5-3 Si Sammy at ang Association of Wandering Gold (ASWANG)

1K 50 0
                                    


Naghinala si Sammy sa katauhan ng binatang kausap. Inusisa niya ito nang maigi. Buti na lamang at nahablot agad ni Haris ang kanyang bagong ID at tinutok ito sa mukha ng nag-uusisa. Sa totoo lang ay hindi talaga mukha ni Harris ang kanyang nasa ID, inedit lamang niya iyon.

"Ah okay pero mas gwapo ka siguro sa personal kung tatanggalin mo yang face mask mo" pag-uusisa ni Sammy.

Napansin ni Harris na lumabas na ng silid-aralan si Elise, at bigla na din siyang nag-alsa balutan.

"Sige Sammy mauna na'ko, kailangan ko na umalis. Sa'yo na to lahat. Huwag ka na masyado malungkot ha"pamamaalam ni Harris habang tumatayo.

"Okay bye! Pero, paano mo nalaman name ko?"nagtatakang tanong ni Sammy. Napatigil bigla si Harris at nag-isip. Tumayo si Sammy at lumapit sa kausap na binata.

"Ha? Siyempre sa ganda mong iyan, lahat siguro ng lalaki dito sa Unibersidad ipagtatanong ka" tanging nasabi ni Harris na wari'y nambobola. Bahagyang napangiti ang maliit, payat, at singkit na dalaga.

"Bye Sammy, see you again"pamamaalam ni Harris sabay takbo upang muling sundan si Elise

Napabuntong hininga ang dalaga, nilingon, ang karton ng mister donut at muling ngumiti.

Samantala, dalawang maganda, maputi, at seksing babae na nakashades at suit ang pumasok sa opisina ng hepe ng pulisya. Tinititigan sila ng mga pulis doon. Naupo sila sa gilid habang hinihintay ang hepe. Habang nakaupo, Tinanggal ng isa ang kanyang shades at tinanggal naman ng isa ang tali ng kanyang buhok upang ilugay. Halos tumigil ang mundo ng mga pulis na nakakita.

Dumating ang matabang hepe. Nabighani rin siya sa dalawang babae. Dali-dali siyang naupo sa kanyang lamesa at tinanong ang pakay ng mga babae. Nagpakilala ang dalawang binibini na sila ay kabilang sa Association of Wandering Gold. Isang foundation na tumutulong sa mga minor de edad at mga presong nakulong dahil sa pagnanakaw at masamang bisyo. Pangangakuan nila ng edukasyon at trabaho ang mga iyon. Nakangiti ang mga tao sa loob ng opisina. Lahat sila ay nagtatawanan at waring aliw na aliw sa dalawang tila anghel na dumalaw sa kanila.

Nang palabas na ng opisina ang dalawang babae, nakasalubong nila ang puro pasang si Jester at isa pang lalaki. Nahuli sila matapos pagnakawan ng bag ang isang dalaga bilang "Riding in Tandem". Nginitian nila ang dalawang nabulilyaso. Gumanti lamang ng masamang tingin si Jester.

Sa loob naman ng silid aklatan, nagbasa ng libro si Harris sa isang bahagi kung saan tanaw pa rin niya si Elise. Kahit na may ID, hindi iyon magamit ni Harris upang makapasok sa pituan kaya sa banyo pa rin siya dumadaan. Napansin niya sa tabi niya si Nico. Masigasig ang pag-aaral ni Nico na animo'y nagbagong buhay na talaga. Seryoso na sa pag-aaral ang dating pasaway na binata. Masigasig din siya sa pageensayo para sa nalalapit na Taekwondo competition. Halos 30 minutos silang magkatabi sa lamesa nang hindi nag-uusap.

Habang nagbabasa, napansin ni Harris si Nico na nakatitig sa kanya. Halos isang minuto siyang tinititigan ni Nico. Nangamba si Harris na baka namukhaan siya ng dating kaibigan. Umalis siya sa kinauupuan at muling naghanap ng libro ngunit nasusulyapan pa rin niya si Nico na nakatingin sa kanya. Minabuti niyang hindi bumalik sa dating kinauupuan at umupo sa bahagi na mas malapit kay Elise. Noong oras na iyon ay napansin niyang mas lalong naghihinala ni Nico. Nangangamba na si Harris.

Napaisip si Harris kung bakit siya tinititigan. Doon lamang niya napagtanto na nakasuot siya ng facemask at nakaupo sa upuan kung saan lagi siyang natutulog bilang si Mheann. Alam niyang naghinala ang binata. Tumayo si Nico at akmang lalapit sa kanya. Kinabahan ng husto si Harris at tumayo. Tumungo siya sa mga aklatan at pinilit na malayo sa paningin ng humahabol sa kanya. Animo'y nagtataguan sila sa loob ng silid-aklatan.

Nakaisip ng magandang paraan si Harris. Tinakpan niya ng libro ang kanyang mukha at umupo sa lamesa katabi si Elise. Lalapitan na sana ni Nico ang misteryosong binata ngunit nakita niya si Elise sa tabi nito. Umatras ng bahagya si Nico at nag-abang sa malayong bahagi. Tinext niya si Mikael na samahan siya na kausapin ang binata na pinaghihinalaan nga niyang may kinalaman kay Mheann.

Dumating si Mikael. Tinuro ni Nico ang misteryosong binata. Binalak nilang abangan iyon. Sa kabilang dako, bahagyang binababa ni Harris ang librong binabasa at tumitingin tingin sa paligid. Batid niyang ligtas siya sa grupo ni Nico habang nasa tabi ni Elise. Si Elise naman ay bahagyang nawiwirduhan sa katabing binata na hindi nagpapakita ng mukha. Hindi alam ni Elise kung may balak ang binata sa kanya ngunit pinilit na lamang niyang tapusin ang ginagawang takdang aralin.

Lumipas ang 20 minutos malapit na ang susunod na klase ni Elise. Batid ni Harris na iiwan na siya ng dalaga at pupuntahan siya nina Nico at Mikael. Binalak niyang makipag-usap sa dalaga at sabayan ito sa paglabas ng silid aklatan ngunit kinakabahan siya na baka makilala siya. Ngunit wala na siyang magagawa kundi humingi ng tulong. Naalala niya ang isang commercial sa TV. Nilabas niya ang kanyang ID at isang tsokolate. Nagsulat siya sa isang kapirasong papel at pinakita iyon kay Elise. Inabot din niya ang tsokolate.

"Miss, sa iyo na itong chocolate. Pwede ba humingi ng pabor? Pwede bang sabay tayo lumabas ng library kasi kanina pa masama ang tingin sa'kin ng dalawang lalaking iyon sa malayo"

Binasa ni Elise ang sulat at tinitigan niya ang binata. Nakita rin niya sina Nico at Mikael.

"Eh bakit di mo nalang sabihin, and sino ka po ba?" tanong ni Elise. Muling nagsulat si Harris. Pinakita niya muli iyon kay Elise.

"May sakit kasi ako, and masakit lalamunan ko. Eto ID ko oh. Sige na please. Natatakot kasi ako sa kanila." Binasa iyon ni Elise at tinignan din ang ID. Nakita niya ang pangalan at ang year level na 4th year.

"Ayaw ko po madamay diyan, sorry po. Alis na po ako" Ang sabi ni Elise sabay tayo at akmang aalis na.

Muling nagsulat nang mabilis si Harris "Miss TULUNGAN MO NAMAN AKO pakiusap baka gulpihin nila ako wala naman akong ginagawang masama. Promise never na kita iistorbohin pagkalabas natin.PLEASE". Hinarang niya si Elise at pinabasa iyon. Naawa naman si Elise at pinagbigyan ang binata.

"Okay po sasabayan lang kita lumabas ha" naiinis na sagot ni Elise. Nagpakita ng kasiyahan ang binata.

Nagtataka sina Nico at Mikael habang papalapit si Elise at ang binata na waring magkakilala at nag-uusap. Ginagalaw galaw ni ng binata ang mga kamay na parang nagpapaliwanag at waring nakikinig naman si Elise. Lalapitan sana ni NIco ang dalawa nang batiin ni Elise ang Librarian.

"Good Afternoon Ma'am Bella!"

Hindi na naglalakas loob ang dalawang lalaki na lapitan ang dalaga. Nakahinga nang maluwang si Harris nang malampasan ang dalawa.

Nainis si Nico at binulungan si Mikael na sundan nila ang binata kaya dali-dali nilang binaba ang kanilang mga aklat at sumunod. Nang makalabas nang silid-aklatan,

"Ahm... kuya nakalabas na po tayo sige po una na ako"

Pinagdikit ng binata ang kanyang dalawang palad at yumuko kay Elise tanda ng pasasalamat ngunit nang makita na sinusundan sila ni Nico, nagmamadaling siyang naglakad palayo. Hinabol nina Nico ang binata. Pinasok ni Harris ang pinakamataas na building kung saan may banyo sa ikaapat na palapag. Sinundan siya ng dalawa. Umakyat ng hagdan si Harris. Tatlong baitang ang hinahakbang niya upang makalayo sa dalawa. Napansin iyon ni Nico. Sinabihan niya si Mikael na maiwan at abangan ang lalaki pag nakita. Matulin si Harris, hindi siya maabutan ni Nico. Nang makarating sa ikaapat na palapag ng gusali inayos niya ang pustura at pumasok sa banyo.

Nakita ni Harris na maraming tao sa loob ng maliit na banyong iyon. Pumasok ang isa sa isang toilet at ang iba naman ay nananalamin. Hindi niya magawang maglaho sa oras na iyon. Nanalamin siya kunwari. Sumilip siya ng bahagya sa labas at nakita niyang naghahanap si Nico sa labas at animo'y papunta na rin sa CR. Nakita niya ang switch ng ilaw. Pinatay niya iyon at biglang naglaho. Narinig ni Nico ang sigawan ng mga tao sa CR at pinasok iyon. Lahat ng naroon ay nagtataka kung sino ang nagpatay ng ilaw. Halos 30 minutos din naghintay sa baba sina Nico at Mikael ngunit wala silang napala. Inis na inis ang dalawa.

LAHI 101: Ang Baliw na Aswang sa KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon