So continue na natin ang pighati ng aking mga amigas.
"Hindi na kita nabibisita dahil alam mo naman ang buhay probinsya, maherap makarating dito sa lungsod. Simula nung namatay ang grandfather mo eh hindi na ako naka pagluwas. Tapos parang ayaw ko na sa lungsod dahil nakakasawa narito." saad ni Tita Cristina.
"Hindi rin ako nakakabisita sayo since may karamdaman ako." saad ni Tita Clarisa.
"Ako naman ay hindi makabisita sayo since na busy ako sa work ko." saad naman ni Tito Carlo
Naluluha nilang paliwanag saakin.
Malay ko ba na may kamag anak akong mga artista, si Tita Cristina ay sa Makati lang siya naninirahan. Ang karamdaman lang ni Clarisa ay asthma, bihira pa siya attackin nito. Kay Tito Carlo ay umaasa lang siya sa asawa niya.
"Nakakataba ng puso na makita kayong muli. K-kayo lang ba ang dumating...!? Nasaan ang mga pamilya niyo...!?" saad ko.
Biglang nagsi-datingan ang mga anak at apo nila. Halos mapuno na ang room.
"Ang mga asawa niyo...!?"
"Naku, busy sila ngayon. Ang inaalala dapat natin ngayon ay ang kalusugan mo!??" sambit ni Tita Cristina.
"Hahaha.. tama ka nga." sambit naman ni Tita Clarisa.
"Kumusta na pala ang bussines niyo!? Maganda parin ba ang takbo!?" dagdag naman ito ni Tita Cristina.
"Kalusugan ko muna ang alalahanin natin!?" sambit ko.
Natameme nalang sila bigla.
Napansin nilang naintindihan ko ang punto nila.
"Hahaha! Tama ka nga, pero naisip ko lang na paano na kapag may mangyari sayong masama...!? Paano ang bussines niyo!?" dagdag ni Tita Clarisa.
Awkward na paliwanag niya. Kita niyo, mas inaalala pa nila ang bussines ko.
"May mga tita at tito naman ako hindi ba...!?"
Napansin ko ang kanilang mga ngiti ay kita na ang kanilang mga gilagid.
"Ito rin oh, ito yung panganay na anak ko! Ito rin si Julu matalino ito sa school." sambit ni Tita Cristina.
Sempre prank lang yun. Ano sila halo!?
"Gusto ko sana isa sainyo. Kaso nakakalungkot, si Tita Cristina nag sawa na sa lungsod... tapos si Tita Clarisa may karamdaman, may pinagbubusy-han rin si Tito. Bata pa ang mga anak at apo niyo." pag-pilosopo ko sa mga ito
Sabay-sabay tumakip ang mga bibig nila. Na para bang nagsisi sila sa mga dinahilan nila.
"Naku, kaya naman nagsawa ako rito dahil walang kabuhayan. Pero kung meron man ay bakit hindi!?" paliwanag ni Tita Cristina.
Tinataas ko lang ang aking kilay sa kanya.
"Iha, asthma lang naman ito. Hindi naman as in delikado!!?" sambit naman ni Tita Clarisa.
Napalalim naman ang hinga ko sa sambit niya.
"Alam mo pamangkin!? Kaya ko naman iwan ang pinagbubusyhan ko para lang sa kompanya niyo!?"
Ang tagal nilang na pause dahil tinititigan ko sila sa mga mata.
"Pwede naman na gumawa tayo ng kasunduan na kung may mangyare sayo, isa sakanila ang magmamana!?"
Trying hard na paliwanag ni Tito.
Nabored na ako sa mga kaartehan nila.
"Actually, may nahanap na ako. Hindi ko muna siya ipapakilala para sa safety niya." sambit ko.
BINABASA MO ANG
The Billionaire Beggar. (De Verga Legacy)
Mystery / ThrillerA billionaire woman who alone in life that pretends to be a beggar to choose who should inherit her treasure. But, she found love.