"Hayop ka! Umalis ka dito!" sigaw ni Darwin habang namimilipit sa sakit ng sugat. Tawa naman nang tawa si Harris.
"Kaibigan ano ka ba? di mo ba alam na laughter is the best medicine? Hahahaha!" pang-aasar pa ni Harris.
"Pre meron pa akong knock knock sa'yo" muli niyang hirit ngunit hinablot ng isang nurse ang kanyang braso.
"Sir excuse me, hindi tama ginagawa mo. Kung ikaw kaya nasa kalagayan ng pasiyente? Konting pag-unawa po please!"
"Pasensiya na po. Napansin ko kasing parang malungkot siya kaya pinapasaya ko lang" nakayuko at nakangiting sagot ng binata. Makalipas ang ilang sandal nilingon niya ang nars at para siyang natulala. Napakaganda ng nurse makinis, maputi, balingkinitan, at kasing tangkad niya. Mapupula ang mga labi at makinang ang mga malalaking mata. Tinaas ng nars ang kanyang kilay at inasikaso ang namimilipit na pasyente. Lalo pang hinangaan ng binata ang pagiging maalalahanin ng nito.
"Nurse Trish paalisin nyo nga po yung baliw na lalaking yun please" pakiusap ni Darwin habang inihihiga ng nars.
"Sir narinig niyo po ang pasiyente? Please lang umalis na po muna kayo kung hindi tatawag ako ng security" banta ng nars.
"Okay nurse Trish. By the way ang ganda ng pangalan mo at ang ganda mo din. Bye" nakangiting pambobola ni Harris sabay talikod at lakad palayo. Bahagyang napangiti ang nars at muling inasikaso ang mga pasyente.
Biglang naisip ni Harris na sana ay nakipagkilala pa siya ng lubos sa nars na iyon. Lubha siyang nabighani ngunit wala siyang panahon para doon. Kinailangan lamang niyang maghanap ng kaibigan sa ospital upang masabing hindi siya nagsinungaling kay Elise. Pumasok siya sa isang palikuran.
Kinabukasan habang papunta ng paaralan, isang matipuno, maputi, at gwapong binatang nakaupo sa motor ang umagaw ng atensyon ni Elise. Nakasuot ito ng checkered na polo at kulay puting jeans. Kinawayan siya ng binata at kumaway din siya dito. Kapwa silang ngumiti sa isa't isa at parang nakaramdam ng paghanga si Elise sa kakisigan ng binata ngunit minabuti niyang magpatuloy na sa paglalakad. Muli siyang lumingon sa likod at napansing nakatingin pa rin iyon sa kanya. Nakaramdam siya ng konting kilig at pakiramdam niya ay nais makipagkilala ng binata.
Habang naglalakad bigla niyang napansin na may humabol sa kanya. Kinutuban siya na iyon ang gwapong binata. Inayos niya ang kanyang buhok at lumingon sa likuran.
"Hi Elise! Nakita ko yon!" nakangiting bati ni Charice. Patungo din siya sa bayan at naisipang sumabay sa paglalakad.
"Nakita? Ang alin?" nagtatakang tanong ni Elise.
"Kinawayan ka niya diba? Ang gwapo no?"
"Hmmm... alin? Yung binata sa motor? Di ko naman kilala yun" .
"Binata sa motor? Bago nating kapitbahay iyon. Yoshin ang pangalan, estudyante sa SLU. Mukha siyang palakaibigan nakausap ko nga siya kahapon . Feeling ko nag-interview ako ng isang artista"
BINABASA MO ANG
LAHI 101: Ang Baliw na Aswang sa Kapitbahay
VampireMerong mga Aswang They exist but they don't live May mga masasama, mayroon ding mga mabubuti, may mga maaksyon, may mga madrama, may mga nakakatakot, may mga nalilito, may mga baliw, may mga nakakatawa, at may mga umiibig.