Book 2 - Kabanata 18

115 17 8
                                    

Cid POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cid POV

"Sir nasa labas po si Ms. Aira! She is asking to meet you daw po! We tried to make her go away pero mapilit po sya. Natatakot po yung mga security namasaktan sya kaya po hindi nila malapitan si Ms. Aira." Natatarantang sabi sakin ni Jane.

I already instructed them not to let Aira inside my building again. I don't know how did she manage to come inside pero I think I need to deal with this myself. Hindi na pupwede itong iniiwasan ko lang sya.

"Okay, sige! Let her in! Also make sure na walang pupunta dito na mga employees natin. Hindi stable si Aira baka kung anong makita nila nakakahiya! Ongoing pa ang process ng cancelation ng partnership natin with them. Makakasira pa rin satin if may maririnig sila or makikita na hindi dapat." I told Jane.

"Noted, Sir!" Sabi sakin ni Jane, tsaka sya lomabas na ng office ko. I tried to calm myself para narin hindi ako sumabog sa mga mangyayari ngayon araw na ito! I need to deal with this once and for all para matapos na.

Mahirap man sakin na tuluyang putulin ang connection ko with Aira pero kailangan! Hindi na maganda ang mga nangyayari! Hindi ako makakapayag na makaabot pa ito kay Jamie!

Baka mamisunderstood pa ni Jamie! Hindi ko hahayaan na madamay si Jamie sa gulong ito! I'd rather loose a friend than him! I know this is selfish pero eto na ang desisyon ko! I tried na ayusin yung sa amin ni Aira without the need of cutting my relarionship with her pero wala! Hindi pumapayag si Aira na bumalik kami sa dati kaya wala na akong choice.

Mayamaya nakita ko si Aira na galit na galit na pumapasok dito sa office ko.

"How can you do this to me, Cid! How can you treat me like this! After all the things that I did for you! Gaganituhin mo lang ako! I've been there for you all those years na kailangan mo ng taong aalalay sayo pero dahil lang sa lalaking yun nagawa mo akong itapon ng ganun ganun lang! Bakit ganun mo ba talaga sya kamahal! What? You'll cancel our partnership? Hindi pupwede Cid! Hindi ko hahayaang mangyari yun." Galit na galit na sumugod sakin si Aira.

"Please Aira! Wag kang manggulo dito! Nakakahiya! Final na ang desisyon ko! Sinabihan na kita, na kung ayaw mong tuluyang mawala ako sayo tigilan mo itong nonsense na sinasabi mo! Kahit kailan walang magiging tayo! I tried na wag nang pansinin lahat ng sinabi mo bilang paggalang nalang sa pagiging magkaibigan natin. I already ask you to stop, but you aren't stopping. You didn't give me a choice, Aira! Baka malaman pa ito ni Jamie, ayokong maging dahilan pa ito ng awayan namin. Kaya mas mabuti pang..." She didn't let me finish, she run towards me and stand in front of me.

"So ganun nalang yon? Bibitawan mo ko! Bibitawan mo lahat ng pinagsamahan natin for how many years para lang wala kayong pagawayan ng Jamie mo? Dahil lang kay Jamie, puputulin mo yung ugnayan natin? You're unfair Cid! You're so unfair! Minahal kita ng sobrang tapos ganito lang ang isusukli mo sakin! Ano bang meron kay Jamie na wala ako!"

Twisted Fate Book 2 ◇Ongoing◇Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon