4-1 Sa Bahay ni Mang Beroy

1.3K 51 1
                                    


Alas nuwebe ng gabi. Pinapakain ni Charice ang alagang aso. Kinukuhanan niya ito ng picture gamit ang cell phone. Pagkatapos nun ay kinuhanan niya ang sarili mula sa taas. Medyo mataba si Charice kaya ang makinis at magandang mukha lamang niya  ang kanyang kinukuhanan.  Mula sa labas ng kanilang rehas na gate, naaninag niya si Mang Beroy habang naglalakad pauwi. Babatiin sana niya ito tulad nang madalas niyang ginagawa ngunit nang mapansin ang limang matatandang kabarkada nito, nagdalawang isip siya. Batid niya na madalas uminom ang matanda kasama ang kanyang mga kabarkada. Minabuti na lamang niya na pumasok nang muli sa bahay. 

 Malakas ang tawanan sa loob ng bahay ni Mang Beroy. Medyo lasing na sila. Naroon ang guwardiyang si Peter. Naroon din sa loob ng kuwarto niya si Harris na naglalaptop noong mga oras na iyon. Nakakandado ang pintuan niya mula sa labas upang akalaing wala siya sa loob.

Alam ni Harris na naroon ang guwardiya na noo'y muntik na siyang makitang walang wig. Mabuti na lamang at bigla niyang nadampot mula sa ilalim ng kama ang kanyang wig at nagpanggap na nagpupush-up. Bigla siya noong tumayo, tinakpan ang mukha at sinara ang pinto kahit nakatulala pa si Peter, dahilan upang dumugo ang ilong ng guwardiya dahil sa pagkabangga. Babae ang pagkakakilala ni Mang Beroy kay Mheann (Harris) kaya hindi maaring makakita ng lalaki sa kuwartong iyon. Hindi rin batid ni Mang Beroy ang kakaibang abilidad ng kabahay ngunit madalas din siyang naghihinala dahil laging nakakandado ang pintuan nito na hindi niya maatim buksan dahil na rin sa dalaga ang pagkakaalam niyang nakatira doon. Ang pagkakaalam ni Mang Beroy ay hanga siya dahil nais lamang mag-aral ng bata kaya tinulungan nya itong makapasok sa unibersidad.

Napansing muli ni Peter ang nakakandadong pintuan kung saan nakita niya ang babaeng nagpupush-up.  Halos tatlong metro lamang ang layo nito sa kanila at naririnig ni Harris ang kanilang pinag-uusapan.

"Hahaha! Nandiyan pa ba Beroy yung boarder mong babae na macho?" tanong ni Peter

"Oo kaso di pa siguro umuuwi. Buti nalang hindi ka nun sinipa dati" sagot ni Mang Beroy.

"Matagal na ba siya dito? Patingin naman ng itsura baka may picture ka diyan?" muling tanong ng guwardiya. Nakunan dati ng larawan ni Mang Beroy ang kabahay noong pinagpapraktisan niya ang camera ng kanyang bagong cellphone.

"Mga isang taon na siya dito. Saglit may picture yata ako dito" sagot ng matanda habang kinukuha sa bulsa ang cellphone. Narinig iyon ni Harris at bigla siyang kinabahan. Kinuha niya ang kanyang cellphone.

Ipapakita na sana ni Mang Beroy ang larawan ngunit biglang may tumawag sa kanyang cell phone. Agad naman niya itong sinagot.

"Oh eto na pala siya oh! Saglit lang ha" sambit ng lasing na matanda sabay sagot sa tawag

 "Oh! Mheann! Saan ka na?"

Napatingin lahat sa matanda na parang nakikiusyoso.

"Mang Beroy! Huwag mo papakita picture ko please!" sagot ng kausap na nakatingin sa natutulog na si Stacy.

"Ha bakit naman?"

Matapos ang tatlong segundong pagkakangiti biglang nanlaki ang mga mata ng matanda na parang natauhan.

"Ahh... Ok ...ok gets ko na! Sige sige. Pauwi ka na?"

Tinitignan siya ng mga kasama. Wala na siyang kausap sa cellphone ngunit nagpapanggap pa rin siyang may kausap. Nang makaisip ng paraan binaba na niya ang tawag at waring nagpaalam sa kausap.

Pagkababa ng tawag, bigla niyang natanong ang sarili kung paanong nalaman ni Mheann ang nangyayari ngunit bigla siyang tinapik ni Peter.

"Mheann ba pangalan nung kasama mo?" tanong ni Peter.

"Mheann? Hindi ah! Malan...ie ... Melanie... graduating na siya dun sa isang university" palusot ni Mang Beroy.

Hinanap niya ang picture ng isa sa mga pamangkin niyang babae at pinakita kay Peter bilang palusot. Naniwala naman ang guwardiya. Iniba ni Mang Beroy ang usapan.

Mula sa kanyang kuwarto, nakahingang muli nang malalim si Harris. Binuksan niya ang kanyang cabinet at nagsuot ng puting duster, inayos ang wig at pinikit ang mata. Pagkamulat ng mata ay naroon na siya sa loob ng cabinet sa kuwarto ni Mang Beroy na nasa ikalawang palapag ng bahay. Sumilip siya kung may tao sa kuwarto. Nang makumpirmang wala, Dahan dahan niyang isinara ang pinto. Matapos noon ay dumungaw siya sa bintana. Iyon lamang ang bintana sa bahay kung saan maari niyang matanaw ang bahay nina Elise. Nakasara ang mga ilaw  sa bahay na iyon, indikasyon na tulog na ang mga estudyante roon. Bahagya siyang ngumiti at napanatag ang loob.

Ganoon ang ginagawa ni Harris araw-araw upang masigurong ligtas si Elise na minsan ay sinundan ng isang lalaki na nagbalak pasukin ang kanilang bahay. Naprotektahan naman niya ang dalaga sa pamamagitan ng pagpapakita bilang multo na ikinatakot ng kawatan pati na rin ng isa pang ale. Minsan na rin siyang nakakita ng isang malaking paniki na dumapo sa bubungan. Sinabuyan niya iyon ng asin. Lumiit ang paniki at lumipad palayo. Batid ni Harris na si Elise ang pakay ng aswang na iyon.

Kailangang bantayan ni Harris si Elise hanggang sa taong 2020 dahil ayon sa isang propesiya, doon lamang matatapos ang sumpa sa kanya at sa mga aswang sa buong mundo. Si Elise ay espesyal na babae sa kasaysayan ng mga aswang. Sinagip siya noon ni Harris mula kay Stacy na noon ay isang madreng aswang sa malayong probinsiya. Nagbunga iyon ng pagkakaroon ni Harris ng abilidad na maglaho at sa pagiging tao naman ni Stacy. May mga aswang na nagnanais asawahin si Elise dahil kaya niyang magluwal ng isang malusog na aswang na maaring magpatuloy ng lahi. Malakas ang pang-amoy ng mga aswang sa kanya at napakabihirang lumabas sa isang milenyo ang katulad niya.

Walang kamuwang muwang si Elise sa mga nangyayari at iyon ang pangako ni Harris sa sarili, ang panatilihing ligtas, mabuti, inosente, at normal ang dating matalik na kaibigan.

Habang nakamasid sa bahay, natanaw ni Harris ang mga kabarkada ni Mang Beroy na nag-aalisan na. Napansin din niya ang guwardiyang si Peter na nakatingin sa kanya. Wala siyang nagawa kundi maglahong muli.

"Mga pre may nakikita ba kayo dun?" tanong ni Peter.

"Wala pre sobrang lasing ka lang" sagot ng isa.

Hindi naman natakot ang nakakita at naniwala nalang na namamalikmata lamang siya bunga ng antok at kalasingan.

Nang makaalis na ang lahat,  at makatulog na si Mang Beroy, tinanggal na ni Harris ang kandado sa labas ng kanyang kuwarto at kinandado iyon mula sa loob. Alas dose na siya nakatulog at kailangan pa nyang gumising maaga kinabukasan.

LAHI 101: Ang Baliw na Aswang sa KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon