00

11.3K 401 126
                                    

Growing up, Zero liked to observe every single thing. He loved analyzing even the smallest object he would see. For him, all around him was a perfect piece of art in its way.

Bawat kulay ay mayroong importansya. Kahit masakit sa mata, mayroong role sa buhay ng isang tao. At kahit na tatlong kulay lang ang paborito niya, hindi maitatanggi na lahat ng kulay ay mahalaga.

Binuklat ni Zero ang sketch pad na palagi niyang dala kahit saan man siya magpunta para sa tuwing mayroon siyang makikitang magandang maging subject, madali lang para sa kaniya ang mag-drawing. Nakaipit sa ring binder nito ang itim na lapis.

Suot niya ang hood sa ulo para hindi makilala ng kung sino man. Ayaw niyang kumakain na lang siya, pagkakaguluhan pa. Isang rason din iyon kung bakit mas gusto niyang kumain sa hindi pa ganoon kakilalang restaurant.

Zero loved to draw people without faces. He didn't like the details. He loved sketching lines and shadows. That was it.

Bukod sa pagiging drummer ng Fireplay—ang banda niya kasama ang mga kaibigan—art ang paborito niya. Pampalipas oras na rin kapag wala siyang ginagawa.

He took Fine Arts Major in Painting. His family was supportive, and he was thankful. It was rare for artists to be art students, too. Madalas na hindi nakukuha ang gustong kurso dahil iba ang demand sa trabaho.

It was ten in the evening, and there were still around three people inside the restaurant. Walking distance lang naman ito sa condo niya at nakita lang niya nang maghanap siya ng malapit na kainan sa lugar niya online.

The place looked interesting. Masyadong maraming kulay, maraming kulay at contrasting pa nga. Mayroong neon colors, neon lights, at parang hindi bagay sa pagkaing nasa menu.  

There were orange, dark blue, green, yellow—almost everything.

But Zero didn't care. The person might be playful and experimental based on the interior. Ang mahalaga naman ay mabusog siya sa pagkain kahit na hindi busog ang mga mata niya.

Zero only liked dark gray, black, and white. Colors annoy him, and it was ironic because he paints . . . like a lot . . . using colors. 

Isinandal niya ang likuran niya sa komportableng sofa at ipinalibot ang tingin sa lugar. Nakita niya ang naka-display na gitarang walang string. Katabi niyon ay polaroid pictures ng mga babaeng nakatalikod o hindi naman kaya ay nakatakip ang mukha ng kung ano.

Sinimulan niyang mag-rough sketch. Nakatingin lang siya sa pader na mayroong display at hinahahayaan ang sariling i-drawing kung ano ang nakikita niya.

"Alam mo, kung ako sana ang dino-drawing mo, mas maganda ang kalalabasan."

Nilingon ni Zero ang babaeng ibinaba ang pinggan sa harapan niya. Nakasuot ito ng apron na mayroong logo ng restaurant, naka-hairnet, at naniningkit ang mga matang nakangiti sa kaniya.

"One meatball pasta with garlic bread, one can of mug, and a vanilla cake. Nilagyan ko 'yan ng Nutella at Ferrero Roche sa ibabaw," dagdag nito at tumalikod. "Enjoy!"

"Hindi ako nag-order ng vanilla cake," mahinang sabi ni Zero.

Humarap sa kaniya ang babae. "Last slice na 'yan, eh. Libre ko na. Magsasara na rin naman na 'ko, ikaw na ang huling customer, kaya sa 'yo na," anito at tumaas pa ang dalawang balikat. "Weird mo pala sa angel's hair pasta. Pero favorite ko 'yan kaya good job ka riyan."

Sinundan ni Zero ng tingin ang babae. Kausap nito ang dalawang customer na natitira kasama niya at mukhang nagpapasalamat.

Hindi siya nagkamali nang tumayo na ang dalawang babae at lumabas. Sumunod naman ang babae at inikot ang sign na nasa may pinto bago tumingin sa kaniya.

Soul Meets You (Fireplay #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon