Author POV
Pangalawang araw nang narito sa ospital si Jamie, nagadvice kasi yung doctor na kailangan nyang mag stay sa hospital for atleast three days.
Sa buong araw na andito si Jamie ay hindi sya iniwan ni Cid. Parati lamang syang nakaabang sa labas ng kwarto ni Jamie. Nagaasikaso ng mga kailangan nito kahit na patuloy parin ang kaniyang minamahal sa pagtataboy sa kanya.
Jamie is not ready to hear anything about Cid. Sa tuwing mababanggit kasi ang pangalan lamang ni Cid ay bumabalik sa isip nya yung moment na nakita nyang nagkiss sila Aira at Cid, at sobrang masakit ito sa kanya.
Pakiramdam nya ay paulit ulit na pinupunit yung puso nya. Parang may tumatarak na kutsilyo dito at hinatahati yung puso nya ng paulit ulit.
He just wants for pain to stop kaya ayaw nyang makita or marinig ano mang bagay regarding kay Cid. Sinubukan pa nga ni Mariselle na sya na mismo ang magpapakiwanag kay Jamie kaya lang sobra yung pagiyak ng anak nya nung time na sinubukan nya.
Kahit masakit, pinilit nalang ni Cid na bigyan ng oras ang minamahal na maging okay muna. Pumapasok lang sya sa loob sa gabi kung saan tulog na tulog si Jamie. Gusto parin kasi nya kahit paano ay makasama si Jamie sa pagtulog. Living with Jamie in the same house for 4 years, hindi na sya sanay na wala si Jamie sa tabi nya. tapos gigising nalang sya ng maaga para bumalik sa labas.
"Ma! Pwede pong makahingi ng water?" Hiling ni Jamie sa kanyang ina ng ito ay muling magising mula sa pagkakahimbing ng ilang oras. Medyo malakas kasi yung pain reliever na binibigay sa kanya kaya most of the time tulog lang sya ng tulog.
"Oh, okay, sige! Ay wait, ubos na pala itong tubig mo dito. Kuha lang ako saglit sa labas ah!" Mariselle said to his son.
"Okay, po!" Sagot ni Jamie tsaka ito bumalik sa pagkakahiga ng maayos sa kanyang kama.
Tuluyan na nga nakalabas ng kwarto ang ina ni Jamie, agad namang napatayo sa upuan sa labas ng kwarto ng binata ang kanyang kasintahan ng makita si Mariselle.
"Mama! May nangyari po ba? Kamusta po si Jamie?" Tarantang tanong ni Cid. Napangiti naman si Mariselle ng makita kung gaano nagaalala si Cid para sa anak.
"Ayos lang ang lahat, Cid! Ano ka ba, masyado ka naman kinakabahan jan! Nauuhaw lang si Jamie kaya kukuha ako ng tubig sana. Naubusan na kasi yung mainit na tubig sa loob. Sabi ng doctor dapat maligamgam lang ang ipapainom kay Jamie." Nakangiting sabi ni Mariselle.
"Ahh ganoon po ba? Sige po! Ako na pong kukuha!" Prisinta ni Cid.
"Ano ka ba! Ako na! Madali lang naman ito, pupunta lang ako dun sa nurse station. Ilaw muna bahala sa anak ko. Pumasok ka sa loob baka may kailanganin ulit sya." Sabi ng ina ni Jamie.
"Pero Ma! Baka..." Hindi sya pinatapos ni Mariselle si Cid
"Try mo lang anak, kesa naman yung parati kang andito at nagiisang nakabantay lang sa anak ko. Nahihiya ako sa sasabihin ng parents mo pag nalaman nila na ginagawa mo ito. Bilang ina, alam kong masasaktan sila lalo na't wala ka naman kasalanan para danasin mo ito."
Tahimik lang si Cid habang pinakikinggan ang sinasabi ni Mariselle. Natatakot parin kasi sya sa magiging reaksyon ni Jamie once makita sya.
BINABASA MO ANG
Twisted Fate Book 2 ◇Ongoing◇
RomanceBook of Twisted Fate. Read the book 1 first before starting this book 2.