120

4.7K 283 62
                                    

Niyakap ni Harley ang sarili habang nakataas ang dalawang paa sa passenger's side ni Zero. Binabaybay na nila ang daan papunta sa condo nito.

Alas dos na rin at hindi nila inasahang magtatagal pa sila. Naiwan pa nga ang mga kalalakihan except kay Reid na umuwi na rin dahil inaantok na si Frankie.

"Uminom ka ba kanina?" tanong ni Zero.

Umiling si Harley. "Hindi. Wala ako sa mood. Akala ko masama lang talaga 'yong pakiramdam ko, hindi ko naman na-track na magkakaroon ako ngayon."

"Umipekto naman ba 'yong gamot na ininom mo? Matulog ka na muna. Gigisingin na lang kita 'pag nasa condo na tayo," sabi naman ni Zero.

Hindi na nagsalita si Harley at basta na lang ipinikit ang mga mata. Ipinagpasalamat pa niya bigla na damit ni Zero ang suot niya dahil hindi siya giniginaw at kumportable siyang nakaupong hindi inaalalang exposed siya.

Nagtanong si Zero kay Harley kung may gusto ba itong daanan tulad ng kape ngunit hindi na ito sumagot. Nang lingunin niya, mahimbing na itong natutulog dahilan para bilisan niya ang pagmamaneho.

Mabuti na lang at madaling araw na. Walang masyadong sasakyan sa daan dahilan para mabilis nilang marating ang condo niya.

Pumasok lang sandali si Harley sa bathroom bago humiga sa kama ni Zero. Nakaupo lang naman siya at nakasandal sa headboard habang sumasagot ng e-mail inquiry tungkol sa website niya.

"Betlog," pabulong na sambit ni Harley. "Thank you sa pagsundo. Kahit chaka 'tong damit mo, thank you kasi ang comfortable."

Hindi sumagot si Zero at mahinang natawa lang. Nakatingin siya kay Harley na nakapikit ang mga mata yakap ang mahabang unang paborito niya, pero hindi magamit kapag nasa condo niya si Harley dahil ito na ang gumagamit niyon.

"Ano'ng gust mong breakfast?" Humikab si Harley. "Magluluto ako bukas."

"Anything with soup or kung ano ang gusto mo," sagot naman ni Zero nang may naalala. "By the way, tinatanong pala nila Major kung game ka raw ba tungkol sa napag-usapan natin noong nakaraan?"

Dumilat si Harley. "Alin? 'Yung sa music video? Game lang naman ako. Kahit sino kasama ko sa video, gora lang. Sexy 'yong scenes, 'di ba? Bagay sa 'kin."

"Oo. Medyo maraming sexy scenes sabi ng production manager," ani Zero. "Kung game ka raw, magkakaroon ng meeting sa susunod. Isasama ka na kasi ma-meet na natin 'yong director."

"What if hindi ko magustuhan ng director? Baka iba ang bet nila. Pabibo kasi kayong ako ang bet n'yo," mahinang nataw si Harley.

Nagsalubong ang kilay ni Zero at humarap sa iPad na hawak niya. "Kung ayaw niya, eh 'di hahanap tayo ng ibang director. Ang dami-dami riyan. Ikaw ang gusto ng banda, kami ang masusunod."

Mas dumapa pa si Harley at muling humikab.

"Matulog ka na. Bukas na lang nating pag-usapan. I-round the clock mo 'yong gamot mo," ani Zero. "By the way, tinatanong ni mommy kung game ka raw ba next week. Sabi ko hindi pa kita nakakausap."

Hindi na sumagot si Harley at mukhang nakatulog na. Tumayo naman si Zero para isara ang blinds ng buong condo para mas lalong dumilim. Naramdaman na rin niya ang antok kaya nahiga na siya sa tabi ni Harley.

Patagilid niya itong pinagmasdan habang natutulog. Sa ilang buwan, sanay na siyang kasama si Harley at alam niyang sa mga susunod pa, kung magkakaroon ng pagkakataong magkahiwalay sila, mahihirapan siya.

Zero had no idea what could happen next, and it honestly scared him that one day Harley would leave . . . or he would.

They say that the only permanent thing in the world is change and what they currently have had no assurance.

All he knew was that Harley was already a part of him.

Inayos ni Zero ang buhok ni Harley na nakaharang sa mukha nito. Inipit niya iyon tainga at mahinang natawa.

"Napakapangit mong matulog," bulong niya.

Hinaplos niya ang pisngi ni Harley at hinalikan ito sa noo. Naamoy niya ang buhok nito at pamilyar iyon sa kaniya. Mayroon na nga itong sariling shampoo sa bathroom niya at hindi siya nagrereklamo dahil minsan niya iyong ginagamit kapag nakakalimutan niyang bumili nang sarili niya.

Zero once again kissed Harley's forehead and whispered a song, "The moment that you took my hand was the best thing that ever happened," he sang.

It was Guys by The 1975.


T H E X W H Y S

Soul Meets You (Fireplay #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon