3-3 Si Tita Stacy

1.4K 55 0
                                    


Tatlong araw na ang nakalilipas matapos ang insidenteng nangyari kina Jerms at Cielo. Lumabas na rin sa school paper ang mga balita tungkol sa kanilang apat at ang paghihigpit sa pagchecheck ng ID. Balik na muli sa normal ang lahat. Maganda ang pakiramdam ni Jerms na pumasok pa nang maaga upang magbasa sa silid-aklatan. Naka earphone siya at nakikinig ng classic music.


Habang naglalakad nakita niya ang isang dalaga sa pasilyo na nakikipag-usap sa malayo at parang inaabot ang ulap. Huminto siya at nag-obserba. Nakita niyang may dinakot ang babae mula sa kawalan at bigla itong sinubo at pinahid sa mukha at sa dibdib. Inakala niyang nababaliw na ang babae. Dumeretso siya sa paglalakad.


Napadaan siya sa isang hagdanan kung saan nakaupo ang grupo ni Haiyan. Nagulat siya ng sabay-sabay silang lumingon sa kanya na para siyang inaabot, pagkatapos ay parang may dinadakot sila sa hangin at isinusubo na parang sabik pang kumuha at ipahid sa katawan. Bahagya siyang nandiri at dumeretso ng lakad. Nakaramdam siya ng kakaiba. May nakita rin siyang grupo ng kababaihan na parang may hinahalukay na lamang-loob sa kawalan na parang mga aswang. Binilisan niya pa ang paglalakad.


Habang bumababa ng hagdan may nakasalubong siyang isang matabang bakla mula sa kanan na masama ang tingin sa kanya na muli ay parang may dinadakot sa hangin at sinusubo. Waring inaabot na siya ng bakla. Natakot na siya at binilisan ang paglalakad. Sobrang nawiwirduhan na siya sa mga nangyayari. Pagpasok sa silid-aklatan, agad niyang kinuha ang isang libro, naupo at nagbasa. Sa tabi niya ay may isa na namang babae na imbis na magbasa ay kumikilos din ng kakaiba.. Gulung-gulo na si Jerms. Ngunit nagulat siya ng hinawakan ng babae ang libro at nagtanggal ng headset.


Noon lamang niya napagtanto na nakikinig lamang ng kanta ang mga taong nakita niya. Nagtataka siya kung kanino nga ba ang kantang pinakikinggan nila na para silang nawawala sa sarili. Matapos ang  isang oras na pamamalagi sa silid-aklatan, pumunta siya sa kantina upang mananghalian. Habang kumakain, may pinatugtog ang radyo ng canteen at biglang may mga mag-aaral na nagtaasan ng kamay at ang iba naman ay parang may hinahalukay sa hangin.


Narinig ni Jerms ang liriko ng awitin na may linyang


 " Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal, hayaang matakpan ang kinang na di magtatagal"


Hindi niya namamalayan na nakatayo na pala si Cielo sa tabi niya at ginagawa din ang kakaibang kilos. Nagulat si Jerms.


"Uy!ano ka ba? Anong kanta ba yan at parang virus na hinahawaan ang mga tao dito?"


"Ano ka ba Jerms kanta yan ni Stacy. Well actually revive lang niya pero ang ganda kaya" sagot ni Cielo sabay upo sa tabi ng kaibigan. Kinuha ni Cielo ang kanyang cellphone at ipinakita ang MTV ng kanta ni Stacy kay Jerms.


Sikat na sikat si Stacy. Isa siyang maganda, maputi, sexy, at mabait na mang-aawit. Itsurang 21 taong gulang at misteryosa ang kanyang pagkakakilanlan. Maraming kilalang mga tao ang nanliligaw sa kanya ngunit hindi siya pumapasok sa anumang relasyon dulot na rin ng adhikain niyang isulong ang "Self-control and purity". Naniniwala siya sa tunay na pag-ibig, na dapat labanan ang tukso at dapat magpakasal muna bago makipagtalik. Sumikat siya dahil sa sinalihang singing contest sa telebisyon at pinagkakaguluhan na siya ng mga kabataan ngayon.


 Noong araw na iyon matapos ang matagumpay na concert, nagtext si Elise sa kanya at binati siya sa ganda ng kanyang pag-awit na napanood ng live sa telebisyon. Tita ang tawag ni Elise kay Stacy ngunit lihim lamang nila iyon. Alam ng publiko na naging kasambahay muna si Stacy bago maging artista ngunit hindi nila alam na ang pamilya ni Elise ang dati niyang pinagsisilbihan.


Nagtextback si Stacy kay Elise at pinangakuan niya ang estudyante ng netbook sa susunod na buwan. Masayang masaya si Elise sa balitang iyon.


Gabi na nang makauwi sa bahay ang mang-aawit. Kahit pagod, masaya siya dahil alam niya na nakapagpasaya siya ng mga tao at nasabi niya sa mga interbyu ang kanyang adhikain sa mga kabataan na pagbutihin ang pag-aaral at iwasan ang mga tukso sa paligid lalo na ang tukso ng "Premarital sex".


Habang nakaupo sa kanyang kama hawak ang tablet, may tumawag sa kanyang cellphone na nagngangalang Harris.


"Yes?" sagot ni Stacy


"Congratulations Stacy. Pwede bang pumasok diyan? May hihiramin sana ako"


"Thank  you! Ok pwede ka nang pumasok"


"Ahm, nakadamit ka naman diba?" duda ng lalaki.


"Oo nakadamit ako noh! Huwag ka ngang magfeeling! Infact pagod nga ko ngayon eh" sagot ni Stacy


"Sure ka?"


"Bahala ka diyan! Kung ayaw mo edi wag" sagot ni Stacy sabay baba ng cellphone at tingin sa tablet.


Biglang may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto. Binuksan niya ito at nakita niya ang kanyang kasambahay na si Aling Beth na may dalang tsaa.


"Ma'am eto na po tsaa niyo" ang sabi ni Aling  Beth sabay pasok at lagay ng tsaa sa kanyang lamesa.


"Salamat Aling  Beth. Pahinga ka na rin. Alam ko na napagod ka sa kasusunod sa'kin ngayong araw" nakangiting tugon ni Stacy.


"Thank you Ma'am. By the way po nasabi ng guwardiya na may lalaking umaali-aligid dito kanina. Bigla rin po umalis nung sinita ng guwardiya" pag-aalala ng kasambahay.


"Ah ok sige pakidouble check nalang lahat ng pinto at bintana. Wag po kayo mag-alala masyado, baka fan lang yun. Sige papahinga na'ko. Salamat"   sabi ni Stacy sabay sara ng pinto at balik sa kama. 


Habang nakatingin sa tablet biglang namatay ang ilaw. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy sa pagtingin sa kanyang tablet. Maya maya ay may dahan-dahang nagbukas ng kanyang pinto na parang may pumasok. Muling nagsara iyong nagsara. Napansin iyong muli ni Stacy ngunit tuloy lang siya sa pagtingin ng kanyang mga larawan sa tablet. Biglang bumagsak ang isang bag. Nagulat si Stacy ngunit binaling niyang muli ang tingin sa mga larawan.


Napansin niya na may nakatayong babaeng nakaputing damit sa may bandang bintana ngunit nawala iyon nang kanyang lingunin. Matapos ang sampung segundo, lumapit ang  nakaputing babae sa kanya. Wala pa ring epekto ito kay Stacy. Maya-maya napansin niya na parang may mabigat na nakapatong sa kanyang kama sa kanyang tabi. Nilingon niya ito ngunit wala siyang nakita. Nagulat siya nang biglang bumukas ang ilaw at naramdama niyang muli na meron siyang katabi.


Nang siya ay lumingon sa kanyang kanan nakita niya ang isang nakaputing babae na natatakpan ng buhok ang mukha. Nakatingin ang isa nitong mata sa kanya. Na animo'y tinututok ang mukha sa kanya.


Limang segundong tinitigan ni Stacy ang multo. Nabitawan niya ang kanyang tablet.

LAHI 101: Ang Baliw na Aswang sa KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon