90

4.9K 244 30
                                    

Maagang nagpunta si Zero sa apartment ni Harley, pero late na sila nakarating sa bahay nina Forest. Nagkatinginan na lang silang dalawa nang sitahin sila dahil late na nagsimula ang dinner dahil wala pa sila.

"Traffic kasi," reklamo ni Zero.

Excuse lang iyon ni Zero dahil ang totoo, nag-thank you naman talaga siya kaya sila natagalan.

"Tito Zero!" Tumakbo ang batang babae papalapit sa kanila. "You're late. Hindi tayo nakapag-play ng dolls ko!"

Mahinang natawa si Harley habang nakatingin kay Zero na binuhat ang batang chinita. Napakaputi nito, mahaba ang buhok na naka-ponytail, at napaka-cute ng mukha.

"By the way, Rain, this is Harley," pagpapakilala ni Zero. "She's my . . ." tumingin ito sa kanya.

Tumaas ang kilay ni Harley at naghintay kung paano siya ipakikilala ni Zero sa batang buhat. Masamang nagsisinungaling sa bata kaya hindi niya alam kung paano nito itatawid iyon.

"She's my girlfriend," ani Zero na hinalikan ang bata sa pisngi at inaya ito papunta sa kusina.

Muntik nang masuka si Harley, pero pinigilan niya iyon dahil nasa harapan sila ng mga kaibigan nitong walang idea sa pagpapanggap nila. Sumunod siya sa dining area kung nasaan si Zayna kasama ang dalawang babae.

"Finally." Tumayo ang chinitang babae na sigurado siyang nanay ni Rain at girlfriend ni Forest. "Totoo ang chismis. Ang sexy."

"Ako lang 'to," sagot naman ni Harley. "Sure akong ikaw ang nanay ni Rain kasi nakuha 'yong mata sa 'yo. Parang naka-smile," nilingon niya si Forest. "Hindi tulad ni Forest, parang palaging inaaway."

Tumingin si Jessain kay Forest at malakas itong natawa. Walang sinabing kahit ano, hindi man lang ipinagtanggol bago ibinalik ang tingin sa lamesa para ipakilala ang babaeng nakatingin sa kaniya.

"Hello, I'm Kendra," pagpapakilala nito. Inilahad nito ang kamay sa kaniya na agad niyang tinanggap.

"Hi. Alam mo, hawig kayo ni Major." Iyon ang unang napansin ni Harley. "Pareho kayo ng mata. Ang cute n'yo, soulmate."

Ngumiti si Kendra at sandaling napatitig si Harley dahil nagandahan siya sa dalagang nasa harapan. Simple lang ang mukha nito, pero hindi nakakasawa. Parang nangungusap ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.


Nagsimula na silang kumain at katabi niya si Zero. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa concert sa mga susunod dahil marami iyon at sumasabay pa sa exams.

"Ngayon ko lang napansin," pag-iiba ni Jessain sa usapan. "Magkamukha rin kayo ni Zero."

Kaagad sumama ang mukha ni Harley at nilingon si Zero. Nagkatinginan silang dalawa at parehong nagbago ang expression na para bang nandiri sa isa't isa.

"Kadiri." Harley cringed. "Wala akong kamukhang panget."

"Same," Zero uttered, and everyone laughed. "Yuck."

Sumandal si Zayna kay Kio habang nakatingin sa kanilang dalawa. "Ang cute n'yo, oh my gosh. Palagi talaga kayong nag-aasaran?"

"Hindi kumpleto ang araw 'pag walang asaran," sagot ni Zero dahilan para lingunin ito ni Harley. "Believe me when I say hindi kumpleto ang iMessage 'pag walang pambubuwiset galing sa kaniya."

Ngumuso si Harley. "Tapos imagine, seener 'tong lalaking 'to? Promise. Walang kuwentang kausap."

"Eh bakit ka nagtitiis?" pang-aasar ni Forest.

"Ganon talaga 'pag wala kang choice," natawa si Harley. "Saka masaya naman kahit boring. At least may binubuwiset ako araw-araw, 'di ba? Kesa noon na wala talaga akong maasar everyday kasi busy lahat."

Sandaling napatitig si Zero kay Harley dahil mababa ang boses nito habang nagkukuwento at nakatingin sa pinggan bago muling ngumiti at nakipag-usap kay Zayna tungkol sa kung ano.

Katabi rin ni Harley si Kendra kaya nakakuha ng pagkakataon para kilalanin ang isa't isa, follow sa social media, ganoon din si Jessain na nag-share ng personal experiences tungkol naman sa panganganak dahil i-si-share niya iyon kay Frankie.

"Ayos ka lang?" bulong ni Zero nang matapos silang kumain. "Sa sala lang kami, makikipaglaro muna kay Rain."

Tumango si Harley. "Ayos lang. Mas masarap naman kausap 'tong mga 'to kesa sa 'yo."

Natawa si Zayna, Kendra, at Jessain sa sinabi niya.

Isa-isa niyang inobserbahan ang mga kasama niya sa lamesa dahil magkakaiba ng personality ang mga ito.

Sa napansin niya, mas kapareho niya ng ugali si Jessain dahil parang iisa ang takbo ng utak nila. Same wavelength kumbaga dahil nage-gets kaagad nito ang ibig niyang sabihin.

Tahimik naman si Kendra, pero kapag nasimulan ang kuwento, tuloy-tuloy rin. Mahinahon itong magsalita kumpara kay Jessain at Zayna. May pagkakataon din na tahimik lang itong nakikinig sa kanila, ngingiti, at tatawa.

Si Zayna ang mukhang may kaartehang taglay, pero kayang sumabay sa kanila. Kaya nitong pakibagayan ang katahimikan ni Kendra, ang pagiging makuwento ni Jessain, at ang pagiging makalat niya. Mukhang ito ang pinaka-understanding sa kanila.

Sana all dahil siya, hindi.

"Alam mo bang ang saya ko noong sinabi ni Major na may girlfriend na si Zero?" sabi ni Kendra habang nakatingin sa kaniya. "Kasi nakilala ko siyang single na 'tapos sa tuwing may kainang ganito, siya lang ang walang kasama . . . siya ang madalas na nakikipaglaro kay Rain."

Nilingon niya si Zero na nakasalampak sa carpet habang mayroong inilalagay sa dollhouse ni Rain.

"Sa true lang!" sabi naman ni Jessain. "Magkakakilala na kaming lahat since thirteen ako, tahimik talaga 'yan si Z. Kaya sa totoo lang, sobrang opposites kayong dalawa kasi . . . promise."

"I know, right? Noong unang beses kong nakilala 'yan, ang cold. Eh kaso hot ako kaya nalusaw," pagmamalaki ni Harley. "Charot! Pero madaldal 'yan. Kunwari lang 'yan. Mapagpanggap."

Tumingin sa kaniya si Zero at akmang itataas niya ang middle finger nang nanlaki ang mga mata nito.

"May bata," mahinang sambit ni Zero sa kaniya. "Mamaya na 'yan."

"Sorry na, daddy!" pang-aasar niya.

Halos maibuga ni Major ang iniinom nitong juice habang nanonood ng movie at malakas na natawa, ganoon din si Forest at Kio na niloko si Zero.

Umiling lang si Zero at hindi na nagsalita.

"Sanay na sa 'yo," ani Zayna. "Bagay kayo."


T H E X W H Y S

Soul Meets You (Fireplay #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon