Gabi sa kwarto ni Harris. Tinalian niya ng panyo ang duguang ulo. Sumandal siya saglit. Alam niyang wala siyang laban kay Arbin sa harapang labanan. Hindi rin niya pwedeng ipakita ang kanyang kapangyarihan. Maari niyang palipasin ang oras upang magpahinga ngunit naisip niya ang mga tao sa prisinto. Kailangan niyang makausap si Melchor pati na rin ang kalaban.
Naalala niya ang mukha ng kalaban. Nakita na niya iyon sa gate nina Elise. Nakita din niya ang pag-usok ng kamay nito nang hawakan ang rehas na nag-iindika na isa itong aswang. Muli siyang tumayo at kahit nasasaktan pa, kinuha niya ang isang halos apat na metrong pilak na kadena at dalawang posas. Kinabit niya ang isang posas sa dulo ng kadena. Sinubukan niyang muling maglaho ngunit hindi pa sapat ang kanyang lakas. Kumuha siya ng isang basong tubig at uminom. Muli siyang umupo at nagpahinga.
Sa kabilang dako, nahalughog na ni Arbin ang buong opisina ngunit hindi niya nakita ang kalaban. Binalikan niya ang pinanggalingang opisina. Nakita niya si Melchor na may sinusubukang sungkitin. Nilapitan niya ito. Napatayo ang lalaki. Nagtitigan sila saglit. Napansin ni Arbin ang suot na gas mask ni Melchor. Maya-maya ay pinasok niya ang kanyang kamay sa mga rehas at hinablot ang damit Melchor. Matapos niyon ay hinila niya ang gas mask sa mukha ng bilanggo.
"Sino yun? Bakit ka niya binigyan nito ha?" galit na tanong ni Arbin.
Nagpumiglas si Melchor. Sinipa niya ang rehas at tumalon palayo. Napunit ang kanyang damit. Umatras siya upang hindi muling maabot ng nakakatakot na lalaki.
"Hindi ko siya kilala boss" takot na naisagot ni Melchor. Mistula siyang manok na kakainin ng isang leon.
"Kung ganoon, bakit ka niya binigyan nito ha?" muling tanong ni Arbin.
"Hindi ko talaga alam. Hindi ko siya kilala" muling sagot ng bilanggo habang umaatras.
"Bakit ka lumalayo? Natatakot ka ba? Sa tingin mo mapoprotektahan ka nitong mga rehas?" pananakot ni Arbin sabay hawak sa mga rehas. Maya-maya ay binubuksan niya ito. Buong lakas niyang pinapalaki ang siwang. Unti unti iyong lumalaki. Isinuot niya ang kanyang ulo upang sukatin ngunit hindi pa iyon sapat. Muli pa niyang pinalaki ang siwang hanggang sa kaya na niya itong pasukin. Nakaramdam ng matinding takot si Melchor. Hindi na niya alam ang gagawin. Napasandal siya sa pader Kalahati nan g katawan ni Arbin ang nakapasok nang bigla siyang uminda ng sakit. Nakit ni Melchor ang mukha ni Arbin na parang namilipit.
"Reygun!"
Tinusok ni Harris ng kanyang dalawang hintuturo ang puwet ng masamang lalaki. Pagkatapos niyon ay pinagpapalo niya ng arnis ang mga binti at puwet.
"Hoy duwag! Hindi pa tayo tapos! Halika rito!" yaya ni Harris.
Nasaktang umatras si Arbin. Nanlaki ang kanyang mga mata at nasasabik na hinabol ang binata. Muling tumakbo si Harris. Napansin ng lalaki na pabalik ang binata sa opisina kung saan siya naglaho.
"Hoy! Magtatago ka na naman! Hindi na kita patatakasin ngayon!" banta ni Arbin. Muli niyang nakitang pumasok sa opisina ang binata. Binilisan pa niya ang pagtakbo. Diretso siyang pumasok sa bukas na pinto. Pagkapasok ay nakita niya ang kalabang binatang pagod na nakatayo sa tabi ng isang lamesa at may hawak na isang pares ng arnis.
"Sa tingin mo sapat na iyan para matalo ako! Hahaha Hindi ako ordinaryo! Dapat nagdala ka pa ng maraming armas!" pang-iinsulto ni Arbin. Muli siyang naglakad palapit sa humahangos na binata.
"Alam ko! Kaya may pasalubong ako sa'yo" ang sabi ni Harris sabay kuha ng pitsel at saboy ng laman sa mukha ng kalaban. Animo'y asido ang naging epekto ng asin kay Arbin. Nagsisisigaw siya sa hapdi at galit. Hinanap niya ang kalaban ngunit biglang nagsara ang pinto at namatay ang ilaw. Wala na naman siyang makita. May naghagis muli ng kulay berdeng materyal sa kanyang paanan. Naaninag nya ang ilaw mula roon. Nakaramdam siya ng maraming hataw sa iba't ibang direksyon. Mahigit sampung hataw sa mga paa ang kanyang natamo bago siya tumumba. Kada limang segundo ay nakatatanggap siya ng hataw ng arnis. Matapos niyon ay mahigit sampung hataw din sa kanyang katawan at ulo ang kanyang natanggap. Maya maya ay natumba na siya at umubo-ubo.
BINABASA MO ANG
LAHI 101: Ang Baliw na Aswang sa Kapitbahay
VampirosMerong mga Aswang They exist but they don't live May mga masasama, mayroon ding mga mabubuti, may mga maaksyon, may mga madrama, may mga nakakatakot, may mga nalilito, may mga baliw, may mga nakakatawa, at may mga umiibig.