DVL10

3.2K 54 2
                                    

Sinabi ko sakanya ang sinabi ni Officer Kho.

Napansin ko na namutla siya sa sinabi ko.

"Kung hindi mo ako papaniwalaan..., baka si Officer Kho ang paniwalaan mo!?" sambit ko.

"S-sigurado kang sinabi niya yun sayo!!?" paliwanag niya habang kinakabahan.

Sa nagugulohan bakit ganyan si Mrs. Ganzana kasi close sila ni Tita Jen at Officer Kho.

Bigla siyang nagmadaling lumabas.

"Aalis ka na!? Hindi pa nag 10 minutes!" pang aasar ko sakanya.

Sa nagtataka kung bakit hindi kami magkasundo, sempre vote ako sa mother ko.

Hindi nagtagal dumating si Secretary Ann.

"B-balita ko wala ka rito kanina..." sambit ko.

Kinabahan naman ito.

"Ma..madam..., kasi na emergency yung nanay ko...pero okay na siya ngayon. Naka pagpaalam naman po ako." sagot niya.

"T-talaga!? Well, may nanay kapa pala...naalala ko dati ang sabi mo mag aabsent ka dahil nam@tay yung nanay mo!?"

Napansin ko na kinabahan siya.

"Marame kabang nanay!? Napansin kong mapagmahal ka...." pagpipilosopo ko.

Tinignan ko siya ng matagal dahil hindi siya makasagot.

"S-so, nag sisinungaling ka!?" dagdag ko.

"Madam, inaamin ko na ngayon lang ako nag sinungaling sainyo. Patawad! Patawad!"

Bigla itong lumuhod at humihingi ng paulit-ulit na paumanhin habang naluha.

"Tatanongin kita...!? Gaano ka karupok!?" sambit ko.

"Eum, madam... gagawin ko ang lahat kahit kamat@yan ko pa! Wag niyo po sana niyo akong tanggalin sa trabaho .."

"Anong pipiliin mo!? Love or money!?"

Napahinto ito ng iyak, ang tagal rin niyang hindi makasagot.

"Lahat po ata importante yan madam."

"I know, pero minsan kailangan mong pumili para sa kapakanan ng isang bagay. Pumili ka.."

Nahahalata ko sakanya na nahihirapan siyang sumagot.

"Limang minuto para sa sagot." sambit ko habang nakatingen sa orasan.

"Madaam..., maherap pong sagutin...!? Kailangan ko ng pera at kailangan ko rin ng pagmamahal"

"Kung ganun, iibahin ko nalang... utak o puso!?"

Bigla nalang siyang nahimatay. Tumayo naman ako at tumapat sakanya.

"Kapag bumango ka na dyan, siguroduhin mong hindi na kita muling makikita pa."

Bigla itong napabangon.

"Madaaam...!!! Gusto ko na ng........love...!? Kasi aanhin mo ang pera kong wala naman nagmamahal sayo."

Ouch, masakit para saakin yun. Ang tagal ko rin hindi makapagsalita.

Napansin ko rin sakanyan na nahahalata niyang naawkwardan ako sa sinabi niya.

"Sorry madam, alam kong masasaktan ko kayo." saad niya.

Tumalikod muna ako.

"Pinalitan ko na yung tanong, bumalik ka pa sa dating tanong. Parang tama nga sila, hindi pa nagiging mature ang utak mo." sambit ko.

Bigla niyang hinawakan ang paa ko.

"Madam, sa ngayon kailangan ko ng pera!!! Pero pinili ko ang love kasi mas importante naman yun."

The Billionaire Beggar. (De Verga Legacy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon