9-2 Ang Pulisya sa Piling ng mga Rebeldeng Aswang

783 37 1
                                    

11:15 ng gabi, sakay ng limang van ang 38 na pulis na naka duty sa pulisya noong gabing iyon. May sakay ding mga prostitute ang van. Sa loob ng bawat van ay nakukulob ang isang uri ng usok na nagdudulot ng hallucination sa mga nakasakay. Nagtatawanan ang lahat ng sakay ng van. Isa sa mga sakay ay ang babaeng lider na si Karish siya ang kasabwat ni Arbin sa isinagawang plano sa pagtakas sa mga bilanggo sa pulisya. Maganda at kaakit-akit si Karish. Siya ay biktima rin ng aswang na dating umakit kay Arbin dahilan upang maging hybrid ang lalaki.

Si Karish lamang ang tunay na maganda sa 21 na aswang na kasama ng mga pulis. Ang iba ay may depekto o di kaya naman ay mga hindi tunay na babae ngunit tinakpan nila ang mga mukha ng mga maskara upang hindi mahalata sa una ang kanilang mga itsura.

Sinundo nina Karish ang mga biktima sa pulisya ganap 8pm upang yayain sa isang party na alay sa mga pulis. Napapayag ang hepe gawa na rin sa pagka-akit kay Karish. Pinakiusapan ng aswang na tipunin ng hepe ang mga miyembro ng pulisya upang mag-aliw sa loob ng isang gabi. Napapayag ang hepe at ginawa nga iyon. 30 minutos na byahe lamang papunta sa destinasyon ang pagkakaalam ng mga pulis ngunit, gawa ng kakaibang usok, higit 3 oras na silang bumabyahe.

Animo'y nawala na sa sarili ang mga pulis, nagsasayawan na ang iba sa loob ng yumuyugyog na van. Makalipas ang apat na oras, narating na nila ang bundok at doon ay ibinaba ang mga nagpapantasyang mga pulis. Ang liblib na gubat ay nagmistulang resort sa kanilang paningin. Ang ilog ay animo'y swimming pool at ang mga puno ay mga rest house. Ang mga insekto at mga bulate ang nagsilbi nilang pagkain na nagmukhang iba't ibang putahe. Ang kanilang lechon ay ang inuuuod na bangkay ng mga baboy.

Naroon din ang ibang mga aswang na sa tingin ng mga pulis ay nakasuot ng mga magagarang damit. Sa katunayan ay mga rebelde ang mga aswang na iyon. Sila ang naghahasik ng kaguluhan at takot sa bansa. Lumalakas at nagagalak sila tuwing namamayani ang mga negatibong emosyon tulad ng galit, takot, kalungkutan, at pagkasawi. Marami silang mga naitagong armas mula sa mga napatay na sundalo at iba pang mga rebelde. Balak nilang dukutin at pahirapan ang mga pulis upang muling maghasik ng takot sa siyudad. Kalaunan ay pagpiiyestahan nila ang mga lamang loob ng ilan sa mga ito.

Pinagpatuloy ni Karish ang pagpapausok sa buong kagubatan. Maya-maya ay tinawagan niya si Arbin upang kumustahin ang plano sa mga bilanggo. Hindi sinasagot ni Arbin ang kanyang tawag. Tinawagan niya ang aswang si Oben na noong oras na iyon ay inihahanda ang isang truck upang paglagyan ng ibang mga bilanggo. Pipiliin lamang nila ang mga bata at malalakas.

Sa kabilang dako, kumakalat na sa opisina ng pulisya ang pampatulog na usok na ginawa ni Harris. Karamihan sa mga bilanggo ay nakatulog na. Iba ang lakas at resistensya ni Arbin, higit tatlong beses siyang mas malakas at mas matibay sa isang normal na tao. Kaya rin niyang pagalingin ang sarili. Gayunpaman batid niya na maapektuhan siya ng usok na iyon kaya dali-dali niyang tinungo ang pinto upang lumabas. Nang mahawakan na ni  Arbin ang pinto, bigla siyang nabuwal dahil sa sipa ni Harris. Muli siyang nakatanggap ng isang side kick sa sikmura dahilan upang mapaatras siya. Hindi balak ng nakagas mask na si Harris na paalisin ang lalaki. Galit na galit si Arbin, nanlisik ang kanyang mga mata. Muli siyang tumayo, nakita niya si Harris na nakaabang sa pinto. Bagaman napaliligiran ng usok, kitang kita ni Melchor ang paghaharap ng dalawang lalaki. Napaisip at nahiwagaan  si Melchor. Nais niyang manalo si Harris sa oras na iyon. Batid niyang mabait na tao ang binata at matutulungan siya nito.

Mula sa pagkakatayo, umatras si Arbin na nanlilisik ang mga mata.

"Oh ano? Yan tama yan umatras ka nalang hehehe...edi nakahanap ka na ng katapat mo" pagyayabang ni Harris habang tumatalon talon na parang nakikipagsparring lang. Ngunit nakaramdam siya ng kakaibang aura. Napaisip siya na sa dinami rami ng tamang ibinigay niya kay Arbin ay parang walang nangyari dito at nakatayo pa rin ng tuwid.

"Ganun ba, tignan natin kung talagang magkatapat tayo, humanda ka!" nagngingitngit na sinabi ni Arbin sabay tindig at ipon ng lakas. Pumosisyon siya na parang torong handang suwagin ang kalaban. Naramdaman ni Harris ang lakas ng enerhiya ng kalaban. Nagdadalwang isip siya kung kokontrahin niya ng suntok o sipa ang gagawing atake.

Maya-maya ay sumigaw na si Arbin, napansin ni Harris na malakas ang buwelong iyon dahil nasira nang bahagya ang sahig na inaapakan ng kalaban. Sumugod si Arbin patungo kay Harris na animo'y manunuwag. Nag-alinlangan ang binata, masyadong malakas ang puwersang iyon. Umilag siya at laking gulat niya nang tumagos si Arbin sa may pintuan. Sira ang buong pinto na gawa sa isang matibay na kahoy. Nagulat siya sa lakas na iyon.

Lumabas siya upang tignan ang kalaban ngunit biglang nahablot ni Arbin ang kanyang braso. Tumakbo muli si Arbin na tangay si Harris. Pagkatapos ay inihagis niya ang binata na parang laruan. Lumagabog ang katawan ni Harris sa mga rehas ng isang piitan. Namilipit sa sakit ang binata. Muli siyang tumayo. Sinugod siya ng kalaban. Nailagan niya ang dalawang suntok at isang sipa. Gumanti siya ng suntok sa sikmura at sa mukha ngunit parang hindi tinablan ang kalaban. Bumuwelo si Arbin at tinadyakan ang binata. Nasalag ng dalawang kamay ni Harris ang atake at tumalsik siya palayo at bumagsak sa isang lamesa. Halos mapilay ang kanyang kaliwang kamay sa lakas ng sipa. Nasira nang husto ang mesa. Lumingon siya sa pinanggalingan at nakita niya ang kalaban na papalapit sa kanya at umuusok.

"Hindi tayo magkatapat, dudurugin kita ngayon. Mamimilipit ka sa sakit, magmamakaawa ngunit kakalas-kalasin kita!" kahindik hindik ang boses ni Arbin habang sinasabi iyon. Tumayo ang nasaktang binata kahit na nabubuwal pa. Alam niyang wala na siyang laban kaya tumakbo siya. Hinabol siya ni Arbin. Nang makakita ng kanto naglaho siya ngunit pinili niyang magpakita sa di kalayuan. Hindi niya pwedeng ipaalam kay Arbin ang kanyang kapangyarihan. Nakita siya ng kalaban na malapit sa hagdan. Tumakbo ito. Naghabulan silang dalawa.

"Bumalik ka dito! Patay ka sa'kin pag naabutan kita!" sigaw ng galit na lalaki.

Wala nang matakbuhan si Harris. Dead end na ang kanyang napuntahan. Nakakita siya ng bukas na opisina. Binuksan niya ang ilaw, kinandado ang pinto, at nagpahinga sa ilalim ng isang lamesa. Naririnig pa rin niya ang mga sigaw ni Arbin.  Habang humahabol ng hinga napansin niyang may  likido na tumulo sa kanyang ulo.  Napansin niya ang dugo sa kanyang paligid. Batid niya ang tindi ng pinsala sa natamong atake. Sinubukan niyang maglaho upang mapunta sa kanyang kwarto ngunit masyado pa siyang mahina dahil sa pagod at pinsala. Nagpahinga siya saglit. Maya-maya ay narinig niya ang boses ng kalaban na malapit sa pinto.

Nasundan ni Arbin ang mga dugong nanggaling sa binata.

 "Duguan ka pala at pumasok sa isang opisina na magiging iyong libingan hehehe" pananakot ni Arbin sabay sipa sa pintuan. Nagmasid siya sa paligid. Nakita niya ang mga dugo na patungo sa isang lamesa. Alam niya na naroon ang kalaban.

"Bilib din ako saiyo, ikaw lang ang nakapanakit sa akin nang ganoon katindi. Alam mo sasabihan kita ng sikreto. Hindi mo ko matatalo dahil iba ako! Hahahaha! Ngayon sa sobrang tindi ng galit na nararamdaman ko, kakainin ko ang lamang loob mo! Alam kong mahina ka na at wala ka nang tatakbuhan"  pananakot ni Arbin.

Nang makalapit, bumuwelo siya at hinataw ng palad ang lamesa. Nasira iyon nang husto. Ngunit laking gulat niya nang hindi makita ang lalaking hanap. Muli niyang hinalughog ang buong opisina habang sumisigaw sa galit.

Samantala napansin ni Melchor na tulog na ang mga tao sa kanyang paligid, nagulat din siya sa nasaksihang pangyayari. Wasak ang pintuan na dinaanan ng dalawa. Nais niyang lumabas at alamin ang mga pangyayari. Nakita niya ang tulog na pulis. Nakita niya sa belt nito ang mga susi. Nag-isip siya ng paraan upang makuha ito. Hinubaran niya ang mga kasamang preso upang   pagdugtungin ang kanilang mga damit.

LAHI 101: Ang Baliw na Aswang sa KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon