85

5.2K 275 75
                                    

"Sa inyong lahat ba, si Forest pinakamayaman?" tanong ni Harley habang ipinapalibot ang tingin sa loob ng village. Exclusive iyon at hindi magkakatabi ang mga bahay.

Tumingin si Zero kay Harley at umiling. "Parang pare-pareho lang naman kami. Hindi ako sure, pero parang naman."

"Eh bakit sa inyong apat, si Forest lang ang nasa ganitong lugar?" Curious si Harley dahil alam niyang lahat ng ibang nasa banda ay nakatira sa kaniya-kaniyang condo. "Siya lang ang may bahay 'tapos hindi condo?"

Ikinabig ni Zero ang sasakyan sa kanan papunta sa street ng bahay ni Forest bago niya muling hinarap si Harley at mabagal na pinatakbo ang sasakyan. Madilim na rin at malamang na kumpleto na ang mga kaibigan niya.

"Naging priority kasi ni Forest si Rain," sabi ni Zero. "Mas gusto niyang bahay kaysa condo para daw makapagpagawa siya ng playground at saka mas marami siyang puwedeng ilagay."

Hindi sumagot si Harley at nakatingin lang kay Zero.

"Kaya kung makikita mo, pagpasok pa lang sa sala, puro laruang pambabae na," natawa si Zero. "May dolls, dollhouse, mini gym . . . basta kahit anong laruang puwede."

"Teka, ilang taon na ba si Rain?" tanong ni Harley. "Ang cute nung name niya. 'Pag pinagsama mo, parang Rainforest?"

Mahinang tawa ang isinagot ni Zero. "Almost six na si Rain. Bata pa kami, teenager noong nagkaanak si Forest. Dahil doon," huminto siya at ngumiti. "Natuto kaming gumamit ng condom."

Malakas na humalakhak si Harley at inirapan si Zero na natawa rin sa sariling sinabi.

Ilang buwan na silang magkakilala at nagkakasama. Napansin ni Harley na malayo na ito sa unang beses na nagkakilala sila na palaging tahimik, nakayuko, at mukhang tangang nagtatago dahil sa kasalukuyan, marunong na itong maki-ride sa jokes niya.

Naisip niyang malamang na ganoon naman talaga ang personality nito, hindi lang agad ipinakita dahil bago lang silang magkakilala. Habang tumatagal, mas nakikita niya ang pasimpleng kagaguhan nito na hindi niya inasahan dahil akala niya, boring.


Pagpasok sa loob ng compound, hinawakan ni Zero ang kamay niya. Sinamaan niya ito ng tingin na ikinatawa nito dahil pilit niyang inaagaw, pero pilit naman nitong hinihigpitan ang pagkakahawak sa kaniya.

"Kadiri ka," bulong ni Harley kay Zero, pero agad na nagbago ang expression ng mukha niya nang bumukas ang pinto.

"Zayna." Tinanguan ni Zero ang babaeng nasa may pinto bago siya nilingon. "Zayna, this is Harley. Harley, Zayna. Kio's gir—"

Hindi na natapos ni Zero ang sasabihin nang bigla na lang niyakap ni Zayna si Harley na para bang matagal nang magkaibigang hindi nagkita. Nakatingin sa kaniya si Harley na parang nagtatakha naman kung bakit.

"Oh my gosh." Humiwalay si Zayna kay Harley. "Ang ganda-ganda at sexy mo sa pictures, pero mas malakas pala 'yung dating mo sa personal," anito na tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

Naningkit ang mga mata ni Harley. "Beh, tite gusto ko ha, hindi kike?"

Nagkatinginan sina Major, Forest, at Kio na ikinatawa ni Zero. Humalakhak siya dahil sa reaksyon ng mga ito. Hindi na siya nagulat na ganoon ang sasabihin ni Harley, pero mukhang hindi inasahan ng mga kaibigan niyang ganoon ang lalabas sa bibig nito.

Ibinaba niya ang plastic ng isaw na binili ni Harley pati na ang paperbag na mayroong alak pandagdag at ambag niya.

Nakipag-high five sa kaniya ang mga kaibigan niya bago siya naupo sa sofa. Tiningnan niya si Harley na nakikipagkuwentuhan na kay Zayna.

"Akala namin hindi mo na naman isasama, eh," ani Forest at naupo sa pang-isahang sofa.

Tumaas ang dalawang balikat ni Zero bilang sagot.


Soul Meets You (Fireplay #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon