11-3 Ang Kwento ni Trish sa Nagpapahingang Teleporter

860 42 0
                                    


Umamin na si Trish kay Harris na isa siyang hybrid. Sinabi niya na kaya niyang magpagaling ng mga tao at 50% sa mga empleyado sa ospital ay puro aswang. Gayunpaman disiplinado raw silang lahat at hindi maaaring mangagat o magpakita ng pangil.

Tatlong taon na ang nakalipas nang magsimula siyang magtrabaho bilang nurse sa naturang ospital. Noong una ay maganda ang takbo ng lahat kahit na maliit ang kanilang sweldo. Isang gabi ay naligaw siya sa basement at nakita ang mga walang malay at nakabitin na mga taong kinukunan ng dugo Halos 100 na hubad at walang kamuwang-muwang na mga katawan ang kanyang nakitang kinakabitan ng aparato . Nahuli siya ng isang aswang at dinala sa pinakapinunong doktor na si Doc Victor (392 taong gulang na purong aswang sa lahi ni Joaquin). Doon niya nalaman na hindi lamang pala ospital ang pinagtatrabahuan nya kundi isang pabrika ng mga dugo na sumusuplay sa pangangailangan ng mga disenteng aswang.

Matagal nang nahuhumaling sa kagandahan ni Trish ang pinunong doktor kaya hindi siya nito pinatay. Isang linggo siyang ikinulong kasama ang ibang test subject na mga tao. Ninais siyang gawing aswang upang ikasal sa doktor ngunit nagmatigas ang dalaga. Hindi rin siya maaring daanin sa dahas at kagat dahil sa kabutihan ng kanyang puso. Ikamamatay lamang ng dalaga ang kagat. Napatunayan ni Doc Victor na puro at mabuti ang kaluluwang dalaga at hindi maaaring maging aswang kaya nag-isip siya ng paraan. Noong ika-21st kaarawan ng dalaga ay iginapos siya ng doktor at pinasahan ng karunungan sa pamamagitan ng pagsalin ng kalahating bertud. Sa prosesong iyon malalaman, ng dalaga lahat ng kaginhawaan at kasarapan ng pagiging aswang. Ngunit nang malapit na matapos ang seremonya, natuhod ni Trish ang ari ng aswang na doktor at namilipit iyon. Natuluyang isalin ang buong bertud kay Trish.

Nagliwanang si Trish at nawalan ng malay. Sa kanyang panaginip, namulat siya sa kasaysayan ng mga aswang mula noong dumating si Joaquin sa syudad. Nang mahimasmasan, nakita ni Trish ang napakatandang katawan ng doktor na gumagapang patungo sa kanya. Nagkaroon siya ng sapat na lakas upang makawala sa pagkakagapos. Tatakbo na sana siya paalis ngunit nagkaroon siya ng mga kakaibang karunungan. Alam niyang hahanapin siya ng mga aswang sa oras na malamang isa na siyang hybrid na nagmula sa doktor kaya gumawa siya ng paraan upang hindi makilala. Nagtimpla siya ng gamot na magpaparalisa kay Doc Victor at gumawa rin siya ng kemikal na magbibigay ng halimuyak ng isang aswang. Lagi niya iyong winiwisik sa kanyang leeg at tinatago ang bote sa kanyang bulsa. Kumuha din siya ng katawan ng isang tao at isang aswang na inilatag sa lamesang sinasalinan ng bertud. Pinalabas niya sa ulat na kinagat siya ng aswang at isinalin ng doktor ang kanyang bertud sa ibang tao.

Nagtagumpay siyang lokohin ang lahat ng aswang sa ospital. Simula noon ginamit niya ang kanyang kakayahan sa panggagamot ngunit naghahanap pa rin siya ng tiyempo upang sirain ang pabrika sa basement ng ospital. Nanatiling tahimik si Harris habang nakikinig. Naisip niyang magpagaling muna bago sumagot.

Bagama't hindi sinasagot, nanatiling maaruga ang nars sa binata. Lagi niya itong pinapakain, pinupunasan, at pinapasyal. Dumalaw din dalawang beses si Melchor doon kasama ang kanyang nanay na pinagaling ni Trish. Tuwang tuwa ang anak at nangako na magbabagong buhay na. Nag-aalala na rin si Harris sa kalagayan ni Elise, hindi pa niya magawang magteleport. Binalitaan naman ni Melchor ang binata sa kalagayan ng dalaga nang hindi nalalaman ni Trish. Nang malamang nasa magandang kondisyon si Elise, sinulit muna ni Harris ang tatlong araw na pahinga at kasiyahan sa piling ng napakaganda at napakamapag-arugang nars. Naging pilya din minsan ang nars nang tahiin ang tiyan ni Harris at dalhin ang isang pasyenteng si Darwin upang patawanin siya. Humapdi ang mga tahi ng sugat ng binata sa tiyan sa katatawa. Aliw na aliw naman sina Trish, Melchor, at Darwin sa kanilang biro.

Matapos ang tatlong araw, naigagalaw na ng binata ang lahat ng parte ng kanyang katawan ngunit hindi pa niya kaya magteleport. Muling niyang kinausap ang nars.

"So paano mo patutunyan na isa kang mabait na hybrid? Mapagkakatiwalaan ba kita?" tanong ni Harris.

"Ikaw lang ang pinagsabihan ko ng sikreto ko sa loob ng dalawang taon kong pagtatago. Pakiramdam ko patay na rin ako. Hindi ako pwedeng makaalis ng ospital. Natatakot din akong umibig. Minsan iniisip ko na rin na magpakamatay pero sumasaya ako tuwing nakakasagip ako ng mga buhay sa pamamagitan ng panggagamot. Sa oras na ikuwento mo ito sa kahit na sinumang empleyado dito sa ospital, siguradong papatayin nila ako" paliwanag ni Trish.

"Eh bakit mo ito sinabi sa akin? Baliw ka na ba?"

"Nalaman kong kinalaban mo ang mga aswang na sina Arbin at Oben. Ibig sabihin ay may kakayahan kang talunin ang mga aswang. Sa lahat ng pasyente ko ikaw lang din ang nawala habang ginagamot ko. Hindi ka ordinaryo. Naniniwala akong isa karing mabuting hybrid" tugon ng dalaga.

"Ako nawala? Panu yon? Gaano katagal?"

"Habang ginagamot kita, nagliwanag ang iyong katawan at nawala ka sa loob ng dalawang oras. Maganda at mabuting enerhiya ang naramdaman ko sa iyo noong ikaw ay ibinalik ng liwanag"

"Bakit mo pala ako ginamot?"

"Siyempre mamamatay ka na and it's my duty to help you"

 Napaisip nang malalim ang binata. Hindi niya alam kung magtitiwala siya sa sinasabi ng nars. Nagulat siya nang hawakan ni Trish ang kanyang kamay sabay luhod.

"Gusto kong maging malaya. Gusto kong tulungan mo akong palayain ang mga taong pinagsasamantalahan ng mga aswang dito. Pwede mo ba akong tulungan?" nagmamakaawang pakiusap ng nars.

"Mayroon din akong misyong dapat tuparin. Hintayin mo ang aking pasya kapag lubusan na akong magaling. Pasensya ka na hindi ako pwede magdesisyon basta basta. Pero nararamdaman ko rin na pwede kitang pagkatiwalaan" seryosong sagot ni Harris.

"Okay naiintindihan ko, bibigyan kita ng sapat na panahon. Pero sana manatiling sikreto ang mga sinabi ko.  Maghihintay ako sa sagot mo" naluluhang sinabi ng nars.

"Oo Trish" sagot ng binata.

"Siya nga pala, ang laki na din ng bill mo dito, promise mo na babayaran to ha!" pahabol ng nars.

"Ah oo naman! Siyempre babayaran ko yan pag magaling na'ko hehehe" nakangiting pangako ng binata.

Samantala, muling nakaramdam si Elise na may mga nalaglag na asin sa kanyang katawan at buhok. Tatlong araw na niya itong napapansin. Laging may mga nalalaglag na butil sa kanyang mga dinadaanan. Nang makapasok na siya sa skul, isang SAF member na nakashades at gwantes ang nagtext kay heneral Goyo

"Mission accomplished sir"

"Sir! Hanggang kelan po tayo mananatiling ganito? Huwag nyo po sabihing limang taon pa?" nanghihinang tanong ng isang SAF habang hinahalo ang downy sa asin at holy water.

"Huwag ka na munang magreklamo, buti nga ginagamit ng babae yan, makakagawa din tayo ng paraan para mapadali lahat ito" ang sabi ng lider habang pinapakain ang kanyang alagang uwak.

"Sir 2 enemies captured today, medyo nawawala na po yung mga holy salt na nasa University. By two days, prone to entrance na po iyon. Magiging problem natin yung security ng University. Paano po ba natin ifofortify yon wala na po yung teleporter?" ulat ng isang SAF.

"Ganun ba? Sige ako bahala, sa ngayon si Sean muna bahala kung may enemy sa perimeter. Tonight I need 5 members. We will fortify the school, together with our pets. Next week we have a blood factory to visit" kampanteng sagot ng heneral.

LAHI 101: Ang Baliw na Aswang sa KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon