CHAPTER 10 ( Miss witch)

80 2 0
                                        

Lex pov:

Kriing!!!, Kriing!!!, Kriing!!! Tunog ng bell. na mas nakakairita pa yung tunog kesa sa alarm clock ko

"Ohh ija second subject nyo na ngayon araw pumayo ka na't mamaya malate ka pa". Manang oli said.

"Ehh pinapa alis mo na agad ako manang ilang taon akong nawala sa pinas d mo manlang ako namiss" sabi ko sabay pout "d mo na ba ako love manang" sabi ko habang nagpapacute sa kanya. Kaya napangiwi sya at pintik ako sa noo.

"Ouch manang!" Sabi ko sabay nguso.

"Tumahimik ka na at pumunta sa klase mo dahil malalate ka na kabago bago palang dito"pangaral nya" bilis layas na"pagtataboy nya sakin at tinulak ako palabas sa library.

Paglabas ko ay nagflying kiss muna sya sakin bago isara yung pinto kaya napatawa nalang ako ng mahina.

D pa rin sya nagbabago ang kulit parin ni manang kahit kelan. Pero wag ka malakas pa yan para sabihin ko sainyo kayang kaya kanyan ibalibag kung gugustohin nya

Former gangster princess si lola no huh ano gulat kayo no?!!. Dati syang gangster pero ngayon nagtratrabaho na sya sa mga magulang ni ivy. Wala din syang asawa at anak hindi dahil sa pihikan sya kundi dahil ayaw nya sa mga lalaki.

Naglakad nalang ako papuntang building namin, dahil nga nakipag chikahan pa ako kay manang oli at medyo may kalayuan yung library sa 3D ngayon alam ko nang late nako sa klase pero wala naman akong pake.

Why? Bakit nagreklamo ba ako kanina nung hindi pumasok yung teacher namin sa first sub? hindi di ba?! So dapat d sila magexpect ng kung ano sakin lalo na kung sila yung unang hindi tumutupad ng rules.

Kabisado ko ang rules dito dahil mula grade 1 hanggang grade 6 ay sa WWES (Westwood elementary school) ako nagaral at hindi ko pa nababalitaan na naiba na ang rules dahil kung naiba yung rules i-eenform ako ni tita mae na syang dean ng school.

Naglalakad na ko sa hallway ng 2F ng building para sa mga 3D.

Napakunot ang noo ko ng makitang halos lahat ng classmate ko ay nasa labas ng classroom.

Napalingon naman sila sakin at doon ko nakita na yung dalawang babae at yung apat na lalaki na laging may masamang tingin ay nasa labas pati narin yung tatlong lalaki na kanina inaasar yung vp ng student council.

Anong nangyari?

D ko sila pinansin at naglakad papunta sa pinto.

"Miss Everleigh bawal daw pumasok sabi ni ma'am" sabi ng kung sino sa likod ko kaya napaharap ako.

Yung batang may itim na buhok

"Why?" I said casually

"Hindi pinapapasok ni ma'am yung late" sabi nya na parang wala lang.

Napatingin naman ako sa kanila yung dalawang babae na nakaupo lang sa upuan na iniistpray-an pa yung upuan.

Yung dalawang lalaking naglalaro ng uno cards sa semento at kapwa nagdadayaan.

Yung apat na prenteng naka upo lang sa veranda ng hallway, i actually didn't know what they call that ganito yung itsura.....

D ba hallway tapos sa kanan nadoon yung mga classrooms

Tapos sa kaliwa may parang bintana pero walang bintana, o di ba galing ko magpaliwanag basta ganon dun sila naka upo

Actually sa LA kase walang ganyan mga glass wall kase dun o kaya naman half body glass window ganon kaya d ko alam tawag jan.

Teka bat ba ako namomroblema sa maliit na bagay hayss.

Bumalik naman yung batang may itim na buhok sa pwesto nya kanina.

The Unknown YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon