105

4.7K 247 108
                                    

"Ayoko!" singhal ni Harley. "Gago ka ba? Hindi ka ba nakukunsensyang pati sa nanay mo, magsisinungaling ka? Hoy, kilabutan ka nga!"

Imbes na sumagot, nahiga si Zero sa kama ni Harley at nilaro ang stuffed toy na kulay green. Hindi niya alam kung sinong character iyon, basta green at mahaba ang pilikmata.

"Dalawang araw na natin 'tong pinagtatalunan, betlog, ha? Bukas na 'yong dinner. Hindi mo pa rin ba sinasabi sa mommy mo na hindi ako sasama?" Nagpameywang si Harley at iling lang ang isinagot ni Zero. "Gago ka!"

Wala pa ring naging sagot si Zero at hinayaan si Harley na magsalita nang magsalita. Kung sakali mang hindi ito sasama kinabukasan, maiintindihan niya kaya hindi niya ito pinipilit. Nagtatanong lang naman siya, pero ang daming sinabi.

Napakamot si Harley sa ulo nang hindi pa rin nagsalita si Zero. Pumikit pa nga ito at hinayaan siyang mag-rant na parang walang pakialam sa mga sinasabi niya.

Naupo siya sa gilid ng kama at mahinang hinampas ang dibdib ni Zero dahilan para tumingin ito sa kaniya.

"Paano ba magtampo ang mommy mo?" tanong ni Harley.

Umiling si Zero. "Hayaan mo na siya. Kung ayaw mong magpunta, I'll let her know. Wala naman siyang magagawa."

"Drama!" Nahiga si Harley at ginawang unan ang tiyan ni Zero. Tiningnan niya itong nakatingin din sa kaniya. "Paano nga siya magtampo? Like?"

"Hindi niya ako kakausapin or anything," sagot ni Zero. "That already happened last year, I think? Nung hindi ako sumama sa auction ng friend niya. My mom sometimes use her controlling card kaya hindi ko rin pinapansin minsan."

Malalim na huminga si Harley at tumingin sa kisame. "Bakit kasi hindi mo na lang sabihing hindi naman talaga totoo 'yong relasyon natin? At least hindi mo kailangang magsinungaling."

"She won't believe me," Zero uttered. "Don't worry about it. Hindi natin kailan—"

"Flex ka pa kasi, pauso ka," umiling si Harley. "Kapag nagpunta naman tayo, hindi ba niya ako aalipustahin? Parang bet ko."

Nagsalubong ang kilay ni Zero lalo nang bumangon si Harley at tumingin sa kaniya. Para itong nagkaroon ng lightbulb sa ulo dahil mukhang mayroong naisip na kalokohan at hindi na siya nagulat doon.

"What?" Binato ni Zero si Harley ng stuffed toy. "Ano na naman 'yang naisip mong kalokohan?"

Tumaas ang sulok ng labi ni Harley. "Bored naman ako, ikaw rin . . . gusto mong pumunta tayo sa dinner tapos gumawa na lang ako ng eksena? Parang gusto ko ng drama."

Hindi sumagot si Zero, pero nakatingin siya kay Harley.

Nahiga ito sa tabi niya at ipinatong ang binti sa tiyan niya. "Parang sa mga palabas? 'Yong mukha akong mangmang na nakapasok sa mansyon ng mga mayayaman 'tapos hihintayin kong mag-offer ang mommy ni layuan ka."

"Tatanggapin mo?" tanong ni Zero.

"Aba siyempre! Imagine, sasabihin niyang layuan kita, eh hindi naman tayo mag-jowa talaga . . . so win-win sa 'kin yon! Babayaran niya ako para layuan ka kahit hindi naman kita jowa. Pota, tara!"

Umiling si Zero at mahinang natawa. "Negosyante."

"Dali! Ililibre kita ng samgyupsal kapag may nakuha akong pera," humalakhak si Harley. "Ano, game?"

"Game," pagpatol ni Zero sa kalokohan ni Harley.

Humagalpak si Harley at patagilid na tumingin kay Zero. Dikit ang katawan nila.

"What if mag-sexy dress ako bukas, 'yong luwaan levels para umpisa pa lang, ma-turn off na siya?" Napaisip si Harley. "Meron akong dress diyan na hindi pa ginagamit."

Soul Meets You (Fireplay #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon