3-2 Ang Matapang na si Elise

1.4K 54 0
                                    


Habang nakatuwad at namimilipit pa sa sakit si Mikael, napaliligiran naman si Mheann ng anim na kalalakihan na animo'y handa siyang sunggaban anumang sandali. May mga mag-aaral na ding nakikiusyoso.


Bumuwelo si Mheann iniisip nya na sa oras na makaalis na si Jester, buong lakas niyang hahawiin ang dalawang binata sa likuran at tatakbo nang mabilis patungo sa liblib na bahagi ng unibersidad. Hindi siya maaring mahuli ng mga guwardiya. Hindi pa man nakakaalis si Jester biglang may dalagang pumasok sa bilog at animo'y poprotekta kay Mheann. Nagulat ang lahat hindi nila akalain na may maglalakas loob na manghimasok sa ginagawa ng taekwondo club. Nagkaroon ng limang segundong katahimikan.


"Mga duwag ba kayo? Pati babae pinapatulan niyo? Ha! kuya Nico?" malakas na sambit ni Elise.

"Elise di mo naiintindihan, hindi ito personal para ito sa proteksyon ng mga mag-aaral dito" sagot ni Nico.

"Anong hindi personal? Kala mo di ko narinig yung sinabi ni Mikael kanina? at may ebidensiya ba kayo na masama siyang tao? Gusto lang naman niya mag-aral!"

"Elise please lang huwag ka na makialam baka madamay ka lang. We won't harm her, we'll just let the security ask her few questions.  You don't know her well Elise"

"You know what? Kaya ko sabihin sa mga guard na naghihiganti lang kayo dahil sa nangyari sa'tin,  sana naiintindihan mo din kuya Nico na nasa panganib ka din ngayon. Alam mong may warning ka na" pagbabanta ni Elise

"Elise please lang!" tanging nasambit ni Nico.

 "Alam niyo ba? Ganito din yung nangyari samin. Hindi kami pinaalis ng isang kriminal, kaya hindi nyo ko masisisi kung ganito ako ngayon...  dahil naalala ko ang kriminal sainyo!" naiinis na sigaw ni Elise.

Natahimik si Nico. Alam niyang dehado siya sa sitwasyon dahil kay Elise. Sinenyasan niya ang mga kabarkada at naglakad paalis. Namangha ang mga mag-aaral na nakasaksi. May mga nagpalakpakang usisero, ang iba naman ay kumuha ng litrato gamit ang mga cellphone.

"Pagbabayaran mo to!" pagbabanta ni Mikael kay Mheann habang akay-akay ng dalawa pang kabarkada.

Nang tuluyang makaalis ang grupo, nilingon ni Elise si Mheann at hinawakan ang dalawang kamay.

"Ayos ka lang?" tanong ni Elise na animo'y isang bayaning nag-aalala sa kanyang iniligtas.

Halos sampung segundong hindi nakasagot si Mheann dahil na rin sa pagkamangha. Tinititigan siya ni Elise. Ngumiti si Elise at parang naluluha.

 "Alam ko gusto mo lang makapag-aral at hanga ako sa sipag at tapang mo. Siguro maraming nabigla sa'kin ngayon kasi hindi ko rin akalain na magagawa ko to. Pero kelangan din daw natin maging matapang para hindi tayo abusuhin ng ibang tao sabi sakin ng pulis "

Tumulo ang luha ni Elise ngunit nakaramdam siya ng kasiyahan dahil alam niya na may natulungan siya.

"Sigurado kang sa pulis mo unang narinig yan?" tanong ni Mheann.

 Bumitiw siya sa pagkakahawak ni Elise at kumuha ng dilaw na panyo mula sa kanyang bulsa. Hinawakan niya ang kanang braso ng lumuluhang dalaga at pinunasan ang luha nito. Natulala si Elise na parang may naalala.

"Tama yan. Dapat maging matapang ka at matalino" nakangiting sabi ni Mheann habang pinupunasan ang luha sa pisngi ni Elise. Pagkatapos ay siya naman ang humawak sa mga kamay ng dalaga at binigay ang panyo. Tulala pa rin si Elise. Naalala niyang ganoon din ang sinabi sa kanya ng isang espesyal na kaibigan bago sila magkahiwalay. May mga mag-aaral na muling pumalakpak sa nasaksihan.

"Elise!" sigaw ni Claire sabay lapit sa kaibigan. Bumitiw sa pagkakahawak si Mheann at naaninag niya mula sa malayo si Jester na kasama ang guwardiyang si Peter.

"Maraming salamat. Paalam" nakangiting sinambit ni Mheann sabay takbong palayo. Tulala pa rin si Elise. Nabagabag si Claire sa pagkatulala ng kaibigan sa tumatakbong dalaga. Hinabol ni Jester at ng guwardiya ang misteryosang babae na animo'y lalaking mandurukot kung tumakbo patungo sa liblib at mapunong bahagi ng unibersidad.

Hinawakan ni Claire ang mga braso ni Elise at muli siyang tinawag. Tinignan siya ni Elise at parang natauhan. Paalis na sana sila nang dumating ang isa pang guwardiya at inanyayahan silang dalawa sa opisina. Kahit na naiinis, sumama na lang si Elise, napilitan ding sumama si Claire para sa kaibigan.

Sa opisina, tinanong ng guwardiyang si Joel kung kilala nila ang dalaga sa larawan na nasa dingding. Larawan ito ni Mheann. Tumanggi sina Claire na kilala nilang talaga si Mheann ngunit sinabi nilang madalas nila itong nakikita at nakakasama. Pinaliwanag ni Joel na hindi naman talaga mag-aaral ng unibersidad ang babae at maaring may kinalaman  sa mga pambibiktima ng mga masasamang loob sa mga mag-aaral. Ginawang halimbawa ni Joel ang mga nangyari kay Haiyan, kina Elise, at sa iba pang nawalan ng gamit at nadukutan sa labas ng unibersidad. Pinag-ingat din ang dalawang dalaga mula kay Mheann at pinagsabihang magsumbong sa kanila kung may impormasyong makukuha tungkol dito.

Dumating ang guwardiyang humabol kay Mheann. Bigo silang mahuli ang dalaga dahil sa bilis niyang tumakbo at magtago. Habang nakararamdam ng pagkatakot si Claire, tango lamang nang tango si Elise sa mga sinabi ng guwardiya ngunit hindi niya talaga pinaniniwalaan ng lubos ang mga iyon. Mas lalong nahiwagaan si Elise sa pagkatao ni Mheann at imbis na matakot mas ninais niyang makausap pa ang mahiwagang babae.

Alas singko, habang nageensayo ng Taekwondo ang grupo ni Nico sa gym, masama ang tingin at naiinis si Jester dahil hinayaan ng mga kasama niyang makatakas ang misteryosang dalaga. Napagod din siya sa paghabol at paghahanap. Wala si Nico sa gym dahil sa kahihiyang inabot kaya malakas ang loob ni Jester na mag siga-sigaan. Nakaupo lamang siya sa isang tabi at hindi nag-eensayo. Tinabihan siya ni Mikael na medyo maayos na ang pakiramdam mula sa tinamong disgrasya.

"Pre babawian ko yong babaeng yon! Kahit babae siya humanda siya sa'kin pagnakita ko siya" bulong ni Mikael kay Jester.


 "Oo babawian natin yun, kung di lang kasi naging duwag yung mga tao dito kanina eh!" Malakas na sabi ni Jester. Narinig iyon ng lahat ng grupo ngunit wla silang nagawa. May takot din sila kay Jester dahil bukod sa laki, ay 3rd year na din ito at magaling pa sa Taekwondo. Si Jester ang pinakamalaki sa buong club.

Tumayo si Jester at sumigaw


"Sa susunod iwasan na nating maging duwag ha!"


 Hinawi niya ang mga mga sumisipa sa kicking pad at buong lakas niya itong sinipa. Dahil sa lakas ng sipa, nabitiwan ng humahawak ang kicking pad at tumalsik iyon mula sa kanyang kamay. Lalong natakot ang mga miyembro ng taekwondo club kay Jester. 

LAHI 101: Ang Baliw na Aswang sa KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon