65

5K 189 10
                                    

Mula sa stage, nakita kaagad ni Zero si Harley kausap ang personal assistant ng banda. Nakangiti ang dalawa habang papunta sa VIP section.

Zero bang the drums as usual while looking at Harley, who was wearing a loose-cropped shirt without print. Nakabagsak ang magulong buhok nitong nakahati sa gitna.

Harley looked at him and smirked but immediately raised her middle finger before brushing her hair using her fingertips.

Tumingin sa kaniya si Forest at mukhang nakita ang ginawa ni Harley. Ngumiti ito sa kaniya na sinuklian niya ng ngiti at iling. Baliw talaga kahit kailan.

Kung tutuusin, hindi niya inaasahang pupunta ito dahil hindi naman totally nag-agree kaya nakiusap siya sa mga kaibigan na pagkatapos ng set nila, bababa na siya at pupunta sa dressing room dahil ayaw niyang humarap sa mga tao nang wala si Harley.

Gagawin kasi niya itong panangga sa lahat ng babaeng lalapit sa kaniya. Paniguradong tingin pa lang, aatras na. Hindi na susubukang lumapit sa kaniya.

Dahil sa naisip, awtomatikong natawa si Zero habang pinapalo ang drums na nasa harapan. Malamang kung kasama niya si Harley at sinabi niya iyon, makakatikim siya ng murang palagi na niyang inaasahan.

Kung tutuusin, hindi rin niya alam kung bakit sila naging malapit. Naiirita siya kay Harley, sobra . . .


Sinamaan ni Harley ng tingin si Zero nang magtama ang mga mata nila. Nakangiti itong nakaloloko na para bang mayroong naisip o binabalak, hindi niya alam.

Habang tumatagal, naiirita siya sa pagmumukha ni Zero at habang tumagal din, mas lalo niya itong nakikilala.

Bago magpunta sa concert, ilang beses niyang inisip kung tutuloy ba siya. Kung tutuusin, puwedeng sa huling kanta na lang siya magpunta para lang maitakas si Zero. Ni hindi niya alam kung bakit ba siya pumapayag.

Siguro para na rin makaalis dahil bored na siya.

Nilingon ni Harley ang babaeng tili nang tili sa tabi niya. Hindi niya ito hinuhusgahan dahil kung tutuusin, natutuwa siya. Naalala niya si Frankie noong panahong nagpapasama pa ito sa kaniya sa mall shows dahil wala namang alam sa mga lugar.

Ibinalik niya ang tingin sa stage. Sa dami ng mga nanonood at sumasabay sa kanta ng Fireplay, natutuwa siya dahil deserve naman. Magagaling at mukhang hardworking.

Estudyante pa rin ang mga ito at patapos pa lang base sa kuwento ni Zero.

Tahimik lang na nanonood si Harley. Iniisa-isa niya sina Major, Forest, Kio, at pati na rin si Betlog.

Once pa lang niya na-meet ang mga kaibigan ni Zero. Wala rin naman siyang balak na makipag-bonding sa mga ito lalo na at nagkukunwari lang sila. Hindi rin niya alam kung aware ba ang mga ito sa kagaguhan ng kaibigan nila.

Tumingin si Harley sa relong suot. Past eight na rin pagkatapos ng concert, hindi niya alam kung saan siya pupunta dahil ayaw muna niyang umuwi. Malamang na magkasama sila ni Zero, pero saan ang ganap?

Bahala na.

Kinakanta ni Major ang kantang hindi niya alam at nang matapos, sandaling in-interview ang mga ito. Tinanong kung kumusta at kung may lovelife na.

Mayroong girlfriend sina Major at Kio, pero single si Forest. Nang si Zero na ang tatanungin, ngumisi lang ito at tumingin sa kung nasaan siya.

Pekeng ngumiti si Harley at ang mga tao sa tabi niya at lumingon sa kaniya. Wala rin namang salitang binitiwan si Zero, pero sapat na ang pagdiretso nito sa kaniya pagbaba sa stage at kinausap ang bantay sa harang na papasukin siya.

Soul Meets You (Fireplay #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon