DVL25

2.2K 50 0
                                    

Naawkwardan naman ako sa ginagawa niya, kaya hinampas ko ang kamay niya agad.

"Anong ginagawa mo!?" sambit ko.

"Siguro may psychøtic disørders ka...!?"

"Ano yun...!?

"Malala ata ang iyong delusion!?"

"Duh! Kahit 100 time 277 ay masasagot ko!"

"Anong sagot...!?"

Hindi ko talaga alam, kaya kumuha ako nang selpon para mag calculate.

"Lumayas ka narito kung iba ang kailangan mo, wala rito ang hinahanap mo. Kung gusto mo gayahin mo si Sanchai isigaw mo sa labas kung nasaan si Sunlight na sinasabi mo!" pataray na sinabi ni Cj habang palabas sa office niya.

Bumuntot naman ako rito.

"Pupunta ako sa rooftop! Sabihen mo sakaniya na doon kami magmemeet! Hihintayin ko siya hanggang 5pm!" sambit ko.

"Sabing hindi ko nga kilala yang Sunlight! Sabihen mo papansin ka lang saakin." sigaw niya kaso tinakpan ko ang aking mga tenga.

Sa nagtataka kung bakit hindi ko agad nakilala si Cj bilang kambal ni Ivaria dahil nung bata siya ay longhair ito na may bangs isang mata lang ang nakikita sakaniya.

Pero astig naman niyang tignan at matalino at talented siya. Ngayon ay naka haircut na ito.

Dahil maaga pa ay dumaan muli ako sa Maja's Bakery.

Dahil may extra television sila ay napanood ko rito na naibalita si Mr. Villian na nahospital ito, naging issue narin ang naganap na gulo sa fake lamay. Isa pang revelation ang ibinalita ay siya ang nagnakaw sa Violetta Carats.

Dahil nga karamihan sa mga tao ay hindi alam ang mukha ko ay naririnig ko ang mga usap-usapan nila saamin.

Hindi narin ako nakibo, hindi nagtagal ay dumating si Sergio.

"Madaam, basahin niyo po ito." sambit niya.

Binasa ko naman ang binigay niya, ang nakaulat rito ay delikado na kumain ako sa Maja's Bakery dahil pagmamay-ari ito ni Marimar.

"Impossible!?" sigaw ko.

Tumungo nalang ang ulo niya.

"How...!?" sambit ko.

Nagsignal siya na sumunod ako sakaniya.

Dumating kami sa rooftop kung saan ko imemeet dapat si Sunlight.

"Madam, ipinatayo niya yung Maja's Bakery para sa plano niyang masama saiyo. Marame na sana siyang nakuhang fingerprints niyo kaso kinuha ko ito lahat. Gagamitin niya ang Maja's Bakery para gagamitin niyang panglason sayo. Alam niya ang mga favorite baked foods mo, aakitin ka muna niya bago ang plano niya." paliwanag niya.

Nagulat naman ako sa nalaman ko.

"Bakit...!? Paano mo nalaman!?" sambit ko.

"Maniwala kayo sa hindi ay kakampi ako ni Sunlight. Ako ang ginamit niyang spy sa accomplice nina Nightmare. Ako rin ay spy kay butterfly..."

Namangha naman ako sa narinig ko.

"Sabihen mo!? May alam ka ba kay Nightmare o si Butterfly!? Itsura man lang!?" sambit ko.

"Lahat alam yan ni Sunlight, kung ako'y tatanongin mo ay hindi ko kilala. Pero sure ako na kilala yan lahat ni Sunlight."

"Paano ka naging spy..!? Kung ako sayo ay buking ka na!"

"Isa akong ganap na babae kina Nightmare ako talaga si Secretary Ann. Ang napatay nina Jessa ay isa lamang accomplice ni Butterfly, iniisip nilang ako yun. Yung nakita mong lalaking karelasyon ko ay kapartner ko lang yun, yung nakita mo akong nagluluksa ay palabas ko lang yun para isipin nina Jessa na hindi tayo magkakampi."

The Billionaire Beggar. (De Verga Legacy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon