61

5.1K 248 34
                                    

At dahil walang dining area si Zero, sa bar counter sila kumakain. Instant pancit canton na maanghang ang niluto ni Zero, malabsa pa. Overcooked. Mamasa-masa. 

"No wonder hindi ka nagluluto," nilingon niya si Zero. "Kadiri, parang suka." 

"Hirap mo naman pasayahin," sagot ni Zero at nagpatuloy sa pagkain ngunit tinulak ang pinggan. "Ikaw nga magluto!" 

Tumayo si Harley at kumuha ng bagong stock ng noodles para siya na ang magluto. Hindi talaga edible para sa part niya ang noodles na niluto ni Zero. Hindi niya keri. 

Nilingon niya ang orasan. Almost two na rin kaya pala nag-message si Frankie kung uuwi pa ba siya at sinabi niyang oo, nagpapalipas lang ng rush hour. Sobra-sobra na kung tutuusin dahil malamang na umaga na siya makakauwi.

"Ihahatid na kita pauwi," sabi ni Zero.

Nagpameywang si Harley at hinaharap si Zero. "Aba dapat lang! Akala ko hindi ka mag-o-offer!" natawa siya. "Kain muna ako 'tapos uuwi na 'ko. Nanlalagkit ako." 

"Eh 'di maligo ka muna bago ka umalis," suhestiyon ni Zero at sumimsim ng kapeng tinimpla nito.

Instant 3-in-1 na iyon kaya hindi naman pumalpak. 

"Sasabayan mo ba ako?" pagbibiro ni Harley.

Tumaas ang sulok ng labi ni Zero. "Bakit hindi?" 

"Bastos!" Umirap si Harley. "Sa bahay na 'ko maliligo. Ayokong maging kaamoy mo. Unless meron kang pambabaeng gamit dito?" 

Umiling si Zero at kumportableng sumandal sa inuupuan. Nag-cross arms ito habang nakatingin sa kaniya at nakikipaglaban din naman siya. Naningkit ang mga mata nito na ikinatawa niya. 

"Ba't ganyan ka makatingin?" Tumaas ang kilay ni Harley. "Gusto mong pag-usapan? Okay lang sa 'kin." 

"What happened was . . . unexpected," Zero said in a low voice and squinted. "But I like it." 

Sumandal si Harley sa counter at ngumiti. "In short, nasarapan ka? Ako rin naman, kaya no prob. Hindi ka naman pala boring. Tahimik ka lang, pero may ilalaban," aniya at natawa. 

Mahinang natawa si Zero at kinagat ang ibabang labi. "What's the plan?" 

"Ay, may plano?" pagbibiro ni Harley. "Ano bang gusto mo? Kasama sa deal ang seggs?" 

Hindi sumagot si Zero na nanatiling nakatingin kay Harley. 

Ibinalik ni Harley ang atensyon sa pancit canton at pinatay na ang kalan. Mas gustong niyang sakto lang ang noodle—hindi malabsa, hindi rin naman hilaw. Siniguro din niyang maganda ang pagkakahalo, hindi tulad ni Zero na may buo-buo pang powder. Kakasuka. 

Bumalik si Harley sa lamesa at nagsandok ng pagkain. 

"Okay ka lang ba sa ganoong setup?" tanong ni Zero nang hindi tumitingin kay Harley. Nakatutok siya sa pinggang nasa harapan. 

"Pag-iisipan ko muna." Uminom si Harley ng tubig at nilingon si Zero. "Ayokong makipag-deal ngayon. Inaantok ako, saka pagod. Itutulog ko muna. Baka mamaya mag-agree ako ngayon, bukas pala hindi na." 

Mahinang natawa si Zero at nag-agree. Tahimik nilang ipinagpatuloy ang pagkain at nangibabaw ang katahimikan sa kanilang dalawa. 

Zero thought it was wrong, but he had no regrets too. Harley, on the other hand, felt nothing. Ginusto rin naman niya. 

Both were adults who decided to do it. Hindi rin naman bago sa kaniya ang nangyari dahil may karanasan sila sa iba, pero dahil mayroon silang naunang pag-uusap tungkol sa pagpapanggap, hindi nila alam kung ano ang susunod. 


Habang nasa sasakyan dahil nag-insist si Zero na ihatid siya, namayani ang katahimikan hanggang sa buksan nito ang speaker ng sasakyan. Tiningnan niya ang kanta at pamilyar siya roon. 

It was NVMD by Denise Julia. 

"Nakikinig ka pala sa mga ganiyang kanta? Akala ko pang-rakrakan ka lang, e," natawa si Harley. 

"I like the beat," sagot ni Zero. 

Tumango si Harley at sinabayan ang kantang ikinagulat ni Zero dahil hindi niya inaasahang maganda ang boses nito. Palagi kasing nakasinghal at galit kaya hindi niya ine-expect na marunong kumanta. 

"Gulat na gulat?" pagbibiro ni Harley. "Marunong akong kumanta, akala mo. Baka magulat ka." 

Tumaas ang kilay ni Harley at hindi alam ni Zero kung bakit. 

"Ikaw, kumanta ka rin ba?" Nilakasan ni Harley ang volume. 

Umiling si Zero. "No." 

"Puwede ba akong mamili ng kanta?" tanong ni Harley. "Please, lalabs?" natawa siya. 

Sumama kaagad ang mukha ni Zero habang nakatingin sa kaniya nang iabot ang phone sa kaniya. Nagulat siya sa ginawa nito dahil sa kahit sinong nakasama niyang lalaki, kahit sa ex niya, never iyong ginawa. 

Harley tensed while holding Zero's phone. "Nu gagawin ko rito?" 

"Akala ko hahanap ka kanta?" Zero looked confuse. "1217, 'yan password." 

Hindi na nagsalita si Harley at binuksan ang phone ni Zero. Agad niyang nakita ang Spotify sa icons at naghanap ng kanta.

"Birthday mo ba 'yan?" tanong niya tungkol sa password. 

Natawa si Zero. "The password? Nope." 

"Monthsary noon?" 

"Nope." 

"Eh, ano?" Nilingon ni Harley si Zero. 

Nanatiling nakatitig si Zero sa harapan. "Date where I felt vulnerable. I like remembering the date . . . makes me remember messages and names, too." 

Hindi na sumagot si Harley dahil mababa ang boses ni Zero. Mukhang malalim ang hugot. 

Nagpatuloy siya sa paghahanap ng kanta. Hindi pa rin siya makapaniwalang hawak niya ang phone nitong walang buhay dahil ultimong wallpaper, itim. 

Nakapili siya ng kanta galing sa bandang paborito niya. Tumingon sa kaniya si Zero. 

"Nakikinig ka sa Lola Amour?" Ibinaba ni Harley ang phone ni Zero cup holder. "Fave band." 

Zero smiled at her. "Nice taste." 


T H E X W H Y S


Soul Meets You (Fireplay #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon