Nairita naman ako sa pagiging suplado niya saakin.
Afterwards, nagreready narin ako para sa mangyayare sa bentahan ng Violetta Carats.
Fast-forward, dumating narin ang araw nang bentahan.
Nagtext ako kay Sunlight kung pwede na ba akong bumalik sa mansyon.
"Nope, sa oras ng bentahan doon lang." reply niya.
Nabadtrip naman ako sa sinabi niya, pero umagree naman ako.
Fast-forward, nagbihis na ako para pumunta na sa events.
Habang nagbibiyahe ako humalang sa aking dadaanan si Sunlight. Lumabas ako agad-agad sa aking sinasakyan.
"Gosh! Ano ba yan... mas malala kapa sa multo ah!!" sigaw ko.
"Mamaya after ng events may celebration na magaganap, plan B nila yan para kung hindi man nila makuha ang Violetta Carats maaring doon nila idaan ang krįmên na gagawin nila."
"W-wait, bakit ang dami mong alam!? Baka mamaya ikaw talaga ang spy ni Nightmare!!?"
"Hindi ka buhay ngayon kung ako siya!"
"Okay, hindi bale... Naka gloves na ako!! No problem, may nakatago narin akong mask with matching pamaypay!! Based on my research, kaya pala may dalang paypay yung mga ibang sovereign kasi para against nila sa mga spy, pwede nilang gamiting pang mask! Or panghalang sa spray atsaka signal nila nung kasabwat niya...! Akala ko pa naman naiinitan sila!"
Sumakay nalang si Sunlight sa kotseng sinasakyan ko at siya ang nagdrive.
"Ihahatid mo ba ako!??" tanong ko.
"Chineck ko lang itong kotse mo, wala naman akong nakikitang mali. Sa oras nang pag-uwi ay huwag kang sasakay muli rito."
"So lilipad ako ganun!? O magtataxi!?"
"Nope, ako bahala. Ito eyeglass para hindi mapawing ang mata mo."
"Oh!! Kinakabahan ako lalo!!"
"Natatandaan mo parin ba yung mga paraan na gagawin mo kung sakaling may maganap na gulo!?"
"Of course! Halos lahat nang tinuro mo ay tinandaan ko, hindi lang yun dinagdagan ko pa."
Bigla niyang hininto ang kotse.
"Magaling, may kailangan pa akong gawin. Magpa-late ka, maaring madagdagan yung plano nila." sambit ni Sunlight bago lumisan.
"Really!? Pero, wait...! Aysh! Paasa...!! Pabitin!!"
Nasa punto na ako kung papaniwalaan ko ba siya o hindi. Dahil no choice sinusunod ko naman.
Habang patago akong pagpasok sa building na gaganapin ang events ay nakasalubong ko si Cj na nagmomop.
Nagulat naman ako, nagtataka ako bakit nandito nanaman siya.
Nagpanggap akong nabangga yung tubig na nasa tabi niya.
"Oh, I'm sorry!" sambit ko.
Hindi naman ito nagreact sa ginawa ko.
"Ahem, hindi mo ba ako kilala..!?" tanong ko.
Lumingon ito saakin at pinagmamasdan ako na para bang jinajudge ako.
Nagcross-arms naman ako, gusto ko sanang ijudge rin yung boses niya muli.
"Sorry, may nakaraan ba tayo!?" sambit niya.
Iba nga ang boses niya, parang agree na ako kay Sunlight na hindi sila iisa kaso hindi parin buo.
BINABASA MO ANG
The Billionaire Beggar. (De Verga Legacy)
Mystery / ThrillerA billionaire woman who alone in life that pretends to be a beggar to choose who should inherit her treasure. But, she found love.