"Hindi ka ba nagsasawa sa order mo?" Ibinaba ni Harley ang order in Zero. "Parang habang nagluluto ako, ako na yung nasusuka na paulit-ulit na lang 'yan. Sa isang linggo, nakakatatlo ka."
Tumingin si Zero kay Harley. "Not your food, not your problem."
"May point," ngumuso si Harley. "Ang akin lang kasi, marami akong suggestion. Masarap 'yung pesto na mayroon—"
Tumigil sa pagsasalita si Harley nang sumama ang tingin ni Zero sa kaniya. Nakaikot na ang pasta sa tinidor nito at susubo na lang, pero hindi pa nagawa dahil mukhang naiinis na sa kaniya. Deserve naman. Nakakasawa naman talaga kapag paulit-ulti na lang.
Sa kasungitan ni Zero, naisip niyang mukhang ang lungkot ng buhay nito at mukhang walang nagpapasaya. Palagi na lang nakasimangot, palaging nakayuko, at palaging nagtatago.
"Ah, baka maraming pinagkakautangan o maraming babaeng pinaiyak," bulong ni Harley sa sarili.
Nagpatuloy si Harley sa paglilinis habang hinahayaang kumain si Zero. Palagi naman niya itong huling customer at isang linggo na rin ang nakalilipas simula nang kunin nito ang number niya, pero hindi naman nag-order o tumawag dahil madalas na walk-in na.
Naisip din niya na malamang ay tamad itong magluto.
Humikab si Harley nang maramdaman ang antok at pagod. Madalas na naiisip na niyang mag-resign, pero kailangan pa niya ng experience. Gusto muna niyang mas matuto pa bago tuluyang mag-resign at maghanap ng panibagong trabaho.
Sumalampak siya sa sahig habang nagbibilang ng stocks nang maramdamang mayroong nakatingin sa kaniya at hindi nagkamaling nakapatong ang siko ni Zero sa counter habang nakatingin sa kaniya.
"Ano 'yon, mahal na hari?" tanong ni Harley. "Kung tapos ka na, iwanan mo na lang diyan. Liligpitin ko na mamaya."
Hindi sumagot si Zero, pero hindi rin ito umalis puwesto at nanatili pa ring nakatingin sa kaniya.
"Kapag hindi ka pa umiwas ng tingin, iisipin kong may gusto ka sa 'kin," ani Harley at tumayo. "Ano'ng kailangan mo?"
Zero smirked. "Hindi pa ako bayad, paaalisin mo na 'ko?"
Tinapik ni Harley ang noo nang ma-realize na hindi pa nga niya nasisngil si Zero. Masyadong maraming tumatakbo sa isip niya, pagod na siya, at gusto nang magpahinga para makalimutan iyon.
Inabot ni Zero ang card sa kaniya para magbayad. Hindi na siya nagsalita at ipinagpatuloy ang pag-punch sa order nito bago ibalik ang card. Humikab siya at nakita iyon ni Zero, sigurado siya.
"Hindi ako magso-sorry," ani Harley at umiling. "Inaantok na 'ko kaya kung puwedeng umalis ka na? Abala ka sa pahinga, eh," pagbibiro niya.
"Yosi?" pag-aya ni Zero.
Tipid na ngumiti si Harley at tumango. Sumunod siya kay Zero na inabutan siya ng isang stick mula sa kaha at sinindihan iyon gamit ang lighter na iniabot din nito sa kaniya. Sumandal siya sa salamin ng restaurant at kumportableng nanigarilyo.
"Matagal ka nang nagyoyosi?" Nilingon ni Zero si Harley.
Tumango si Harley. "Second year college, pero gusto ko na mag-quit. Nag-try na 'ko last year, eh . . . kaso na-stress ako. Stress reliever kasi 'to. Medyo nag-iingat lang ako nitong mga nakaraan kasi buntis 'yong bestfriend ko na kasama ko sa bahay."
"Ilang stick ka sa isang araw?" tanong ulit ni Zero.
Bumuga muna nang makapal na usok si Harley. "Unang stick ko ngayon," ipinakita niya ang stick na hawak. "First and last ngayong araw. Salamat."
"Stressed ka?" mahinang natawa si Zero.
"Sobra. Tanginang buhay 'to, eh," umiling si Harley. "Gusto ko na lang mag-asawa ng matandang malapit nang mamatay para magkapera nang hindi pinagpapawisan. Ikaw, stressed ka?"
Tumango si Zero at nag-iwas tingin. Humithit ito at nakita ni Harley kung paanong halos mabuhay ang pula sa dulo ng yosi dahil sa pagkakahithit. Parang walang bukas!
"Hinay-hinay naman sa paghithit," tumawa si Harley. "Parang galit na galit naman."
"Galit talaga ako," tipid na sagot ni Zero."
T H E X W H Y S
BINABASA MO ANG
Soul Meets You (Fireplay #2)
General FictionFP #2: Zero (Epistolary with narration)