kita mahanap pati ang mga staff at guard tinanong ko na kung nakita ka ba. Pinag alala mo akong bata ka" mahabang sabi nung lola ng bata.
" Lola ko wahhh" iyak nung bata.
Tingin ko dapat umalis nako dito baka makasira pako ng moment.
Tumalikod nako at naglakad paalis hindi ata nila ako napansin na umalis kaya nagtuloytuloy lang ako sa paglalakad parang gusto kong gumamit ng hagdan ngayon.
Ge gagamit nalang ako ng hagdan.
Nasa harap nako ng unit ko at pinindot ko na yung code para makapasok ako.
Nasa kanan ko yung sala at sa kaliwa ko naman yung kitchen.
Wala akong balak na kumain o ituloy yung movie marathon ko. Pagod nako sobrang daming nangyari ngayong araw.
11:16 pm na at nakahiga nako sa kama habang nakatingin sa celling binabalikan yung mga nangyari ngayong araw.
Napansin ko lang hindi ata ako masyadong pinag kaguluhan kanina hindi naman sa gusto kong pinagkakaguluhan o pinag uusapan pero nagtataka lang ako.
Dahil siguro busy sila sa pamamamasyal at pagpapakasaya kaya hindi nila ako napansin o masyado akong naging busy kaya hindi ko napansin ang ibang detalye sa paligid ko.
Hayyss bat ba lahat nalang napapansin ko kainis!
Makatulog na nga mamaya kung ano pa ang pumasok nanaman sa isip ko. Napahikad ako mukhang kailangan ko na ngang matulog
At himala na nakaramdam ako ng antok ngayon siguro dahil narin sa pagod.
_________________
To be continued
![](https://img.wattpad.com/cover/324322027-288-k814936.jpg)