60

5.7K 267 55
                                    

Pagkatapos ma-deliver ng mga pinamili nila para sa kusina ni Zero, umalis ulit sila para naman magpunta sa malapit na grocery para bumili ng mga stock nito.

Si Harley na ang namili ng mga bibilhin at madaling lutuin dahil mukha wala itong alam.

Siya na rin ang nag-ayos niyon sa counter. Tinuro niya isa-isa kay Zero kung saan niya nilagay ang mga instant noodles, canned goods, at kung ano-ano pa.

"Marami pa rin namang kainan diyan sa baba," ani Harley at nilingon si Zero na nakapatong ang dalawang siko sa bar counter ng kusina at nakatingin sa kaniya. "Kung gusto mo pa rin, puwede ka mag-order sa restaurant ng tita ko, kaso maarte ka. Luto ko lang ng gusto mo," pang-aasar niya.

Maganda ang nabiling kalan ni Zero. Ni hindi na nito pinag-isipan kahit na niloloko lang naman niya ito. Bukod sa gas range burner iyon, mayroon pang oven.

Sigurado naman siyang instant ang mga lulutuin nito, may oven pa.

"Magluluto ba ako?" tanong ni Harley.

Tumaas ang dalawang balikat ni Zero. "Ikaw bahala. Papasok na muna ako sa studio. Mayroon akong tinatapos na piece para sa isang subject ko," anito at kumuha ng beer mula sa ref. Tumalikod na rin ito at iniwan siya sa kusina. "You can stay if you want."

Bago pa man makasagot si Harley, naisara na ni Zero ang pinto ng studio. Naiwan siyang mag-isa at nakakuha siya ng pagkakataon para husgahan ang buong unit.

Napakaboring. Ultimo TV, wala, kaya malamang na uuwi na rin siya. Nag-message na rin naman siya kay Frankie na male-late siya nang uwi. Alas-diyes na rin kasi at magpapalipas lang siya ng rush hour.

Humarap si Harley sa city lights. Hindi rin niya alam kung ano ang gagawin niya sa mga susunod na araw. Oo, plano niyang simulan ang blog na nasa isip niya, pero wala naman siyang naiisap na content.

Kung itutuloy naman niya ang YouTube, malamang na puro clout chasing lang gagawin niya roon. Imbes na magluto siya, baka magpabebe na lang siya o gumawa ng pranks dahil iyon ang uso.

Hindi rin naman siya masiyadong marunong mag-make up kaya wala siyang ambag sa pagpapaganda.

Wala naman siyang malaking pera para sa travel vlogs.

Uso rin naman ang mga nagmumukbang at puwede niya iyong gawin dahil lamunera naman siya, pero naiirita siya kapag maingay kumain. Isa iyon sa pet peeves niya.

Nang maburyo, naisipan ni Harley na magpaalam na kay Zero. Tinatamad rin naman siyang magluto. Busog din naman sila dahil kumain sila ng takeouts mula sa isang kilalang italian restaurant.

Kumatok muna siya bago binuksan ang pinto ng studio. Nakabukas ang lahat ng ilaw kaya sobrang liwanag. Nakatayo naman si Zero sa harapan ng lamesa hawak ang isang brush na medyo mahaba at palette na medyo malaki

"Bored?" mahinang natawa si Zero.

Tumango si Harley. "Naka-topless ka talaga kapag nagpe-paint?"

"Oo. Medyo mainit, eh. Walang aircon," anito na humarap sa may kalakihang canvas. "Uuwi ka na ba?"

"Balak ko," sagot ni Harley. "Puwede ba akong pumasok?"

"Sige lang," ani Zero na ipinaglandas ang brush sa canvas na nasa harapan. Dark blue ang lumabas na kulay at nang titigan niya ang ginagawa nito, ilalim ng dagat iyon.

Maingat na sinara ni Harley ang pinto at pinanood si Zero sa ginagawa ngunit bigla itong tumigil. Tumingin ito sa kaniya at naningkit ang mga mata.

"Manonood ka ba?" Ibinaba ni Zero ang brush sa palette. "Hindi ako sanay 'pag may nakatingin."

Soul Meets You (Fireplay #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon