Dalawang araw na sila sa resort, pero hindi pa rin nakakausap ni Zero nang matino si Harley. Sa ilang buwang magkakilala sila ito na ang pinakamatagal na hindi niya ito narinig na nakipaggaguhan sa kaniya.
Ultimo pagtawa, napakamahal.
Hindi siya sanay at na-realize niyang mas gusto niya kapag nangungulit ito o kaya nagtatanong kung bakit itim ang tawag sa black o bakit red ang kulay ng regla. Mga tanong na walang sense, pero mas gugustuhin niyang marinig kesa sa nakabibinging katahimikan.
Ang villa na naka-book sa kanila ay nakalutang sa dagat. Nasa pinakadulo sila at sa dalawang araw, hindi nila nagawang lumabas. Ayaw ni Harley dahil mas gusto nitong nasa kuwarto lang.
Lumabas si Zero sa balcony at naabutan si Harley na nakaupo sa gilid. Nakapatong ang dalawang braso nito sa railing na pinatungan din ng baba.
"Hindi ka pa ba nagugutom?" tanong ni Zero na naupo sa tabi ni Harley. "Dinner tayo sa shore?"
"Balik na tayo bukas sa city, baka marami kang commitments," sabi ni Harley nang hindi tumitingin sa kaniya. "Pasensya ka na, ako 'yong naging abala ngayon. Minsan lang 'to."
Ngumiti si Zero at ginaya ang posisyon ni Harley. Pareho silang nakaharap sa kawalan, sa papalubog na araw, at pinagmasdang mag-iba ang kulay ng kapaligiran.
"Alam mo, ang ganda ng nature, pero ayoko siyang ipinta," sabi ni Zero na ipinagtakha naman ni Harley. "It's too complicated. Color blending, details, and accuracy. Ayoko ng ganoon. Tamad ako sa ganoong details."
"Bakit pa ba ako nagulat," natawa si Harley. "Ni pagluto nga ng pancit canton, kinatatamaran mo. At saka alam ko naman na iba-iba ng forte ang bawat artist. Parang kaming mga chef. Merong for pastries, for entree, for main . . . hindi lahat kayang gawin."
"Exactly." Nilingon siya ni Zero. "Hindi mo rin naman kailangan na palaging masaya. If you wanna be sad, then be sad. If you want to spend more days here, then let's stay."
Malalim na huminga si Harley. "Puwede ba extend bukas?" Tumingin siya kay Zero. "Magbabayad ako. Parang ano kasi . . . ayoko munang bumalik sa city. Thank you sa pagdala mo sa 'kin dito. Ano'ng kapalit?"
"Wala." Umiling si Zero. "Hindi naman lahat kailangan may kapalit. "Mag-stay na lang muna tayo hanggang maging okay ka. I'll consider this as a break na rin."
Hindi na sumagot si Harley at gustuhin man ni Zero na magtanong, hindi niya ginawa. He wanted to respect the privacy. Kung magsasabi man si Harley sa kaniya, then okay. If not, then okay.
"Alam mo, kahit minsan naiirita ako sa pagmumukha mo, thankful ako kasi ino-occupy mo 'yong oras ko. Kahit na minsan, paladesisyon ka, binabayaran mo 'ko para magluto, okay lang sa 'kin kasi nagiging busy ako," mahinang natawa si Harley. "Lately kasi, alam mo bang tinatanong ko na 'yung sarili ko kung ano ba talaga ang gusto ko? Tang ina kasi, bakit hindi ako lumaking mapangarap?"
Nagsalubong ang kilay ni Zero. "Ano'ng hindi? Dami mo kayang pangarap."
"Hoy, wala nga! Iyong pagiging chef ko, napilitan lang ako kasi hindi naman ako matalino! Imagine, si Frankie . . . future architect 'yon. One point na lang, cum laude na. Si Risha at Lee, magna cum laude. Ako muntik na rin!"
"Iyon naman pala, eh," ngumiti si Zero.
Malapad na ngumiti si Harley. "Muntik na 'kong maging cum laude kasi 'yung katabi ko, cum laude. Sayang, isang upuan na lang, eh."
Sandaling napatitig si Zero kay Harley para iproseso ang sinabi nito na ikinatawa nilang dalawa, pero agad na natahimik si Zero. Dalawang araw niyang hindi narinig ang tawang iyon.
"Gago, na-miss kita," seryosong sabi ni Zero.
"Luh, kasama mo kaya ako. Katabi mo 'kong matulog, kasama mo 'kong kumain, at nanood pa ng movie! Miss na miss mo naman ako?" pang-aasar ni Harley.
Ibinalik ni Zero ang tingin sa kawalan. "Na-miss kong 'yong Harley na baliw. Noong una, naiirita ako kasi napakadaldal mo. Sa lahat may sagot ka, sa kahit ano may banter ka. Pero kagabi, nung tahimik ka lang, nakakapanibago pala kasi nasanay na akong sa ilang buwan, ginugulo mo 'ko. Ano ba kasing nangyari?"
Hindi sumagot si Harley na nakatitig kay Zero. Ayaw niyang magtanong, pero curious na siya.
"Ano'ng gumugulo?" Mababa ang boses ni Zero. "Ano'ng nagpapagulo?"
Sa hindi inaasaang dahilan, nag-init ang mga mata ni Harley habang nakatingin kay Zero. Ayaw niyang umiyak, pero hindi na niya napigilan.
"Langya ka, pinapaiyak mo 'ko! Ayaw kong tanong 'yan, eh," pinilit ni Harley ang matawa. "Wala namang gumugulo. More like, it's me. . . I'm the problem, it's me." Pagkanta niya.
Ngumiti si Zero at umiling.
"Hindi. Kasi ano . . . medyo mabigat na. Napapaisip na ako sa future. 'Yung mga bestfriends ko, settled na sila, eh. Ako, hindi ko pa alam ang gusto ko. Tang ina, ang hirap nung feeling na parang naiiwan ako?" Yumuko si Harley para pagmasdan ang kislap na nanggagaling sa tubig mula sa ilalim. "Hindi ako makasabay."
Kung pagbabasehan ni Zero ang boses ni Harley, frustrated ito at malayo sa nakasanayan niyang pabalang o palaging nakasigaw. Sa kasalukuyan, mababa ang boses ni Harley at nararamdaman niya ang hinanakit.
"Alam kong hindi ka magtatanong, pero share ko lang," ani Harley dahilan para tumingin si Zero. "Sa family ko, ako lang ang nandito sa Pilipinas. Nasa Canada sila."
Mas lalong naging interesting ang lahat para kay Zero dahil wala silang alam tungkol sa isa't isa bukod sa basics.
"Kasama ng parents ko 'yung dalawang kapatid ko. Panganay ako at sinadya ko ring magpaiwan dito," pagpapatuloy ni Harley.
"Bakit?" Nangunot ang noo ni Zero.
Inihiga ni Harley ang ulo sa sariling braso habang nakaharap kay Zero na seryoso rin namang nakikinig sa kaniya. "Nandoon na talaga si Papa since bata pa ako, sumunod lang si mama noong highschool na 'ko, 'tapos kinuha 'yung mga kapatid ko. Saktong highschool ako, ayokong umalis kaya pinanindigan ko na lang."
"Eh bakit hindi ka sumunod roon ngayon? Bagong environment, baka sakaling doon mo mahanap 'yung totoong gusto mo," suggestion ni Zero.
Tamad na umiling si Harley. "Hindi ko kayang mabuhay na kasama sila," aniya at humugot nang malalim na paghinga. "Hindi ko sila kilala, hindi ko alam kung paano ko sila pakikibagayan. Kaya hindi ko gustong pumunta sa kanila."
"Pero makakasama mo sila," dagdag ni Zero. "Mas makikilala mo sila kaysa mag-isa ka?"
"Mas gusto ko pa," natawa si Harley at hinarap ang kadiliman. "Sa tuwing iisipin kong pumunta sa kanila, naiisip ko rin na 'wag na lang kasi baka ma-turn off ako sa kanila. Mas gusto kong kilala ko sila base sa kasalukuyan. Kasi baka magbago 'yong tingin ko sa kanila . . . ganoon din sila sa 'kin."
Tahimik lang si Zero na nakatingin kay Harley.
"Kasi sa totoo lang, hindi rin naman nila ako kilala. Pamilya ko sila, pero strangers kami sa isa't isa," pagpapatuloy niya. "Bestfriends ko lang ang meron ako, kaso . . . habang tumatagal, mas nare-realize ko na at the end of the day, ako lang."
Kinuha ni Zero ang kaha ng yosi sa bulsa at sinindihan iyon bago iniabot kay Harley. Nagsindi rin siya para sa sarili niya.
"Alam mo, mamamatay tayong maaga kakayosi," sabi ni Harley na bumuga nang makapal na usok. "Tang ina kasi, ba't ang sarap ng bawal?"
Natawa si Zero. "Matagal ka pa. Masamang damo ka, eh."
"Gago!" singhal ni Harley. "Pareho lang tayo!"
T H E X W H Y S
BINABASA MO ANG
Soul Meets You (Fireplay #2)
General FictionFP #2: Zero (Epistolary with narration)