Pagdating nila sa opisina para sa meeting kasama ang production manager, producer, at director, kaagad na tumingin si Harley sa kawalan.
Kasama niya sina Zero, Major, Kio, at Forest dahil pag-uusapan ang tungkol sa music video na gagawin nila.
Past three na rin, pero ramdam ni Harley at Zero ang antok. Magkasama sila buong magdamag dahil mayroon silang series na tinapos.
"Uuwi na 'ko mamaya," sabi ni Harley nang tumabi sa kaniya si Zero. "Kelangan kong maglinis ng apartment. Tingin mo, kelan ba 'tong shoot?"
Tumaas ang dalawang balikat ni Zero. "Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko, for finalizing 'tong meeting na 'to kung sino ang magha-handle sa 'tin. Kung sakaling mayroon kang suggestions, puwede kang magsabi."
Tumango lang si Harley at muling pinagmasdan ang kawalan. Inaantok siya at gusto sana niya ng kape o energy drink, pero hindi na nila nagawang dumaan pa dahil late na rin sila sa usapan.
Naupo naman si Zero kasama ang mga kaibigan niya dahil pinag-uusapan ang tungkol sa paglabas ng pictures ni Kendra. Ayon din kay Major, hindi ito nagre-reply at wala silang idea kung ano ang nangyayari.
Alam ni Zero na posibleng may alam si Harley, pero hindi niya ito tinatanong dahil kung sakali man, magsasabi ito sa kaniya. Ilang beses din niya itong pinigilang sumagot pa sa mga comment para hindi madamay.
Zero knew that Harley could handle it, but he didn't want her to. Ayaw niyang pati ito ay maapektuhan dahil sa kaniya, sa kanila, o sa ibang tao.
Bumukas ang pinto ng conference room at pumasok doon ang isang babaeng may dalang pagkain para sa kanila. Coffees and donuts. Agad namang naupo si Harley sa tabi niya at kumuha ng kape dahil antok na antok ito.
"Naalala mo ba noong nakaraan," biglang natawa si Forest at tumingin kay Harley. "Last music video, tinanong namin si Ate Maju kung puwede ba siyang maging bida sa music video namin, pero ayaw niya katrabaho si Major."
Umiling si Major at kumportableng sumandal. "Baliw 'yon, eh. 'Tapos nagulat ako, naging bida sa Sangria. Siraulo talaga 'yon si Ate minsan."
"Baka kasi pangit kang ka-work," pang-aasar naman ni Harley na ikinatawa ng lahat.
Mas natawa sina Zero nang dipensahan ni Major ang sarili kung bakit mas pinili ni Majuri na lumabas sa music video ng Sangria. Iyon ay para lang asarin si Major dahil trip lang.
Pumasok naman ang manager ng Fireplay na nagpatigil sa asaran nila. Kausap nito ang production manager dahil hinahanap na ang director na nakausap.
Inihiga na muna ni Harley ang ulo sa lamesa habang nakaharap kay Zero. Tumingin ito sa kaniya at nagsalubong ang kilay.
"Ayos ka lang?"
"Inaantok ako," sagot naman ni Harley. "Sana ma-shoot natin 'to and matapos kaagad bago manganak si Frankie. Ako kasi ang kasama niya."
Sumeryoso ang mukha ni Zero. "Bakit ikaw? Hindi si Reid?"
"Hindi pa puwede, eh," malungkot na sambit ni Harley. "Complicated pa at magulo. May legal battles pa si Reid and ayaw na rin muna niyang maapektuhan lalo si Frankie. Baka mas mahirapan, eh."
Isa iyon sa napansin ni Zero kay Harley. Sa lahat—kahit sa kaniya—one call away ito. Handang maging masama ang tingin sa sarili para sa iba at minsang nakakalimutan na mayroon namang sariling buhay, pero pinipiling samahan ang kung sinong may kailangan.
Pinakikinggan nila ang pinag-uusapan ng mga kasama nila, pero hindi sila kumikibo pareho.
Tumigil ang lahat sa pagsasalita nang pumasok ang isang lalaki. "Sorry," bungad nito sa kanila.
"Kanina ka pa namin tinatawagan, eh. Sabi nila bumili ka lang ng kape. Nilamon ka ba ng espresso machine?" pagbibiro ng production manager na mukhang kaibigan ng lalaking dumating. "Kanina pa sila."
Humarap sa kanila ang lalaki. Dumiretso ng upo sina Harley at Zero.
"Good afternoon, pasensya na po. Bumili kasi ako ng kape sa baba kaso I saw an old friend," ngumiti ito. "I'm really sorry. I'm Kanoa Dinamarca."
Binuksan nito ang monitor at projector para ipanood ang ilan sa mga commercial, short films, aerial shots, at music video rin na na-direct nito. Maganda ang shots, aesthetics, at mukhang nagustuhan ng magkakabanda.
"My goal here is to know what you guys want. Iyon ang susundin natin. I'm just here to direct, but your ideas will be very much welcome. Mas maganda rin kung mayroon na kayong naiisip para mapag-usapan natin at mag-meet tayo half-way," sabi ni Kanoa na pinakikinggan nilang lahat.
Nag-explain naman ang production manager tungkol sa napag-usapan ng banda. Ganoon din si Major na mayroong ideas.
"Gusto sana namin na si Harley ang nasa video," dagdag ni Major. "Siya lang ang option."
"Sino ka jan," natatawang sambit ni Harley at hinarap si Kanoa. "Ready ako sa mature roles." Tumaas ang dalawang kilay niya.
Mahinang natawa si Kanoa at tumango. "How about sa makakasama niyang guy, meron na ba kayong gusto?"
Sabay-sabay na tumingin ang magkakabanda kay Zero.
"What?" Zero frowned.
"Let's ask the boyfriend," Major chuckled and looked at Kanoa. "Siya ang boyfriend ni Harley. Tanong natin kung mayroon ba siyang suggestion."
Nagsalubong ang kilay ni Kanoa na nakatingin kay Zero. "Kung comfortable kang lumabas sa video, I personally think na mas magandang ikaw na lang ang kasama ni Harley. Since the scenes were sexy," tumigil ito. "Kung comfy kayo."
"Lantad naman sa instagram stories nilang sexy sila," sabi naman ni Kio na natatawa.
Kaagad na inilabas ni Kanoa ang phone para hanapin ang Instagram accounts nina Harley at Zero. Tahimik naman si Harley dahil wala namang problema sa kaniya kahit sino ang kasama niya sa video.
"Oo nga," Kanoa looked at Harley and Zero. "Based on your videos and pictures, you're both comfortable. Mas okay pa ngang kayong dalawa kasi mayroong chemistry kaagad. Isa kasi 'yon sa titignan natin."
Nilingon ni Harley si Zero. "Ano, ikaw na lang? Hahalikan mo lang naman ako. Wala namang bago."
Everyone in the room was silent.
Zero gazed at Harley. "Hindi ako comfortable sa harap ng camera."
"Weh?" Harley's left brow raised and she chuckled. "Ikaw bahala. Game naman ako kahit kanino. Kung ikaw, okay lang sa 'kin. Mas madali."
"I agree," sabi ni Kanoa. "Mas natural lalo na't kayo naman. The chemistry and 'yong pagiging genuine nung scene ay nandon. It's something na hindi mapepeke."
Sumandal si Zero sa upuan at nilaro ang hawak na ballpen. Mukhang hindi pa nito alam kung ano ang isasagot.
"Ano bang pegs n'yo sa video?" tanong ni Harley. "Kung sakali man, how sexy it'll be? Mayroon ba tayong video na possible na paggayahan?"
Tumango si Kanoa. "Yes. We're thinking of Pillowtalk's Music Video. It's by Zayn Malik."
"Ah, 'yong kasama si Gigi Hadid?" Gulat na sambit ni Harley. "Putangina, game!"
Tumingin si Zero kay Harley.
"Betlog, ikaw na lang? Tanga, mas maganda 'yon. Alam ko naman na kung paano kita hahalikan," casual na sambit ni Harley. Lahat ng tao sa conference room, muling nanahimik. "Dali na!"
"Can you play the music video?" pakiusap ni Zero.
At habang pinanonood iyon, lahat ay tahimik. Nang matapos, tumingin si Zero kay Harley.
"Ano na?" sumimangot si Harley. "Dali na. Ang sexy!"
Zero shook his head. "Fine. I'll do it."
T H E X W H Y S
BINABASA MO ANG
Soul Meets You (Fireplay #2)
General FictionFP #2: Zero (Epistolary with narration)