DVL5

5K 79 1
                                    

Nagrent muna ako ng maliit na condo na malayo sa lugar kung saan kilala ako.

Iniisip ko kung paano magmukha akong tunay na pulubi. Kaya humanap ako ng magmamake-up saakin. Hindi ako marunong.

"Simula bata palang ako marunong na ako magmake-up! Kahit anong klasing gusto mong ipamakeup sa mukha mo kaya ko!"

Saad ng makeup artist.

"Talaga!?"

"Yes naman, gusto mo eksampolan kita."

"Uh, hindi ikaw ang magmamake-up saakin... tuturuan mo lang ako kung paano."

"Anong klaseng make-up ba gusto niyo!? Pang make-up ba ng blind date? Siguro marame na kayong na blind dates."

"Mukha ba akong walang asawa!?"

"Aha-ha-ha, meron ba!? Ahahaha, tingen ko kasi wala kayong asawa eh. Alam niyo ba na fortune teller din ako!"

Nagulat naman ako sa sinabi nito.

"Talaga!? Nahulaan mo naba kung kailan ka mamatay!?"

Nanlaki ang mga mata nito saakin.

"Kayo naman! Kamatayan agad-agad!? Hindi pwedeng about something muna. P-pero sandali lang nararamdaman ko na malapit mo nang makilala ang mamahalin mo ng lubosan!"

"HAHHH!? Talaga...!? May asawa na ako kaya impossible yan. Huwag kang mag-alala lalakihan ko ang sweldo mo."

"Totoo talaga sinasabi ko!! Kaso dadaan ka muna sa kahirapan, nakikita ko sa vision ko na magiging pulubi ka!"

Kunting kinabahan ako sa sinabi nito.

"Kinausap kita para turuan ako mag makeup hindi kwentohan mo ako ng kung ano-anong pumapasok sa isip mo." sambit ko.

Fast-forward, tinuturuan na nga niya ako.

Afterwards,

Pina-practice ko na rin magmake-up mag-isa.

Pero naiisip ko ang mga hinula niya saakin.

Yuer's POV

True kaya yun?
Paano kung mafall ako sa isang pulubi, ewww!!!
Ano naman kaya ang nakikita niyang vision na isa akong pulubi!? Totoong pulubi o itong minsyon ko!?.

Fast-forward,  walang naka pagpigil sa minsyon ko na mag-panggap bilang isang pulubi.

Natutunan ko narin magmake-up.

Sempre, dinadala ko parin ang kotse ko dito ko tinatago ang mga kagamitan ko at dito rin ako nag bibihis.

Ang unang pinuntahan kong lugar para mag-panggap ay sa pasig.

Nagsimula ako ng gabi.

"Pre! Tiganan niyo, mukhang may babaeng pulubi! Jackpot pre!" saad ni pervert 1

"Kayo nalang mukhang nakakadiri naman siya." dagdag ni pervert 2

"Tayo nalang dalawa pre! Samahan mo nalang kaming ikorner siya." pagsang-ayon ni pervert 3

Biglang lumapit sila saakin at hinalangan nila ako.

"Oy, gabi na... pagod ka na bang gumala!? Pwede kang sumama saamin." saad ni pervert 1

Gusto ko sa lahat yung inuutakan ako.

"Hahaha!? Seryoso!? Napaka exciting naman!? Pwede bang tumabi narin ako sainyong pag tulog?" sambit ko.

"Talaga ba...!? Oo naman, Bakit naman!?" saad ni pervert 3

"Tumakas kasi ako sa DSWD, dati kasi akong nagwowork sa bar. May sakit daw akong nakakahawa! Wala naman tumatanggap saakin."

The Billionaire Beggar. (De Verga Legacy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon