Chapter 31

207 13 0
                                    

Jee P.O.V

"Oy bansot, nakatunganga ka jan?" Tanong ni kuya

Anyways, nasa bahay na'ko.
Pero di parin mawala sa isip ko yung pag uusap namen ni zhin kanina.

Totoo ba yun? Sabi niya mahal niya si ney pero dati yun? Meaning ako yung mahal niya ngayon?

Sige bruha assume pa.

Aba'y malay koba. Baka ako nga

Konsensiya: sus Yieee kinikilig.

Di ahh.. medyo lang

Konsensiya:sus sabe na ehh

Napa aray ako nung biglang may pumitik ng ilong ko.

"Ano ba kuya!!?" Singhal ko. Kase  mamitik ba naman.

"Tinry kolang, baka sinaniban ka pated eh. Kanina pa kita kina kausap nakatulala ka lang may problema ka ba?" Tanong niya.

Umiling lang ako.

"Wala naman-- achuuuu" napabahing ako. At agad kumuha ng tissue sa table ko.

Nasa kwatro kasi ako ewan ko ba't andito si kuya, tinimplahan panga ako ng gatas eh.

"Pated.." tawag ni kuya.

"Oh" sagot ko pero di paren ako nakatingin sakanya.

"Pated.. sa susunod na babahing ka, wag mong isama pati tubig hangin lang dapat" kaya ayun napatingin ako sakanya.

Bwahahaha natalsikan pala siya ng laway.

"Hahhahaha... Sorry na kuya." sabe ko at nagpipigil ng tawa.

"Ethannnnnnnn" tawag ni mama sa labas.

"Tawag ka kuya oh"

"Anjan na po." Sabe ni kuya at nagpaalam na.

Maya maya naisipan kong bumaba, nauuhaw ako eh.

Pagbukas ko ng pinto narinig kong may kausap si kuya isang  lalake?

Sino kayang bisita ni kuya?

Halos mahulog ako sa hagdanan ng makita ko ang bisita ni kuya este bisita ko pala.

Anong ginagawa niya dito akala ko ba, umuwi na siya?

"Dito na muna siya matutulog, nasiraan siya ng kotse jan sa may kanto." paliwanag ni kuya.

Na agad ko namang pinaniwalaan, dahil nakita kong basang basa si zhin.

"Ayos lang ba?" Tanong ni zhin.

"Ah eh--"
Bago pako makasagot eh sumang ayon na si mama

Pa'no bayan si mama na 'yon, kokontra paba ako?

Syempre kahit ayaw ko eh tumango nalang ako.

Konsensiya:sus ayaw daw eh, kinikilig lang din naman.

Ano ba?!! Syempre ano.hindi noh!

Kosensiya:deny pa!

"Dun kana matulog sa kwarto ko ako nalang dito sa sofa" sabe ni kuya.

Seryoso?! First time to ah.

"San ba?" Tanong ni zhin.

Napaka walang manners talaga hayss.

"Dun sa kaliwa, sa may tabi ng kwarto ni jee, binabalaan kita nasa teritoryo ka namin kahit ikaw pa pinaka mayaman sa mundo hindi kita sasantuhin wala kaming cctv pero ang mata ko naka night vision kaya wag kang magkakamali!" banta ni kuya.

"Wala naman akong masamang intensiyon." Ani zhin at napakamot ng batok.

"Mabuti naman kung ganon naninigurado lang." Saad ni kuya.

The Kiss MasterWhere stories live. Discover now