2-3 Pagkakataon ng Dalawang Magkaibigan

1.5K 55 0
                                    


Alas singko, unti unti nang nawawala ang mga tao sa silid aklatan. Naghahanda na umalis si Elise ngunit alam niyang pag-uwi niya sa boarding house ay di rin siya makapag-aaral nang mabuti. May makulit siyang manliligaw na nagngangalang Ferdie na  laging nakaabang sa kanilang bahay. Mas bata ng isang taon si Ferdie kay Elise. Sa ibang unibersidad ito nag-aaral at halos kaibigan na niya sa social media ang lahat ng kaibigan ni Elise. 


Madalas naghahatid ng ulam, meriyenda, at pasalubong  ang binata sa kanilang bahay. Bagaman hindi kagalingan, doon siya nag - gigitara sa loob ng boarding house sapagkat kaibigan niya ang dalawang boardmates  at kamag-aral ni Elise na sina Carl at Charice.  Alam nina Carl at Charice na ayaw ni Elise kay Ferdie ngunit dahil na rin sa mga pasalubong ng manliligaw, hinahayaan nila itong bumisita at sila ang umuubos ng mga dala ng binata . Kahit anong  gutom ni Elise, pangako niya sa sarili na hindi niya kakainin ang anumang ibigay ni Ferdie. Pag dating ng 6:30 pm, wala nang magagawa si Ferdie kundi umalis dahil sa curphew ng mga magulang.


Naiisip pa lamang niya na sasalubungin siya ni Ferdie ay nayayamot na si Elise kaya sinasadya niya minsang magpagabi. Palakaibigan si Elise at kilala niya ang mga pwede niyang kasabay pag-uwi tuwing gagabihin siya. Madalas din siya lumabas tuwing walang pasok upang maiwasan ang makulit na manliligaw. Kahit inaasar ng dalawang kabahay, tinutulungan din nila na hindi magpang-abot ang dalawa. Pangako ng tatlong magkakabahay na magiging matagumpay at mayaman sila pagkatapos makapagtapos sa unibersidad.


Nang magsara ang silid aklatan,  muli siyang nagbasa sa lobby habang hinihintay ang kaibigang si Donna. Pinagsasabay niya ang pagbabasa at pag memeriyenda. Madalas mani o kakanin ang kanyang meriyenda. Sa kabilang sulok ng lobby nagpapahinga din sina Jerms at Cielo bago umuwi. Pinili nila ang lugar na iyon upang laging makita si Elise.


Dumaan si Nico at ang apat pa niyang kaibigan na puro naka dobok. Galing sila sa pag-eensayo ng taekwondo. Nakita ng isa sa mga kaibigan ni Nico si Elise na nagbabasa.


"Uy uy!" sabi ng kaibigan ni Nico. Ngunit hindi ngumiti si Nico. Nakita niya si Elise ngunit yumuko na lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Alam ng mga kaibigan niya ang panganib kay Nico kung muli niyang pagdidiskitahan ang dalaga kaya pinili na lamang din nilang manahimik. Natanaw nina Jerms at Cielo ang reaksyon ni Nico.


"Uy! Nakita mo yon? Hehehe mukhang may pag-asa na'ko kay Elise!" nakangiting pagmamalaki ni Jerms kay Cielo. Nabalitaan ng dalawa ang nangyari sa silid aklatan.


"Hay nako! Dahil kaibigan kita sige sa'yo na si Elise, akin nalang si Donna" pagbibirong sagot ni Cielo.


"Oo naman alam ko naman na may pagtingin ka rin kay Donna. Alam ko na type mo talaga yung mga matatalino at super tahimik. Well kahit maliit, maganda rin naman si Donna, maputi at mahinhin pa" pagbibida pa ni Jerms. Nagtawanan ang dalawang magkaibigan.


"Uy! may plano ako. Tutal naman gabi na at delikado sa daan, sabayan nalang kaya natin silang dalawa pag-uwi? Oh diba parang double date" mungkahi ni Jerms habang niyuyugyog ang balikat ni Cielo.


"Well, that's a good idea men yeah!" pagsang-ayon ni Cielo habang niyuyugyog pa rin ni Jerms sabay sabing


"Aray, aray tama na"


Dumating si Donna at tumabi sa naghihintay na kaibigan. Napansin ito ni Elise. Tinanggal niya ang headset sa tainga at nag-impake nag-ayos ng gamit sabay bati sa kaibigan. Nag-usap sila saglit, nagngitian, tumayo, at sinimulang maglakad pauwi.


Sinundan nina Jerms at Cielo ang magkaibigan. Sa daanan sa labas ng unibersidad habang sinusundan sina Elise at Donna, nag-tuturuan sina Jerms at Cielo kung sino ang maglalakas loob makipag-usap sa dalawang babae. Narinig sila ni Donna. Napalingon siya sa likuran at hinawakan ang salamin sa mata upang makakita nang maayos. Biglang tumigil sa pagtuturuan ang dalawang lalaki na bahagyang nanahimik at nagpatuloy sa paglalakad.


"They seem to be following us" bulong ni Donna.


 "Just don't mind them, they are following you because you are beautiful" pabirong sagot ni Elise. Nagngitian muli ang dalawang babae at nag-usap tungkol sa kanilang mga asignatura.


Halos limang minuto na ang nakalipas at limampung hakbang na lamang ay maghihiwalay na ang landas ng dalawang babae at dalawang lalaki sa isang hindi mataong eskinita. Kinakailangan nang gumawa ng hakbang sina Jerms at Cielo.


"Sige na nga ako na!" sabi ni Jerms sa kaibigan. Binilisan nila ang lakad na parang tumatakbo . Dalawang metro na lamang ang pagitan nila sa dalawang babae at nang babanggitin na ni Jerms ang pangalan ni Elise biglang may sumigaw sa kanilang bandang kaliwa.


"Hoy! Tigil!"


Nagulat at napahinto ang apat sa narinig na matapang na boses. Isang matangkad, kayumanggi at matipunong lalaki na nasa bente anyos ang papalapit sa kanila. Nakasando ito at may tatoo sa braso. May kasama itong payat, gusgusin, at nakaunipormeng batang lalaki.

     

LAHI 101: Ang Baliw na Aswang sa KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon