DVL6

4.5K 54 3
                                    

Habang patungo ako sa aking kotse ay hindi ko rito nadatnan ang aking sasakyan.

"Guard!! Nakita niyo ba rito yung kotse na nakaparking!? sambit ko

"Doon ka nga, wag kang istorbo." sagot nito.

"Nawala ang kotse ko!!! Nasan yung cctv niyo!"

"Hah!? Kailan ka pa nagka-kotse!?"

Naalala ko na nakapurma ako bilang pulubi.

"Hindi ako pulubi! Nagp-prank lang ako para sa youtube Chanel ko."

"Oh talaga...!? Ano naman ang patunay mo!?"

Wala kasi akong dalang selpon at kakaunti lang rin ang pera ko.

"Sagotin niyo nalang kung nasaan ang kotse ko!! Siguro magka-kasabwat kayo noh!! Once na malaman kong may kinalaman ka!! Magtago ka na!!"

Hindi niya parin ako sinagot. Napansin kong namawis rin ito.

"Ahh!?? Nawawala ba ang kotse mo!? Alam mo ba yung kasabihan ng matatanda!? Kapag maramot ka, nawawala o nasisira ang mga kayamanan mo!"

"W-wait, sa pananalita mo kilala mo ako ha!?"

"Bakit, natamaan ka ba!?"

"Babalikan kita!"

Kaya no choice ako na lisanin siya.

Habang naglalakad ako sa may kalsada para humanap ng masasakyan biglang may muntikang mabangga ako.

Yuer's POV

Parang may nagmamasid saakin ng hindi ko alam!?
Sino naman kaya ito!? Lagot ka sakin once na makilala kita!

Nagulat ako ng biglang kinalabit ako ni Tita Jen.

"Naku, Iha. Mag-ingat ka! Mahalaga ang buhay." saad nito.

Nagtataka naman ako kung bakit nandon sila sa lugar kung nasaan ako na malayo sa kompanya.

"S-salamat!" sambit ko.

"Heto payong, at isang kapote. Baka kakailanganin mo. Ito kunting pagkain kung gusto mo." sambit nito.

Biglang naisip ko na baka siya ang kumuha ng kotse ko.

"Marameng salamat sa concern, p-pero mas maappreciate kita kung dadalhin mo ako sa harap ng Maja's bakery."

Ang Maja's Bakery ay malapit kung saan ang kompanya ko.

Nung una nagdadalawang isip ito.

"Pasensyana ha, hindi kasi kami tutungo roon. Pupunta kasi kami sa cavite."

Hindi ko na siya napilit kay nilisan na niya ako.

Tinuloy ko parin ang paglalakad. Biglang may huminto saaking harap na taxi.

"Ang lakas ng ulan, sumakay ka na!" sambit nito.

Nagulat naman ako sa malasakit nito.

Sumakay narin ako dahil makapal ang mukha ko.

"Saan kayo baba!? May matitirahan ka ba!?" saad nito.

Mukha siyang mabait, matalino, malinis at gwapo rin.

"Ahm, ibaba niyo ako sa Maja's Bakery sa Metro Manila, alam niyo ba iyun!?" sambit ko.

"Sakto, doon rin ang last na pasada ko."

"S-saglit, for the first time atang may nagmamalasakit na taxi driver sa isang katulad naming homeless!?"

"Homeless ka man sa hindi pantay-pantay yun sa aking paningin."

The Billionaire Beggar. (De Verga Legacy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon