DVL20

2.6K 38 0
                                    

Inabot muli niya ito saakin.

"Bakit ka takot na takot!? Parang may tinatago ka ah!? Masyado ka kasing obvious!?" sambit niya.

NDRRMC lang pala yung nagmessege.

"Sino bang hindi matatakot sa mga mukhang hindi pinagkakatiwalaan!?" palusot ko.

"Eh, bakit mo naman kasi pinipilit pumasok saaming tahanan!? Kung sino pa yung tresspassing siya pa yung ganadong magbentang!?" saad ni Cj.

"Kayanga! Kung siguro kasama ka namin sa agency, isa ka sa hindi namin pagkakatiwalaan!" sambit naman ni Ashly.

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Pakiulit!? Mukhang marame kang nalalaman!? Kayo nga ang umamin may something talaga sa inyo! Impossible na may nalalaman pa yang batang yan ng agency-agency!" sambit ko.

"You think age equates to intelligence and wisdom, dahil mas matanda ka, iniinvalidate mo ung experiences at life learnings ng kabataan. Kaya rin namin magresearch kahit about sa henerasyon niyo pa yan." dagdag ni Ashly.

"Aalis muna ako, ikaw! Baka nanaman may makaaway ka nanaman." babala saakin ni Cj.

"Aalis ka nanaman!? Gosh! Kawawa naman yung mga bata! Walang magtuturo sakanila nang asal." sambit ko.

Hindi na nga niya ako sinagot umalis nalang siya agad.

Susundan ko sana siya kaso hinawakan ni Ash yung damit ko.

"Gusto niyo bang magbihis!? May mga damit si nanay sa loob. Pwedeng gamitin mo." saad ni Ash.

"Tsk! Salamat, baka bangungutin pa niya ako dahil sa selos." sambit ko.

Hindi nagtagal dumating ang limang bata.

"Hala!? Hindi ba siya yung pinilayan tayo!?" saad nung isa.

Nagulat naman ako sakanila, sila yung binuhusan ko ng tubig.

"Nandito rin kayo!?" saad ko.

"Yes, dito rin sila nakatira." sambit ni Ashly.

Napansin kong takot saakin yung mga bata.

"Subukan niyo ulit akong kalabanin, matitikman niyo yung ninja moves ko!" sambit ko.

"Tinulongan rin ba kayo ni kuya Cj!?" saad nung isa.

"T-tinulongan!? Sawreh!? Kulang nalang ipagtaboy niya ako!" saad ko.

Tumingen ako kina Ash at Ashly.

"Paano kayo nabubuhay...!? Madalas nasa work tatay niyo!? Sino nagpapakain at nagluluto sainyo!?"

"Ako po!" saad ni Ash.

"Tsk! Yung luto niyo nga–"

"Si Ashly kasi nagluto nun, sinadya niyang paalatin yung sayo!" pag amin ni Ash.

Biglang binatokan siya ni Ashly.

"Bagay kayong mag-ina, may similarity yung mindset niyo!" pagkumpara ni Ashly saamin.

"Gosh! Napaka badmanners mo naman!?" sambit ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot naka taas lang ang kilay niya saakin.

"Pwedeng ipagluto mo muli kami ng biko!?" suggestion ni Ash.

"Tsk! Hindi ako naparito para maging maid ha!" saad ko.

"Em, ipapakilala ko nalang sila sayo." sambit ni Ash.

"No need! Aalis naman ako!"

Biglang pinigilan ako ni Ashly.

The Billionaire Beggar. (De Verga Legacy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon