42

5K 227 17
                                    

Sumunod lang si Harley kay Zero hanggang sa makarating sila sa likod ng stage. May mga lumilingon na nakakasalubong nila, pero nanatili siyang tahimik.

Inalis ni Zero ang pagkakaakbay sa kaniya at hinawakan na lang nito ang kamay niya. Nakipag-holding hands. Animal.

"Marami kang ichichika sa 'kin mamaya," bulong niya kay Zero. "Siraulo ka, ito ba 'yung fa—"

Tumingin si Zero sa kaniya at nagsalubong ang kilay. "Mamaya na," bulong nito. Mahinang-mahina at sapat na para siya lang ang makarinig.

Pumasok sila sa pintong may nakadikit na sticker ng Fireplay at pagbukas ng pinto, tatlong lalaki ang nakatingin sa kaniya. Humiwalay sa kaniya si Zero.

"Kadiri ka, humalo na 'yung pawis mo sa 'kin," sinamaan niya ito ng tingin.

Mahinang natawa si Zero. Nakatingin ito sa kaniya ngunit hinarap din ang mga kaibigan. "Harley, bestfriends ko."

Kumaway siya at ngumiti. "Halu," bago sinamaan ng tingin si Zero. "So?"

"Guys, Harley . . . my . . . friend?"

Nanlaki ang mga mata ni Harley sa sinabi nito. "Friend? Gagi," natawa siya. "Okay. Friends."

Isa-isang nagpakilala sa kaniya ang tatlong lalaki at base sa observation, mukhang mababait ang mga ito.

"I'm Major," sabi ng alam niyang bokalista. "Buti nakanood ka. Sana all pinapanood."

Nagsalubong ang kilay ni Harley. Sandali niya itong nakakuwentuhan at nakikipagtawanan ito sa kaniya bago nagpaalam dahil tatawagan daw ang girlfriend.

Lumapit sa kaniya ang lalaking naka-pink na mayroong hairtie sa pulsuhan. Tama siya sa parteng mukha itong kalmado at malumanay. Dahil mismong sa boses, ganoon.

Napansin din niya ang kwintas nitong may pendant na pangalan. Zayn? Ano 'to, fan ni Zayn Malik? Because same!

Pero binalikan niya ng tingin ang kuwintas. Ah, may A. Zayna.

Ang cute rin ng pangalan. Kio. Parang japanese, pero parang mukhang mas bagay ang pangalan sa lalaking naka-blue dahil medyo singkit ito.

Medyo nakamukha pa si Dylan Wang at Forest ang pangalan.

Ang weird.

Sabagay, si betlog din naman weird.

Naupo muna si Harley sa sofa at kakuwentuhan si Forest. Nauna na kasing nagpaalam sina Major at Kio dahil pupuntahan daw ang mga girlfriend.

"Girlfriend ka ni Zero?" tanong ni Forest.

Nilingon niya si Zero na nakatingin sa kaniya. "Yuck."

Mahinang natawa si Forest at tumayo. "Tara na? Sabay-sabay na tayong umalis. Gusto ko na ring umuwi," sabi nito.

"Teka," Harley stopped Forest. "Forest talaga pangalan mo?"

Malapad na ngumiti si Forest. Medyo nawala ang intimidating vibes nito. "Oo. Alam ko na, weird."

"Sobra," pag-aamin ni Harley. "Pareho kayo nito," tinuro niya si Zero.

Umiling si Zero at dumiretso ng tayo. Nakapamulsa ito. Nagpalit na rin ng damit at nakakulay gray na.

On going pa rin ang concert, pero umalis na sila. Dumiretso sila sa parking lot. Nagpaalam na si Forest na naka-motor, huminto naman sila sa kulay itim na sasakyan.

Hindi bago sa kaniya ang makasakay sa mamahaling kotse at alam nya ang brand ng sasakyan ni Zero dahil minsan siyang nagpupunta sa carshow noong sumubok siyang maging promo girl ng pang-change oil.

Walang tao sa parking lot dahil artist lang ang puwede sa lugar na iyon.

Sumandal si Zero sa sasakyan at inabutan siya ng isang stick ng yosi na agad niyang tinanggap.

"So, ano'ng meron? Ano'ng sinasabi mong 'yon ang favor mo?" tanogn ni Harley. Nilingon niya si Zero na nanatiling tahimik. "Ano, silent treatment? Hindi mo pa nga ako chikababes, tameme ka na?"

Natawa si Zero. "Ayokong may babaeng lumalapit sa 'kin kapag may gig o concerts. Hindi ko na rin kasi gusto 'yong nangyari noong nakaraan."

Alam ni Harley ang tinutukoy nito. "Oh, tapos?"

"Ayoko rin namang pumasok sa relasyon ngayon," dagdag ni Zero. Hithit-buga ito ng yosi. "May boyfriend ka ba?"

"I'm single as fuck," umiling si Harley. "Ano'ng ganap mo? Gusto mong magpanggap akong jowa mo? Gagi? Sa ganda kong 'to, papatol ako sa 'yo?"

Zero gazed at her and snorted. No words but teasing.

"Gagong reaction 'yarn," ani Harley at humithit ng yosi bago humarap kay Zero. "Pag-iisipan ko muna. Di kita bet."

"Hindi rin naman kita gusto," sagot ni Zero at inabutan siya ng isa pang yosi. "At least sa tabloids, may kasama akong babae," anito at ngumisi.

Yumuko si Harley at tiningnan ang damit. "Buti na lang pala maganda outfit ko. Kung hindi, kokotongan talaga kita."

Hindi sumagot si Zero, pero totoo naman. Kitang-kita ang pagkakurba ng baywang ni Harley sa suot nito. Malamang nga na maganda iyon sa pictures na lalabas.

Suot ni Harley ang simpleng blue jeans at pinarisan niya iyon ng black faded cropped top. Ang bongga siguro sa pictures.

"Six hundred yung Grab. Baka nakakalimutan mo," paalala ni Harley.


T H E X W H Y S

Soul Meets You (Fireplay #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon