Pagkatapos nilang mag-yosi sa labas ng apartment, inaya ni Harley si Zero na pumasok sa loob para manood ng movie. Nag-explain siya tungkol sa paglayo niya dahil ayaw na niyang malungkot o masaktan.
Lumapit sa kaniya si Zero at mahigpit siyang niyakap. Hinalikan nito ang gilid ng noo niya at sinabing sa susunod, mag-uusap sila.
What they had was nothing romantic. Pareho nilang hindi naramadaman iyon sa isa't isa. They like being with each other, they liked the bonding, the talks, everything, but that was it.
"Tingin mo, normal na ganito lang tayo? Personally, tingin mo okay naman ang babae at lalaki as bestfriends. Nagkaroon tayo ng malisya noon, pero graduate na tayo," ani Harley. "Gago, kapag naalala ko nanginginig batok ko. Ba't ba tayo nag-sex noon?"
Natawa si Zero. Ipinatong niya ang paa sa coffee table na nasa harapan nila. "Sexually attracted noon lalo bago pa lang tayong magkakilala? O dala na rin ng libog dahil pareho tayong walang sex noon, pero oo . . . kadiri."
"Pero tanong lang, wala ka bang naradamang romantic sa 'kin? Kasi ako ha, lilinawin ko na," humarap si Harley kay Zero. "Wala talaga. Hindi talaga kita bet as jowa. Hindi ko makita 'yong sarili kong jojowain kita for real. Siguro noong nagpapanggap tayo, tanggap ko, pero for real? Hindi talaga."
"Ako rin naman," ani Zero at natawa. Umiling pa ito habang nakatitig sa kaniya. "Hindi ko rin nakikita na . . . romantically involved tayo? Siguro kahit ikaw na ang huling babae sa mundo, hindi talaga."
Malakas na natawa si Harley at hinampas ang braso ni Zero. "Gago, same. Kaya noong sinabi natin sa mommy mo na friends lang talaga tayo, rooting siya sa friendship natin, eh. Parang ang weird kasi na magjowa talaga tayo? Pero ask ko lang, may chikababes ka ba for real?"
Natahimik si Zero.
"Na-realize ko kasi ngayon, pareho nating gusto 'yung friendship and companionship, pero hindi tayo nagtanong sa isa't isa," pagpapatuloy ni Harley. "Meron bang laman 'yang puso mo ngayon?"
Seryosong nakatingin si Zero sa TV dahil nanonood sila ng series. Hindi ito sumagot kaya naman nag-change topic si Harley dahil pakiramdam niya, hindi kumportable si Zero na pag-usapan iyon.
"Tell me, what do you want?" pag-iiba ni Zero sa usapan. "Ano ba ang kinokonsidera mong achievement para maging masaya ka sa sarili mong narating? I want to know. Kasi nalulungkot akong binababa mo 'yung sarili mo."
Sumandal si Harley at nag-cross arms. "Kung pagbabasehan ko 'yung frien—"
"Huwag sila ang pagbasehan mo. Gusto kong malaman kung ano 'yung gusto mo. Ni Harley, hindi ng friends mo . . . hindi namin," pagputol ni Zero sa sasabihin niya. "Hindi ng parents mo, hindi ng society."
Natawa si Harley at naubo pa nga. "Sa career, gusto kong magkaroon ng sarili kong restaurant or business related sa food. Soon, siguro. Iwo-work out ko 'yan. Sa relationship," tumigil si Harley sa pagsasalita at nilingon si Zero. "Gusto ko ng stable relationship, pero . . ."
"Pero red flag ka?" sabi ni Zero. Hindi man lang nag-break.
"Grabe 'yon!" Singhal ni Harley. "Gusto ko ng relationship na . . . tanggap 'yung past ko, 'yung ako . . . 'yung tangina, hindi ko pala alam. Next question."
Umiling si Zero at inirapan si Harley, pero natawa rin siya.
"Pero betlog, tingin mo ba maniniwala silang wala tayong something?" biglang sabi ni Harley. "Kasi noon, hindi ako naniniwala na merong platonic relationship. Akala ko imposibleng hindi ma-in love ang opposite sex, pero ngayon, na-realize ko na hindi naman pala imposible?"
Tumaas ang dalawang balikat ni Zero. "For sure, may mga taong hindi maniniwala. They'll question everything lalo na kung ganoon naman ang mindset nila. It's not about being in denial or anything, pero may companionship kasi talagang purely friendship. I know someone."
"Sino?"
"Jessain and Kio," ani Zero. "Bestfriends silang dalawa. Nakilala lang din ni Forest si Jessain kay Kio. Actually, ang akala pa namin noon, sila ang magkakatuluyan, but we learned that they're just friends."
Nagsalubong ang kilay ni Harley. "Eh 'di ba, bata pa lang, magkakilala na sina Zayna and Kio? Hindi ba kaagad sila na-inlove?"
"Hindi. Magkakilala sila, oo. Magkaibigan sila, oo, pero mas close si Jessain and Kio. Para silang tayo, before their relationships, natutulog sa iisang kama. Sabay pumapasok sa school, iisang kotse . . . until Forest and Jessain . . . then Zayna and Kio. Naging sila lang naman noong nag-arrange na. Before that, friends lang."
Tumango-tango si Harley. "Ah, so possible pala talaga siya. Iyong iba kasi assuming," natawa siya. "Pero ina-assume ko na. Bestfriend na kita. Imagine mo, may mga kinilig sa 'tin tapos hindi naman pala tayo?"
"Surprise! This is not a love story," natatawang sagot ni Zero."
T H E X W H Y S
BINABASA MO ANG
Soul Meets You (Fireplay #2)
General FictionFP #2: Zero (Epistolary with narration)