Basikong Kaalaman tungkol sa mga aswang

834 30 0
                                    

Malamang nagtataka kayo kung bakit Lahi 101 ang pamagat ng aking gawa. Ang 101 ay nangangahulugan ng basikong mg prinsipyo. Nais kong ipaliwanag ang mga prinsipyo o ideya na gawa ng aking malikot na isipan tungkol sa mga aswang.

Kapag sinabing aswang. Sila ang mga hindi normal na nilalang na namamalagi sa ating mundo. May kasaysayan akong isinulat tungkol sa kasaysayan ng mga aswang at mababasa nyo iyon ikalawang libro na pinamagatan kong "Lahi 102: Pagdadalaga ng Reyna ng mga Aswang"

Narito ang ilan sa kanilang basikong katangian ng mga aswang na nakalap ko rin mula sa pagbabasa at mga kuwentong narinig:

1. Nabubuhay sila sa pamamagitan ng pag-inom ng dugo at laman ng buhay na mga nilalang partikular na ang tao, baka, baboy, manok, kambing, aso, at kung anu-ano pa.

2. Mas matindi ang kanilang pananabik sa dugo at laman ng tao dahil sa tao ang pinakamataas na nilalang na nalikha.

3. Matindi ang kanilang pagnanasa sa mga makamundong bagay gaya na lamang ng pakikipagtalik at pakiiapid ngunit may mga ibang aswang na nalalabanan ang gayong pagnanasa.

4. Gumagaling at lumalakas sila tuwing nakakainom ng dugo ngunit pumapangit at tumatanda tuwing kumakain ng laman ng tao.

5. Takot sila sa dagat, sa asin, sa banal na tubig mula sa mga simbahan, at sa mga banal na bagay at gawain ngunit may mga aswang na nagagawang malabanan ang takot.

6. Nanghihina o nalalapnos sila sa asin, pilak, bawang, banal na tubig, o mga pangontrang gawa ng mga albularyo.

7. Namumuhay sila ng normal kasama ang mga tao. Bukod sa mga barbarong aswang, madalas isang beses sa isang taon lamang sila mambiktima ng tao.

8. Hindi nila binibiktima ang mga kapitbahay ngunit maaari nila itong gawin upang maghiganti.

9. Binibiktima nila ang mga nasa mas malayong bayan upang hindi sila mahuli o mahalata. 

10. May mga pisikal silang katangian na naiiba sa isang normal na tao tulad ng guhit sa itaas ng labi, kakaibang repleksyon sa mata, at iba pa.

Marami pang bagay tugkol sa kanila ang ibabahagi ko sa susunod pero hanggang dito muna. Ang iba ay naipaliwanag na sa mga kabanata sa libro. Ipagpapatuloy ko pa ang pangangalap ng mga istorya at siyempre iuupdate ko din kayo.

LAHI 101: Ang Baliw na Aswang sa KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon