1-4 Ang Tahimik na Mag-aaral at ang Insidente sa Silid-Aklatan

2.1K 84 2
                                    

Natapos nang  2:30 pm ang ikalawang klase ni Elise. Nagtungo siya sa library para maghanda sa 4pm class niya.

Mas gusto niya sa liblib na sulok  ng silid aklatan upang hindi masyadong maistorbo. Nakita niyang muli ang masipag na babaeng mag-isa sa pinakasulok na lamesa, nakalugmok sa libro at di mawari kung tulog o nagbabasa. Halos isang semestre na niyang nakikita ang  naturang babae sa parehas na sulok na nasa ganoong posisyon palagi. Noong nakaraang buwan, naglakas loob siyang makisama sa lamesa at kausapin ito ngunit parang walang interes ang misteryosang babae. Tinignan lamang siya niyon at bumalik sa pagtulog. Madalas na higit sa dalawa ang librong binabasa nito, iba't ibang klase na madalas ay tungkol sa kasaysayan, sikolohiya, siyensiya,  at banyagang wika.


Naupo siya sa kabilang lamesa, naglagay ng headset, at nakinig ng musika habang nagbubuklat ng mga libro at notebook. Noong panahong iyon ay wala pa ring klase sina Jerms at Cielo na magkakapareho lang ang mga asignatura nung semester na iyon. Kapwa din sila nasa library.


Halos bumagal muli ang mundo ni Jerms nang matanaw niya si Elise sa kalayuan. Iniwan niyang nagbabasa ang kaibigan at nagtungo siya sa sulok kung saan nagbabasa ang dalaga. Kinikilig si Jerms. Kumuha muna siya ng libro. Lima ang malalaking lamesa doon.  Kahit bakante pa ang tatlong lamesa, pinili niyang maglakas loob at pumunta sa lamesa kung saan nag-aaral ang inspirasyon.


"Ahm! Ehem! Pwede makiupo?" papoging tanong ni Jerms. Ngunit hindi siya napansin ni Elise. Hindi rin siya narinig dahil na rin sa headset sa tainga. Nakita ni Jerms ang headset at naupo na lang sa kabilang kanto ng lamesa. Napansin siya ni Elise at kapwa sila ngumiti at yumuko nang bahagya tanda ng pagbati. Nagpatuloy sa pagsusulat ang dalaga habang nag-iisip ng hakbang ang binata upang magpapansin.


Naisip ni Jerms na ipagyabang ang mga sandaling iyon sa kaibigang si Cielo kaya nilabas niya ang kanyang cellphone at nagbalak na mag selfie kasama si Elise na abalang abala sa pagsusulat. Para hindi mahalata, dumistansiya siya patungo sa mga libro, nagsilent mode at palihim na naghahanap ng magandang anggulo. Pinindot na niya ang kanyang cellphone at tinignan ngunit laking gulat niya nang sumama si Nico sa selfie at nakatingin sa kanya. .


Tinitigan siya nang matagal ni Nico at sa kabilang lamesa dumating din ang dalawa pa nitong kabarkada na nagtatakang nakatingin din sa kanya. Bigla niyang binaligtad ang camera at nagkunwaring pinipicturan ang mga libro habang naglalakad papalayo. Muli siyang sumulyap sa dako kung nasaan si Nico ngunit halos tumindig ang kanyang mga balahibo nang  makitang nakadungaw pa rin ang siga sa kanya.


"Oy kanina pa kita hinahanap! Tara na may klase pa tayo!" panggugulat ni Cielo kay Jerms. Tumango si Jerms binalik ang librong hawak at nagmamadaling umalis. Nagulat si Cielo sa reaksyon ng kaibigan ngunit nang makita si Nico, bigla na rin siyang naglakad palayo sa takot Bumaling ng tingin si Nico sa abalang si Elise. Umupo sa kabilang lamesa ang dalawang kabarkada niya na pawang nakangiti.


"Hi Elise!" malakas na bati ni Nico  sa dalaga sabay upo sa tabi nito.


 "Oh nandito ka rin po pala? Hi kuya Nico"


"Akalain mo ba naman dito pa tayo magkikita hehehe Elise, diba marunong ka mag Korean? Pwede ba pakitranslate naman tong text na to kasi di ko magets please" pagmamakaawa ni Nico sabay labas ng cell phone.


"Kuya Nico busy pa'ko ngayon malapit na yung susunod kong klase"


LAHI 101: Ang Baliw na Aswang sa KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon