Chapter 39

167 16 2
                                    

Kans P.O.V

Kakadating ko lang sa hospital Masakit parin ang panga ko dahil sa natanggap kong suntok kahapon. Marami narin nangyari idagdag mo pa yung tampuhan namin ni praia simula kasi nung umuwi kami galing sa field trip ay hindi na kami nagpapansinan.

Ang totoo niyan ay ako naman talaga ang naunang hindi mamansin sakanya dahil nalaman kong siya pala ang ipapakasal kay tristan. Sa totoo lang ay medyo nasaktan ako 'don dahil hindi ko lubos akalain na ang babaeng mahal ko ay ipapakasal sa isa sa pinaka matalik kong kaibigan ko and that really hurts!

I can't bare to watch her dating other guys, i might die!

Pipihitin ko na sana ang pinto ng biglang may nakasabay akong humawak sa doorknob kamay pa lang ay kilala kona kung sino siya.

Si praia
At nasa likod naman niya ay si tristan na nangingiti pa.

Shet nang aasar ba siya? Psh
Alam na kasi niya na gusto ko si prays dahil kinwento ko na sakanila ni zhin kung anong nangyari samin dalawa.

"O-oh ikaw pala." Saad ni praia at bumitaw agad mula sa pagkakahawak sa doorknob.

"Yeah." Tanging naisagot ko at pumasok na lamang naabutan naman namin sina zhin at jee na huli sa akto na nagyayakapan.

"Yo mennn- ano 'to?" Namamangha pang sabi ni tristan. 
Bahagya naman akong natawa sa naging itsura ng dalawa dahil makikita mo ang gulat Kanilang mukha.

Bigla naman akong napatingin sa gawi ni praia na nakatingin din sa akin habang nakangiti kaya agad akong umiwas kaagad.

"You ruined the moment!  Kahit kaylan epal ka talaga." Saad ni zhin at binato ng unan si tristan.

"Teka-teka bes ano yun ha? Bakit may pa ganun?" Sabi naman ni prays at tumabi kay jee.

"Ah ano,  wala lang-" hindi naituloy ni jee ang sasabihan ng biglang magsalita si zhin.

"We're officially dating got a problem with that?" Sabi ni zhin kaya agad na nagulat si praia.

"Oh no you gotta be kidding me totoo ba yun bes?" Hindi makapaniwalang tanong ni prays.

Ang kyut mo talaga pag nagugulat.

"Ah kasi ano bes-" tugon naman ni jee habang napapakamot pa ng ulo.

"Ano bang masama kung kami na? Mabuti paproblemahin nyo 'yang engagement nyo ni tristan." Biglang saad ni zhin.

Kaya naman biglang napatayo at napahawak pa sa bunganga si jee.

"A-ano? Engagement?  Nino? At bakit si tristan." Sunod sunod na tanong ni jee.

"A-no kasi bes pasensiya kana balak ko namang sabihin sa'yo eh nag hahanap lang ako ng tiyempo." Ani praia.

So hindi pa pala alam ni jee na ikakasal na ang kaibigan niya?  Tsk masyadong private 'yon kaya ayaw niyang ipagsabi

Napa irap ako habang nag iisip at agad naman akong napatingin na gawi ni tristan na ngayon namumula na kakapigil ng tawa.

Raulo! Sinenyasan niya akong lumabas muna

"Usap muna kami ni prays sa garden ha." Paalam ni jee at agad lumabas sa kwarto kahit hindi pa nasasagot ni zhin.

"Aba't hindi pa nga ako umu oo lumabas na kaagad? Iba din eh lagot saken 'yon mamaya." Ani zhin at pinanggigilan ang unan.

"Kami din pre labas muna kami usap." Paalam ko.

"Pati ba naman kayo iiwan ako?"

"Ang drama mo boi babalik din naman kami pahinga kana muna jan mag uusap lang kami ni kans ng masinsinan." Napapatawa pa niyang sabi kaya naman pabito ko siyang sinuntok sa tagiliran.

Pagkalabas namin ay pumunta kami sa may cafeteria ng hospital pagka upo palang namin ay agad na nagtanong si tristan.

"Susuko ka nalang ba ng basta basta?"

"Hindi, pero We're talking about their company and that marriage is the only answer anong magagawa ko?"
Kahit naman baliktarin ang mundo ganun parin ang kalalabasan eh.

"Bro, if you really love her do something nag usap kami kanina at pati siya ayaw niya rin naman ng ganito even me ayokong matali sa taong hindi ko naman mahal."

"Anong magagawa ko it's her parents decision and i can't do about it."

Desisyon ng pamilya niya kahit naman gustuhin kong pigilan wala na akong magagawa.

"No, you can -" saglit siyang napakamot ng batok at nag aalangan pang magsalita.

"Talk to your parents convince to invest in franCom incorporated alam kong easy lang yon sa'yo you're family is rich pag kinausap mo sila pwede ring kayo na magpakasal diba?" Pagsabi niya nun ay agad naman umiwas ng tingin.

"Alam mo namang hindi ako maayos sa pamilya ko bro." Saad ko.

Nakita ko namang biglang nagtiim ang bagang niya.

"You know what you're acting like a coward, of course i know you're not in good terms with your family why don't you just go and beg for their forgiveness? Madali lang yon men alam kong mabigat yung kasalanan mo sakanila na sa amin ay hindi mo makwento kwento pero we're talking about praia here the person who want to marry bro! The person you love!  Pero anong ginagawa mo? Kahit minsan babaan mo naman yung pride mo."

"Kahit anong laki ng pagkakamali mo you're their son alam kong mahal ka nila at papatawarin pero inuunahan mo lagi kahit pa nangyayare. Hanggang kaylan kaba magiging ganyan? Napakaselfish mo sarili mo lang lagi ang iniisip mo! Psh."

"Kung gusto niyong magpakasal, magpakasal kayo kung ayaw mo edi wag!"
Yun nalang ang naisagot ko.

"Okay kung yan ang gusto mo I'll respect that pero wag ka sanang magsisi pag nakita mong kinasal na ang  taong mahal mo sa iba it's you're fucking decision!"

Bigla akong natawa ng bahagya, yun lang ang unang beses na nakita kong ganun ang reaksiyon ni tristan dahil kahit kelan hindi ko pa siya nakitang ganun kagalit na animoy parang papatay na.

Pero bigla ko namang naisip ang mga sinabi niya. Sa totoo niyang napakalaki ng kasalanan ko sa parents ko na kahit pera ay hindi mapapantayan kung gaano kalaki yon. Lahat ng pamilya ko ay sobtang galit sa akin sabagay hindi ko naman masisisi dahil kahit ako man 'yon ay hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa nangyare.

It's my fault napaka gago ko sarili kong ang iniisip ko! Napaka wala kong kwentang tao sana hindi nalang ako nabuhay! Kung hindi siguro sarili ko ang inisip ko hindi sana mangyayari yon!

Naramdaman ko nalang ang biglang pagtulo ng luha galing sa mata ko.

Hindi ko naman sinasadya ang nangyari at kahit ilang sorry pa ang sabihin ko hindi na nun maibabalik si

tatiana





The Kiss MasterWhere stories live. Discover now