10-3 Ang Alamat ni Stacy

841 43 2
                                    


Tanghaling tapat sa isang bayan sa isang probinsya, Dalawang naghahabulang bata ang natigilan nang makita ang isang animo'y napakagandang diwata na tulalang naglalakad sa gitna ng daan. Wala sa sarili ang dalaga, nakasuot ito ng puting duster. Blangko ang maganda nitong mukha na bahagyang natatakpan ng magulong buhok. Naglabasan ang mga tao, lahat sila ay nagtataka ang iba naman ay nabighani.  Tuluy-tuloy lang ang paglalakad ng dalaga. Matapos pagkaguluhan ng dalawang minuto, isang bata ang lumapit at inalok ang isang basong tubig. Napatingin ang dalaga sa tubig at ngumiti. Ininom niya iyon.

"Stacy? Stacy!" sigaw ng isang ginang sabay takbong palapit sa tulalang dalaga. Nagsunuran ang iba pang mga nakatatanda, na may pag-aalala sa mukha. Niyakap at sinuri ng ginang ang dalaga at inalalayan patungo sa isang sasakyan. Ang ibang mga nakatatanda ay itinaboy ang mga nakikiusyoso upang magkaroon ng daan.

"Manong! Manong dun tayo sa bahay ni Mayor!" utos ng ginang sa nagmamaneho.

"Stacy? Stacy? Ayos ka lang ba?" muling tanong ng ginang sa blangkong dalaga.

"Sharlene" sagot ng waring natauhan na dalaga sabay ngiti at yakap sa ginang.

Nagtinginan ang dalawang bata at nagulat sa pangalang narinig.

"Stacy? Diba siya yung sikat na singer?"

"Kaya pala parang pamilyar ang kanyang magandang mukha"

 Nagbulungan ang mga tao sa paligid , ang iba naman ay nagtatatalon sa gigil.

"Si Stacy nga! Si Stacy! " sigawan ng mga tao. Hinabol ng iba ang nakaalis nang sasakyan.

Mula naman sa isang di kalayuang bundok, sa isang lihim na kuta, kinokontak ng lider ng SAF ang kanilang Mayor gamit ang cell phone. Habang naghihintay sa sagot ang lider, sinusuri niya isa - isa ang nakalulunos na kalagayan ng mga bihag. May sumagot sa tawag.

"Mayor! Dinala na namin sa basement ang mga bihag! Nagdadalawang isip kami kung paiinumin namin tong mga to, grabe sila magreklamo. Yung iba di na makapagsalita. Yung iba naman di na makagalaw. Parang mga bangkay na. Pero batay po sa pagsusuri namin eh mas matanda pa kami sa mga to"

"Siyempre naman Goyo! mas disiplinado tayo sa mga yan. Mahusay ang ginawa ninyo. Wag nyo pakakainin ng karne yan. Pati na din kayo. Nangako tayo kay Illumi na isang beses sa isang taon lang tayo iinom. Dapat manatili ang disiplina diyan" sagot ng Mayor sa isang probinsiya.

"Siyempre naman po ser! Well trained po kami lahat dito at pumasa sa pagsubok. Pananatilihin po namin ang aming mga sinumpaan. Ser may naretreive din po kaming 38 na human police. Muntik na silang madali ng mga kalaban, buti natiktikan namin. Malinis po ang hypnosis na ginawa namin sa kanila kaya mamayang gabi, ibabalik na po namin ang mga ito sa bayan" dagdag pa ng lider.

May kumatok sa pintuan ng opisina ng mayor kaya minadali niya ang pakikipag-usap.

"Mabuti, maaasahan talaga kayo! Sige, maingat ninyong suyurin ang mga bayang malapit diyan. Pagkatapos ng isang linggo magtungo kayo sa Region IV, nakakalap ako ng impormasyon na doon daw naglalagi si Joaquin. Sige alam niyo na gagawin, may bisita ako. Paalam na heneral. Tawag ulit ako mamaya"

"Roger Ser!" paalam heneral. Nang matapos na ang tawag. Pumasok ang isang secretary at nag-ulat.

"Sir! Nandito po si Ma'am Sharlene, kasama po niya si Stacy. They are waiting for you in the guest room" Nanlaki ang mata ng mayor at nagmamadaling bumaba upang makita ang mga bisita.

Habang bumababa ay nagawa pang makipagkwentuhan ng mayor sa bagong secretary.

"Grabeh! Di ko aasahan na dadalaw siya ngayon sa oras na dapat ay kasama niya ang millennium woman. Talaga itong si Aunty Stacy. Pero ang totoo niyan namiss ko na tlaga siya. Alam mo ba,Prima, dati nung bata ako, pinagtanggol niya ako sa isang baliw na aswang. Well that was 320 years ago. Ngayon isa na siyang napakasikat na tao. Take note! Tao. Ang kaisa-isang nabiyayaan ng ganoong pagpapala dahil sa kanyang labis na kabutihan" nananabik na pagkukuwento ng Mayor. Interesadong nakikinig ang secretary na hindi pa gaanong kilala si Stacy dahil kapapasa lamang sa kanya ng bertud noong nakaraang pitong buwan.

"Maituturing siyang isang bayani ngating bayan! Alam mo ba iyon Prima! Dahil sa kanya kaya nadagdagan ang pondo para sa pagpapagawa ng airport dito"

Namangha ang secretary. Pagkapasok sa pintuan, nakita ng Mayor ang napakaraming espesyal na bisita sa guest room. Mabilis palang kumalat ang balita tungkol sa pagdating ni Stacy. Nakita niya ang dalaga na umiinom ng tsaa.

"Aunty!" nagagalak na sigaw ng mayor sabay takbo at yakap sa dalaga.

"Pepe!" ang tanging nabanggit ni Stacy. Bakas pa rin sa dalaga ang pagkatroma sa nangyari sa kanya.

"Mayor PJ! Ayon sa kanya nakita daw niya si dakilang Illumi" seryosong kwento ni Ginang Sharlene. Nagulumihanan ang Mayor. Doon lang niya nabatid na dapat ay hindi siya nagagalak sa mga oras na iyon. Natahimik siya at naging seryoso.

"Aunty, alam nyo na po ba ang nangyari?"  tanong ng Mayor na umupo sa tabi ni Stacy. Nagtaka ang dalaga. Tumahimik ang lahat.

Mula sa labas ng pintuan kinakausap naman ng bagong secretary ang isa pang lalaking empleyado ng City hall.

"Pasensya na ha! pero pwede bang kwentuhan mo ako kung sino talaga siya. Kilala ko siya bilang magaling na mag-aawit pero hindi pa talaga bilang kagaya natin please" pakiusap ni Prima.

"Ano ka ba? Ikaw lang yata ang hindi lubos na nakakakilala sa kanya. Siya si Santa Lucia Martinez. Nasa 416 taong gulang na siya, pinanganak na purong aswang sa dugo ng kalaban. Gayunpaman ibang- iba siya. Sa edad na 13, hindi na siya umiinom ng dugo ng tao, di na rin siya kumain ng laman. Matinding sakripisyo iyon, na siya pa lamang ang nakagagawa sa ating kasaysayan. Pinagtiyagaan niya ang mga gulay at karne at dugo ng manok lamang, kaya naman tignan mo itsura parang teen ager lang. Ni hindi rin siya nakipagtalik, muntik na sana ngunit nakabuo siya ng isang hybrid at noong oras na gagalawin na niya ang lalaki, naglaho iyon. Doon lang din namin napagtanto na isa nang ganap na tao si Stacy" kwento ng lalaking empleyado.

"Wow! samantalang ako lingo-lingo bumibili ng dugo noong unang dalawang buwan ko bilang aswang. Ang galing niya grabeh!". 

"At isa pa! Siya lang ang aswang na nagmadre at nakaya ang basbas at wisik ng banal na tubig! Grabe talaga! Ako nga nanghihina tuwing babanggitin ang pangalan ng anak ng Diyos" dagdag pa ng lalaki. Lalong namangha ang kausap.

LAHI 101: Ang Baliw na Aswang sa KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon