Book 2 - Kabanata 09

152 16 0
                                    

Author POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Author POV

Kasalukuyan nasa Mansion ng mga Alonzo sila Cid, Jamie, si Sheryl, si Max, Ang mom ni Jamie na si Mariselle, gayon din ang dalawang kapatid ni Jamie.

Sheryl invited the couple, also the family Jamie para naman magkabonding sila habang nandito pa sila sa Manila.

Nandito sila ngayon sa may pool area, kakatapos lang kasi nilang kumain ng lunch kaya napagdesisyunan nila na dito na ituloy yung pagkwekwentuhan ng dalawang pamilya.

Si Sheryl, Cid, Jamie and Mariselle ay nasa Gazebo habang si Max naman ay masayang nakikipaglaro sa dalawang kapatid ni Jamie. Magkatabi si Cid at Jamie sa upuan, Maya maya, pag sila ay nagkakatanginan at nagsisimulang magharutan, akala mo para silang mga teenager na nagliligawan.

Sanay na sa ganitong scene si Mariselle dahil matagal nyang nakasama sa iisang bahay ang magkasitahan, ngunit si Sheryl. Hindi nya maiwasang manibago sa kanyang nakikita. In a good way naman, kasi nakikita nya kung gaano kasaya si Cid kapag kasama si Jamie.

Parang sa kanila lang ang mundo pag sila ay magkasama. Hindi akalain ni Sheryl na makikita nya ang anak nya na si Cid na yung dating hindi marunong magseryoso sa buhay, playboy, palabiro, parang walang pakialam ay magiging ganito dahil sa isang lalaking biglang pumasok sa kanyang buhay.

Masaya siya na nakikitang ganito na ngayon ang anak. Seryoso at may direksyon na!

"Kuya Max! Kuya Max! Ang bagal mo naman tumakbo eh! Hindi mo parin kami nahuhuli kanina pa hahaha" masayang sigaw ni Joshua.

"Oo nga haha lagi ka po tuloy taya!" Sabi naman ni Liza.

"Eh kasi naman napakabibilis nyo tumakbo! Hindi na bata si Kuya Max kaya medyo mabagal na talaga ako tumakbo!" Sagot ni Arthur sa dalawang bata, tapos naghabulan ulit sila.

"Hahaha ang cute nilang pag masdan! Nakikita ko na tuloy yung itsura ni Max pag nagkaanak sya!" Komento ng ina ni Cid habang pinagpanood na nakikipaglaro ang anak na si Max sa mga kapatid ni Jamie.

"Ay bakit? Wala pa bang anak si Max? Akala ko may anak na sya!" Sabi naman ni Mariselle

"How I wish diba, pero ewan ko ba sa anak kong yan wala pa atang balak mag-anak! Hindi naman sya bumabata na!"

Narinig ni Cid yung pinaguusapan ng kanilang mga ina kaya hindi nya maiwasang hindi magcomment ng kaniyang opinion dito.

"Mom! Hayaan nyo na si Kuya! You already pushed him into marrying someone kasi ng hindi na sya bata pero siguro okay lang if hayaan mo na natin sya kung paano nya ispend yung buhay nya. Thankful ako na mahal nila ng wife nya ang isat isa, pero siguro ineenjoy muna nila ang pagiging magasawa kaya hindi pa sila nagaanak. Hayaan muna natin si Kuya. Alam naman nya yung gusto nya." Sabi ni Cid.

"Yan ba ang dahilan kung bakit hindi pa kayo nagsesettle ni Jamie? It's been what? 7 years since you've been together, then 4 years na kayong nagsasama sa iisang bahay pero wala parin akong naririnig na wedding plans mula sa inyong dalawa." Biglang sabi ng mom ni Cid na sobrang nagpagulat kay Cid gayon din kay Jamie.

Twisted Fate Book 2 ◇Ongoing◇Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon