CHAPTER 14 ( ClassMate)

67 3 0
                                    

Hello ms,SELIEMBLADE

Lex pov:

Nakarating nako sa bilihan ng noodles pero ramdam ko parin na nakasunod sya sakin.

Kanina ko pa alam na sumusunod sya pero pinabayaan ko nalang baka kase wala lang magawa pero hanggang ngayon sumusunod parin sya. Ano bang problema nya.

Naiinis nako sa kanya pag ako di nakapag pigil lalaslasin ko yang leeg nya at isasabit sa plaza.

Huminto ako sa harap ng tindahan ng mga bracelet at kwintas. Paghinto ko ramdam kong huminto din sya kaya di nako nakapagpigil pa sa kung anong trip ng taong to?

Dahil inis nako sa kakasunod nya kaya humarap ako sa kanya at tiningnan ng masama at si gago tinaasan lang ako ng kilay.

"Why are you following?!" Walang gana kong tanong.

" Hmm? What are you saying? I don't follow you" he said with his baritone voice.

" So why are you here?" I ask again. Cuz im not convince by his silly explanation.

Medyo natagalan sya bago makasagot kaya napangisi ako at tumango. Maglalakad na sana ako paalis kaso bigla syang nagsalita.

"Im here... to buy some... bracelet, yeah right to buy some bracelet". He stammered while convincing himself that he's here for that little shit.

"Okay,enjoy shopping for a bracelet" i simply said and leave him alone.

But few minutes later i felt someone following me...again.

Pinabayaan ko nalang sya kung yan ang trip nya sa buhay wala nakong pake pa doon.

May nakita akong tindahan na may mga iilang taong nakapalibot kaya naakit non ang atensyon ko.

Lumapit ako sa tindahan actually mukha syang tent nakita akong shooting board sa magkakaibang layo ang tansya ko hanggang 10 yung board na nandito.

Nahagip ng mata ko yung lalaking naglalaro mukhang nahihirapan sya 5 meter ang pinaka malapit at 15 meter ang pinaka malayo.

Kasalukuyan nasa 9 kilometer range na sya kaya medyo nahihirapan sya.

Tsk basic lang yan eh.

"Woooaaahhh babe kaya mo yan" sigaw ng babae na nasa kanan ko. Girlfriend ata.

Fortunately tumama sa gitna kaya sa next board na sya which is 10 kilometer range.

"Woooaaahhh ang galing mo po babe ko" sabi nung gf nung lalaking naglalaro ngayon.

Kinasa nya yung baril na gamit nya ngayon take note fake gun yan kaya safe gamitin.

But unfortunately hindi tumama sa gitna ng board yung bala kaya talo na sya.

Binalik na nya yung gun sa nagbabantay at pumunta sa girlfriend nya habang nagkakamot ng batok at huminto sya sa harap ng gf nya

"Sorry hindi ko nakuha yung teddy bear na gusto mo babe" sabi nya na medyo disappointed sa pagkatalo nya.

Tumawa namam yung gf nya "aww you're so cute babe" sabi nung gf nya habang tumatawa "ayos lang yan babe try nalang natin next time tara kain na tayo medyo gutom nako" sabi nya habang may matamis na ngiti sa labi.

Tumingin naman ako sa lalaki na ngayon ay mukhang nabuhayan dahil sa sinabi at inakto ng gf nya.

"Sige tara kain na tayo" sabi nung lalaki na may ngiti sa labi at inakbayan yung gf nya.

Edi wow

Tinanggal ko na yung tingin ko sa magkasintahan at napansin kong kumonti na yung tao sa paligid kaya medyo naging komportable na ako.

Nahagip ng mga mata ko ang mga premyo na nakalagay sa gilid. Nakuha ng atensyon ko ang isang staff toy na isang panda na halos kasing laki na ng tao.... Ang Cute!!!!

Gusto ko nyan!!!

Nawala na sa isip ko na may sumusunod pala sakin kaya nung may tumabi sa kaliwa ko ay halos mapatalon ako sa gulat.

Kaya wala sa sarili na nahampas ko sya sa balikat.

"Ano ba bat ka nang gugulat?!!" Inis kong sabi

Natigilan naman sya at napatitig sakin hindi ko mabasa ang emosyon na nasa mga mata nya. Bago yun sa paningin ko.

"Ano?" Tanong ko dahil dalawang minuto na hindi parin sya nagsasalita. Baka mamaya kung ano na nangyari dito pagkamalan pa akong may ginawang masama.

Umiwas naman sya ng tingin sakin at binaling yun sa mga staff toys.

Aba ang galing di namamansin ah samantalang sya nga yung sunod ng sunod kanina.

"Gusto mo non?" Tanong nya sabay turo sa panda na staff toy habang nakatingin sakin.

"Bakit kukunin mo para sakin?" Tanong ko na may panghahamon.

Hindi sya sumagot at naglakad papunta doon sa staff. May inabot syang pera tapos binigyan naman sya ng laruang baril nung staff.

Ehh?? Ano yan maglalaro sya? Kaya nya ba?

Oh god Lex lutang ka ba malamang kaya nya yan gangster kaya yan.

Naglakad ako at pumwesto sa medyo malapit sa kanya.

Kasalukuyan syang nagaayos ng baril na gamit nya. Kung titignan he looks so professional kahit di pa sya naguumpisa bumaril.

_________________
To be continued

The Unknown YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon