Lumapit saakin agad yung mga bata para alalayan ako."Marunong pala kayo makipaglaban!?" tanong ko sakanila.
"Naku, dahil manluluko saamin si Kuya Sergio e kapalit na walang pambayad sa pustahan namin e tinuruan nalang niya kami nang karate moves tas yun ang pambayad." sagot ni Yeron.
"Ahhh, marunong pala siyaaa.." pagkukunware ko.
"Opo! Ang galing nga niya! Araw araw kasi may sumusugod sa bahay na naka mask! Nakakatakot, muntik pa nila makuha isa saamin kaso buti nalang naagapan." dagdag ni Mika.
"Oo nga pala bakit kayo nandito!?" tanong ko muli.
"Si Ashly at Ash kinuha nila!! Dapat walang mananakit sa mahal kong Ashly!" sambit ni Jack.
"Uh!? So, may alam ba kayo kung saan sila mahahanap!?" tanong ko muli.
"Kasabay namin si Kuya Sergio kaso nahiwalay kami sakaniya, nasa Oval Home Stadium banda rooon!!" dagdag ni Mika.
"Oval home nanaman!?" pasigaw ko.
"Opo, delikado roon kasi balita ko dalawa lang yung pintuan doon tapos ang lawak doon. Tapos yung isang lagusan ang nakakaalam ay yung boss lang nila." sambit ni Yeron.
"Oo nga, dapat hindi tayo basta-basta pumasok doon baka matrap tayo sa loob." dagdag ni John.
Kinabahan naman ako sa aking nalaman.
Fast-forward,
Naglakbay kami patungo sa Oval Home Stadium.
Nasa gitna ng forest ito, medyo kahawig niya yung Oval home sa New Zealand.
"Mas maganda nalang na hindi tayo pumasok, baka ano pang mangyare saatin." sambit ko. Habang natatanaw namin ang gate.
Kaso ang gate ay walang nakabantay.
"Kailangan namin iligtas ang kaibigan namin!!" sambit ni John.
"May magliligtas na sakanila nandun si Sergio... O tapos meron pang iba..." sambit ko. Iniisip ko na si Sunlight ay baka nasa loob na.
"Hindi kami papayag!" pagmamatigas ni John.
Binalak na iwan na nila ako dahil nagkasundo silang lahat na pumasok, nagdadalawa narin ang isip ko dahil feeling ko ay hindi pa ako naka move-on sa Oval Home.
Hindi rin nagtagal ay nainip ako kaya pumasok narin ako, sinundan ko ang mga bata.
"HA!HA!HA! Welcome on the board mga stupido!" sambit ni Jessa habang nakaupo na may hawak na dalawang malalaking aso.
Nasarahan narin yung gate.
"Come on!! Mga bata... Gusto niyo ba makipaglaro!? Anong gusto niyo habulan!? O taguan!? Ang mahuli ay pasensya na ha!?" dagdag ni Jessa na mahinahon.
Binitawan niya ang dalawang aso at agad-agad naman tumungo saamin ang dalawang malalaking aso.
Dahil malawak ang Oval Home Stadium ay nagtakbuhan naman kami. Tawa nang tawa naman si Jessa sa ginagawa namin.
Dahil may sekret sandata sa footwear na suot ko ay lumaban ako sa mga aso. May patalim kasi ito na itinuro ni Sunlight.
Nanlaki naman ang mata ni Jessa, dahil nakita niya na nabalian ko ang isang aso. Hindi nagtagal ay tumakbo ang isang aso nang mabilis patungo saakin para gantihan ako.
Ngunit bigla may pumutok sa katawan niya, binaril pala ito ni Sergio.
"Kuya!!" sigaw nung mga bata.
BINABASA MO ANG
The Billionaire Beggar. (De Verga Legacy)
Mystery / ThrillerA billionaire woman who alone in life that pretends to be a beggar to choose who should inherit her treasure. But, she found love.