95

4.6K 190 24
                                    

Bihira na silang makumpleto dahil busy silang lahat, pero isang beses sa isang buwan, hindi puwedeng walang sleepover sa kanilang magkakaibigan. 

Si Harley ang nakatoka sa pagluluto dahil wala namang talent ang iba. Madalas silang nasa bahay ni Risha dahil mayroon itong guest room kung saan magkakasama silang natutulog.

Wala naman silang gagawin kung hindi ang magkuwentuhan ngunit sa unang pagkakataon, naramdaman ni Harley na ang layo niya sa mga ito dahil tungkol na sa pamilya ang pinag-uusapan. Wala siyang maiambag dahil ni totoong relasyon, wala siya. 

Malaki na rin ang anak ni Risha dahil college pa lang sila, nagkaanak na ito. Bagong kasal naman si Lee sa highschool boyfriend nito, at si Frankie na malapit na ring manganak at nakakasama na si Reid. 

Gusto ni Frankie na magkasama pa rin sila kaya nagdesisyon itong huwag munang sumama sa condo ni Reid dahil ayaw siyang iwanan.

Sa loob ng limang taon, silang dalawa ang magkasama sa iisang apartment kaya naman sanay silang magkasama ngunit iba na ang sitwasyon. 

Mas kailangan ni Frankie si Reid kaysa sa kaniya kaya siya na ang gumagawa ng paraan.

Kahit wala siyang gagawin o pupuntahan, umaalis siya at nagkukunwaring busy. O hindi naman kaya ay pupuntahan niya si Zero na mabuti na lang ay palaging open ang condo para sa kaniya. 

Ayaw niyang mapilitan lang si Frankie dahil sa kaniya. Umaalis siya para magkaroon ng pagkakataong kay Reid ito matulog o si Reid na ang mag-alaga. 

It wasn't like she was being selfish, but she wanted to Frankie to go with Reid. Ginawa lang niyang paraan ang madalas na pag-alis para magmukhang walang makakasama si Frankie.

Kaya nitong mga nakaraan, dahil madalas siyang wala at malapit nang manganak si Frankie, sumama na ito kay Reid. 


Nang matapos magluto, umakyat na sila sa kwarto para manood ng movie at kumain. Tumingin siya sa orasan. Alas sais na rin. Mahaba pa ang gabi, pero sigurado siyang maagang makatutulog ang mga ito.

Sa kanilang lahat, siya ang puyatera. Si Frankie rin naman noon, pero simula nang magbuntis, madalas na rin itong tulog kaya kapag mayroong bonding, siya lang ang nakakatapos ng movie. 

Nakasalampak si Harley sa carpet, ganoon din si Lee. Pinag-uusapan ng mga ito ang kanya-kanyang profession.

"Ako, baka hindi muna ako babalik, Risha," malungkot na sabi ni Frankie. "Kung okay lang? Gusto rin kasi ni Reid na mag-rest muna ako after manganak." 

"Oo naman, 'no! Aware akong mangyayari 'yan kaya kakausapin din talaga kita na for the meantime, baka maghanap muna ako ng assistant," sabi ni Risha. "Magbubukas muna ako ng hiring." 

Tahimik na kumakain si Harley habang pinakikinggan ang pinag-uusapan ng mga kaibigan niya. 

"Medyo busy rin ako sa mga susunod kasi sunod-sunod 'yong events na naka-book sa 'kin," sabi naman ni Lee. "Ang dami kong telang need pang ipa-import! Gusto ko na nga mag-try ng baby, kaso hindi puwede sa ngayon kasi ang busy." 

Sa pagkakataong iyon, mas lalong nawala si Harley sa topic. Kung dati, siya ang bida . . . sa pagkakataong iyon, hindi siya maka-relate dahil tungkol sa anak na ang pinag-uusapan.

Inilabas niya ang phone at walang message galing kahit kanino. Nagsabi rin siya kay Zero na magkikita sila ng friends niya kaya kung may lakad ito, hindi siya puwede. 

. . . pero hindi na niya ma-take. 

"Hala, oh my gosh," nagkunwari siyang nagulat habang nakatingin sa phone na kunwari ay may binabasang message. 

Kahit na ang totoo, chismis lang 'yon galing sa Twitter. 

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Frankie. 

Tumango si Harley at ni-lock ang phone. "Nag-message kasi si Zero na meron siyang client sa painting, kailangan daw niya ng kasama mamaya." 

Nakatingin ang mga ito sa kaniya na naghihintay.

"Kailangan kong sumama." Kinagat ni Harley ang ibabang labi. "Okay lang babawi ako next month? Sorry, ha? Urgent pakiusap kasi talaga." 

Sabay-sabay tumango ang mga ito. 

"Ihatid kita?" tanong ni Lee.

Umiling si Harley at tumayo. Kinuha niya ang bag niya sa gilid ng kama. "Hindi na. Sinend ko naman na 'tong address ng subdivision, dadaanan na lang daw niya ako sa malapit na Mall. Doon na lang kami magkikita para hindi na consumed ng time." 

Manganganak na sa susunod na buwan si Frankie kaya sure si Harley na matagal bago maulit ang pajama party na nakasanayan nila. 

"Alis na muna ako, ha?" paalam ni Harley. "Enjoy n'yo 'yang foods! May bayad na 'yan sa susunod," pagbibiro niya.

Natatawang nagpaalam sa kaniya ang mga kaibigan niya. Nagpaalam na rin siya sa asawa ni Risha na nanonood ng movie sa sala kasama ang anak nito. 

Dali-dali siyang lumabas ng bahay at naglakad sa subdivision. Madilim na rin. Mabilis ang lakad niya at nang makalayo sa bahay ni Risha, nagbagal siya. Inilabas niya ang phone at sinubukang tawagan si Zero. 

Baka lang naman.

Sa ikalawang ring, sumagot ito. "Bakit?" 

"Busy ka?" Pinilit ni Harley na maging masaya ang boses niya. "Puwede ako pumunta diyan?" 

"Akala ko ba ma—" 

"Dali na kasi!" agad niyang pinutol ang sasabihin nito. "Ano, puwede ba?" 

Matagal bago sumagot si Zero at huminga ito nang malalim. "Sige. Mag-order ako ng pizza." 


T H E X W H Y S

Soul Meets You (Fireplay #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon