Muling humalinghing si Celestina.
"Mabubuhay pa tayo!!" sambit ko.
"Kung papipiliin ako, ay h-hindi k-ko na g-gugustohih m-mabuhay p-pa.." sambit ni Celestina.
"Paano mo yan nasasabi!? Paano ang kapatid mo!?"
"Itinago ko ang tunay na imahe ni Ryo alang-alang lang na maging malaya siya sa mga nagawa k-kong kasalanan."
Napakunot noo naman ako sa aking narinig.
"Wala kang kasalanan, biktima karin dito. Kaya deserves nila yung ganti mo." dagdag ko.
"Y-Yuer.., p-pinatay ko a-ang anak namin ng asawa ko d-dahil sa i-inis ko sa asawa ko. Hanggang ngayon ay h-hindi payapa ang isip at kusensya ko sa ginawa kong katangahan."
Nanlaki ang mata ko sa nagawa niyang kasalanan.
"Hindi ko akalain na may ganiyang kang mindset!?" sambit ko.
"B-buntis ako nung nalaman kong nagluko ang asawa ko... Nung isinilang ko ito a-ay... hinulog ko sa bangin. Malaking kasalanan yun haaah-haah...haàh..." sambit niya subalit nahihirapan na itong huminga.
"Celestina!? Kaya mo pa ba!!!?" sigaw ko.
"P-parang h-hindi ko na t-talaga kaya..."
Napapansin ko na malaking dugo ang nawala sakaniya kaya naisip ko na ito ang dahilan nang mabilis na pagpanaw niya.
Hindi nagtagal ay dumating si Sunlight.
"S-sunlight...!!! Buhay ka...!!!" sigaw ko sa tuwa.
"Wala na tayong oras, may bomba na sa mga sulok."
Habang sinisira niya ang kadena ko.
"Unahin mo si Celestina!! Siya si Sergio at Secretary Ann.... Mamatay na ata siya!? Kaya pa ba niyang mabuhay!?" sambit ko na natataranta.
Natanggal niya agad ang mga nakagapos saakin kaya agad-agad niyang pinuntahan naman ay si Celestina.
Ff,
Lumabas na kami sa room na yun kung saan kami ikinulong ni Nightmare habang hinahanap ang lagusan muli.
Buhat naman ni Sunlight si Celestina.
"Nasan si Nightmare!? Siya pala si Tita Jen...!! Bakit hindi mo sinabi agad! " sambit ko.
"Nililinlang ko pa siya, kaya dapat makaalis na kayo rito baka mahabol niya kayo. Maaring may magawa kang hindi magandang resulta sa mission namin, kaya nararapat na ilihim sayo ang karamihan."
"Hush! Oo nga pala! Si Marimar patay na!! At hindi siya si butterfly!!"
"Alam ko..."
Napakunot noo naman ako sakaniya.
"Bakit nung una sabi m—"
"Dahil ayaw ko ngang umepal ka sa mission namin."
Nagtaka naman ako kung bakit wala siyang tiwala saakin.
"Bakit ganyan ka sa akin!! Akala ko ba kalaban ko ay kalaban mo!? Tutulongan kita at tutulongan mo ako!? So, bakit kailangan mo akong pagtaguan ng sekreto!!!?" pagrereklamo ko.
"Dahil hindi ka kati-katiwala.."
"Hala...!? Na try mo!? Nasubukan mo!?"
"Sa pagkumpara mo saamin ni Cj at pagdulas mo sa harap ni Cj sa pangalan ko ay nararapat na hindi ka bigyan nang lihim."
Natahimik naman ako.
"Masyado kang padalos-dalos, baka nga kung nalaman mo kung nasaan si Nightmare ay sugurin mo agad. Hindi nag-iisip.." panggigil nito.
BINABASA MO ANG
The Billionaire Beggar. (De Verga Legacy)
Misterio / SuspensoA billionaire woman who alone in life that pretends to be a beggar to choose who should inherit her treasure. But, she found love.