"Nagsi-sink in na sa 'kin na graduation na natin next week," ani Kio at kumportableng sumandal sa sofa. "Nare-realize ko rin na real world na 'yung haharapin natin. Parang iba na?"
Nag-agree si Forest. "Na hindi na basta-basta. Lalo sa parte mo na diretso ka na sa company n'yo, 'di ba?"
Tumango lang si Kio at uminom sa basong hawak nito. Napag-usapan din na hihintayin lang maka-graduate si Zayna dahil late ito ng isang taon sa kanila, magpapakasal na ang dalawa.
"Ikaw, Major, ano'ng plano mo?" Inabot ni Forest ang bote ng beer kay Major. "Sa inyo ni Kenken? Buti okay na rin kayo ng parents niya."
"Wala naman akong plano. Bukod sa mag-lielow muna sa pagbabanda, kung sakali mang payagan kami ng parents ni Kendra, mag-travel kami," sagot naman ni Major. "Pero hindi kami magmamadali this time. We'll take everything slow and steady. Ayoko nang mawala 'yung tiwala ng parents ni Ken sa amin."
Ngumiti si Zero at kumportableng sumandal habang pinakikinggan ang balak ng mga kaibigan niya. Pare-pareho na silang aalis sa college at ang totoo, sinabayan lang niya ang mga ito.
Mga walang idea sa totoong rason. Palagi niyang ginagawang excuse na tinatamad siyang mag-aral kahit na ang totoo, gusto niyang sabay-sabay sila dahil malamang na kapag nauna siya, hindi sila magiging match sa oras na available ang lahat.
Zero wanted to be with his friends, not minding what lay ahead in front of him. Maraming offers, kung tutuusin, pero pinili niyang huwag tanggapin dahil maaapektuhan ang pagbabanda nila kapag nawala siya.
At ayaw niyang mangyari iyon.
"Ikaw, Z, ano'ng plano mo sa susunod?" tanong ni Forest. "Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa n'yo ni Harley. Convincing kasi talaga kayo. Wala talagang chance like . . . kayo?"
Mahinang natawa ang naging sagot ni Zero. Inikot niya ang bote ng alak bago muling hinarap ang mga kaibigan niya.
"Time can't tell, pero okay kami sa kung ano kami ngayon. We like the friendship. Siguro ang hindi lang naging magandang part sa 'min, we both used each other sexually. It's mutual, but still . . . I really hoped we didn't," seryosong sabi ni Zero. "Wala nang naiilang sa 'min, but we could've done better. We could've talked about it, pero tapos na, eh."
Tahimik sina Major, Forest, at Kio habang nakatingin kay Zero na nakayukong nakatitig sa boteng hawak nito.
"Minsan naiisip ko na kahit mutual naman 'yon, I could've done better. I could've respected Harley not to do that. Kung alam ko lang na hahantong kami sa ganito kalalim na friendship, I could've done better," pagpapatuloy ni Zero. "Mahal ko 'yon, eh. Not the way everyone expects me to love her, but in other ways."
Kio chuckled. "Naniniwala na kayo sa 'kin ngayon? Na there's love without romance? Sobrang hirap niyang i-explain sa mga taong hindi pa nararanasan, pero kapag nasa sitwasyon ka na, mararamdaman mo 'yon. Yung hindi mo nakikita 'yong sarili mong romantically involved kayo, pero alam mo rin na gusto mo siyang kasama."
That was what Zero felt.
Mahirap paniwalaan para sa iba, malamang na iisiping pinipigilan lang nila, o mayroon ngunit in denial . . . no, that it wasn't the case.
While reflecting, Zero knew that he and Harley couldn't be together. They were compatible as friends because if they were in a relationship, they would soon raise the red flag together and ruin each other.
. . . and he didn't want to ruin anything with Harley.
They may not be ideal for each other, but they were meant to be together . . . just not together-together.
T H E X W H Y S