DVL18

2.1K 36 1
                                    

Fast-forward, nasa last way na kami. Isang malawak na sapa.

"Bumaba na kayong lahat!!" sigaw muli nung lalaking mysterious.

Bumaba narin kami.

"Sumunod kayong lahat saakin!" dagdag niya.

Napadpad kami sa isang maputik na lugar na para bang sapa.

"Kailangan magtago tayo sa putik. Lalabas tayo kapag madilim na." sambit muli nung lalaking mysterious.

"Ano!! Ginagag0 mo ba kami!" sigaw nung isang lalaki.

Ang iba ay tumalon sa tubig para maglangoy, ang iba naman ay sumunod sa sinabi nung mysterious person. Yung iba naman ay nagtago sa mga damuhan at bato.

"Eww! Hindi ko kayang maputikan!! Masisira yung skin ko eww!!" saad ko.

Biglang dumokot ang mysterious person ng putik at pinahid niya saakin.

"Hindi mo yan madadahilan kapag dumating sayo si kamat@yan. Hindi oras para mag-inarte." saad niya saakin.

No choice naman ako na sumunod sa plano niya.

Fast-forward, dumating ang mga lalaking humahabol saamin.

Na snipp3r nila ang mga lumangoy dahil nahabol nila, nahanap rin nila yung mga nakatago sa mga damuhan at bato pinat@y narin nila.

Except sa mga nagtago sa putik.

Afterwards, umalis narin sila.

Nagsignal naman yung lalaking mysterious na huwag munang gagalaw.

Sinunod naman namin ito.

Hindi nag tagal ay bumalik nga sila.

Fast-forward, umalis na nga sila. Ginabihan narin kami sa aming tinataguan.

Lumabas na nga kami at naghugas sa may sapa.

"Gosh!! Ang skin ko!!" saad ko.

"Naku madam!! Mas importante pa yang skin niyo kaysa sa buhay niyo!?" saad ni Marimar.

"Hindi ko kayang mabuhay na magaspang yung skin ko!!!" pag-iinarte ko.

"Tama na yan, akala mo naman hindi nakaranas humiga sa kalye!" saad nung mysterious person.

Nagulat ako sa sinabi niya, parang sinabi niya na alam niyang nagpapanggap akong pulubi.

"Hoy! Gaano mo ba ako kakilala!?" saad ko.

"Kailangan na nating umalis... ilugar mo muna yang kadaldalan mo." pang aasar saakin nung mysterious person.

Habang kami ay naglalakad may nadatnan kaming sign board na tinangay ng bagyo. Ang nakasulat rito ay patungo sa right yung path nang city, habang sa left naman ay path daw patungo sa forest.

"Naku madam!!! May choices!?" saad ni Marimar.

"Look! Mukhang nabaliktad yung arrow! Pero yung nasa baba ay hindi! Ibig-sabihen nasa left yung city!" saad ko.

Nag agree naman yung mga kasama ko maliban sa mysterious person nayun.

"Mukhang sinadya nila yang sirain." saad niya.

"Kayanga, sinadya man sa hindi... e parang palabas!? Yung right path at wrong path ay nagkakabaliktad! So dito tayo sa left!!" saad ko.

Umagree naman muli ang mga natitirang kasama namin maliban naman sa mysterious person nayun.

"Halatang sinira nila yan, hindi dahil sa bagyo. Isa lamang yang patibong..." saad niya.

"Kayanga..!? Ang kulit!??? Kaya dito tayo sa left!!" pamimilit ko.

The Billionaire Beggar. (De Verga Legacy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon