Chapter 36

258 16 9
                                    

Naiwan ako sa kwarto ni zhin, si ate lish kase ay may trabaho pa sa kompanya nila, si kans naman may pupuntahan pa daw. samantalang sina tristan at cleofe may pag uusapan daw.
Hay nako ang dami nilang ganap sa buhay.

Kaya eto ako ngayon naka upo sa may tabi ng kwarto ni zhin habang Nagbabalat ako ng apple.

Nararamdaman ko ang matitinik na tingin saken ni zhin kaya nag angat ako ng mukha at bumaling naman siya sa bintana.
huli ka kupal!

"Pasensiya kana, dahil sa akin nangyare ito sa'yo." Saad ko habang nakatingin sa kaniya ng diretso kaya lumingon naman siya.

"Ano kaba, ayos lang yun it's not your fault  sa totoo nga lang ako ang dapat ang mag sorry sayo dahil nadamay kap a sa kagagawan ng mama ko Pasensiya kana jee." Aniya ramdam ko ang sensiridad sa kanyang tono.

Tumango nalang ako bilang sagot.
Ilang oras narin kaming tahimik dahil ni isa sa amin ay walang nagsasalita kaya sinira ko ang katahimikan.

Gusto kong itanong kung baket labis siyang nag aalala saken, kung baket siya pumunta kanina at mag isa pa talaga hindi man lang siya nagdalawang isip.

"Ahmm--" tumikhim ako saglit
"Siya nga pala baket ka pumunta kanina?" Nahihiya akong tumingin sakanya.

Ilang segundo bago siya sumagot.

"This past few days iniisip ko kung dapat ba akong magpakasal kay cleofe na dapat ko bang sundin ang mama ko kasi malaki na ako at kaya ko ng magdesisyon sa sarili ko Na kaya kong magdesisyon mag isa kahit wala si mama at ate i really want to be independent."

Saglit siyang huminto

Yun lang pala ang dahilan kung bat siya pumunta akala ko-

Konsensiya:akala mo dahil sayo?

Hindi noh! Pero parang ganun na nga.

"Kaya magpapakasal nako..."

"Sayo... " pagpapatuloy niya.

Dahil sa gulat ay nahulog ko sa sahig ang mansanas na binabalatan ko.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya.

"Ahm- o-okay lang ako." gulat parin ako sa sinabi niya.

Pero totoo ba yung narinig ko?

"Papayag ka ba?" Tanong nito ulit This time lumingon ako sakanya na ganun parin yung reaksiyon.

Gulat padin.

"Pero hindi ba ikaw ang tagapagmana ng pamilya mo? Ikaw ang kaisa isang lalake sa angkan nyo? Ikaw ang susunod na mamamahala sa kompanya nyo at ikaw ang pinakasikat sa school natin. Pero ba't sa dinami dami ng babaeng nandiyan ay ako ang gusto mong pakasalan? alam mo namang Magkaiba ang mundo naten Nasa mataas kang rangko samantalang ako? Eto naghihirap pero ba't ako?" Tanong ko sakanya.

Syempre tama naman diba? Sino nga bang magkakagusto sa katulad ko? Eh wala akong ka alam alam sa takbo ng mundo, ni quiz nga diko maperfect eh.

"Kase gusto kita..."
"Jee alam kong ayaw mong maniwala pero sa araw araw na kasama kita naging makulay ang mundo ko. Natutunan kong matuwa sa simpleng bagay lang. Nagpapasalamat nga ako eh dahil nakilala kita, kahit ang sama sama kong tao anjan kapa din sa tabi ko Kahit ang dami kong ginawa sayo ngayon andito kapa din.. kasama ko."

"Dati, akala ko pera lang ang sagot sa lahat na pera lang ang tumatakbo sa mundo  Pero ngayon pati puso ko tumatakbo papunta sayo." pagkasabi niya nun ay namula ang pisngi ko.
tsk ang cheezy ng banat

"Pshh... Kaya sa ayaw at sa gusto mo sa akin kalang" sabi niya.

"Anong saakin? fyi dika naman nanligaw at--" diko naituloy ang sasabihin ng bigla niya akong halikan.

Halik na hindi pilit katulad nung nasa library pa kami.

Kaya kahit hindi ako marunong eh tinugon ko naman.

Bigla siyang humiwalay at tumawa.

"Anong nakakatawa?" Inis kong tanong.

Malay koba baka pinagtitripan na naman ako neto ihh.

"You look cute when you kissed me back.. hindi ka talaga marunong makipaghalikan?" Natatawa niyang tanong.

Kaya nahiya ako

"I was just trying my best para sabayan ka kaso, ayaw talaga and-- teka iniinsulto mo ba ako?" Pagtataray kong tanong.

"What? Wala naman akong sinabi" natatawa padin siya.

"Nakakainis ka, dun kana nga kay steff tutal maruning naman 'yon." Pagmamaktol ko, tatayo na sana ako ng bigla niya akong hilahin dahilan ng mapaupo ako sa kama patalikod sakanya.

Then he huged me
Ramdam ko ang init ng katawan niya parang ako kinikiliti sa posisyon namin ngayon.

My gashhhh

Konsensiya:susss kinikilig?

Hmm! Oo pero medyo lang

Konsensiya: weh medyo daw? Pero mapupunit na labi kakangiti.

Che!!

"Eto naman, nagbibiro lang ako pero seriously you look cute But  dont worry dahil kahit araw araw pa yan i'll teach you how to kiss." sabi ni zhin habang yakap padin ako.

Kinikilig ako pero diko alam kung ano ba talaga kami? Kaya dahil sa kuryusidad eh napatanong ako.

"Zhin... Ahmm- tayo naba?" Tanong ko then he chukled.

"Ayaw mo bang magpaligaw?"tanong niya.

"Syempre gusto, pero 'diba matagal na tayong magkakilala parang ligawan narin yun " sabi ko.

Tama naman ako diba? Matagal na kaya kaming magkakilala at saka gusto ko kami na mahirap na baka makawala pa.

"Matagal namang tayo, kaso ngayon lang naging official. Ikaw kase eh napaka indenial mo" sabi niya.

"Wow! At ako pa talaga?? duhhh! someone told me na simula nung nakita mong magkasama kami ni rem eh nagseselos kana." pag amin ko.

Hehe may nagsabi saken ih.

"W-who told you?" Tanong niya.

"Ohh? Nauutal ka kase totoo? psh ikaw pala 'tong indenial eh" natatawa kong tanong.

"Dali na nga, sino nagsabi sa'yo nun? babalatan ko" sabi niya.

Actually after nung camping namin na 2days lang tinawagan ako ni steff pag ka alis niya

Unknown calling....

Agad kong sinagot ang tawag.

"Hello?"

(Buti naman at sinagot mo akala ko ay iisnobin mona naman ako)

"Sino kaba?"

(Si steff to duhhh)pagkasabi niya nun ay tumaas ang kilay ko.

"At anong kailangan mo saken ha?" Pagtataray ko.

(Gusto kolang naman sabihin na ang swerte mo dahil may nagkagusto sayong gago. Anyways im talking about zhin so please take care of him. Atska kahit na, alam kong hindi niya talaga ako minahal tanggap ko yun. So ayun gusto kolang sabihin sayo na matagal kanang gusto ni zhin  'di lang niya sinasabi yun lang well, bye. Have a good holiday)

Agad akong natawa ng maalala ko ang sinabi ni steff saken.

"Sabihin mona. Sino ba nagsabi sayo ha?" Tanong ulit ni zhin na halatang napipikon na.

He's so cute wahhh.

"Si steff."
"Sabi niya matagal mona daw akong gusto, pero baket hindi mo sinabi?" Tanong ko at agad akong humarap sakanya.

Kumamot siya ng batok nakooo
Ayaw pa kase umamin eh-,-

"That time, i was scared. I'm afraid that if mom finds out that I have a crush on someone who is not the same as me in terms of status, what happened to Ney might happen again. At ayokong mangyari ulit yun sayo i love you jee more than anyone." nakatingin parin siya habang sinasabi niya yun ng may biglang pumasok sa kwarto ni zhin.

Omo!!! Ang mama ni zhinnn

The Kiss MasterWhere stories live. Discover now