5-2 Banta ng Negatibong Emosyon

1.1K 54 0
                                    


Umaga, naisipan ni Harris na magsuot ng eyeglasses at sumbrero, kinapalan niya ang kanyang kilay gamit ang lapis, nagsuot ng poloshirt, jeans, at takip sa bibig. Naisip niya na lumiliit na ang mundo para kay Mheann kaya gumawa siya ng bagong katauhan. Siya na si John Patrick Mendoza. Nagpagawa pa siya ng pekeng ID.

Hindi na niya kinakailangang mag seat-in. Ang tanging gagawin na lamang niya ay magbasa sa labas ng mga silid na papasukan ni Elise. Nagagawa na niyang magtext at magbasa nang walang takot at pangamba kahit na ba dinadaan-daanan siya ng mga guwardiya at mga estudyante. Palagay siya na walang makakakilala sa kanya. Minsan nga ay nagawa pa niyang mananghalian sa likod nina Elise at Claire. Hindi na rin matunog ang kwento tungkol sa pagkawala ni Harris at batid niya na walang maghihinala sa kanya bukod sa mga seniors na tulad nina Nico, Sammy, mga dating propessor, at mga matagal nang maintenance staff sa unibersidad.

Naging tagumpay siya sa loob ng isang lingo. Tinataguan niya si Elise ngunit parang nakonsensya siya nang mapansin ang kakatwang kilos ng dalaga. Nakikita niyang lumilingon pa rin si Elis sa sulok ng sild-aklatan kung saan madalas magbasa si Mheann. Bumibisita din si Elise sa likod ng Science building pagkatapos ng tanghalian. Batid ni Harris ang pagbabakasakali ng dalaga na makita muli si Mheann.

Isang tanghali habang nagbabasa si Harris sa pasilyo ng unibersidad, napansin niya na may lumapit sa katabi niyang estudyante upang mag-interbyu. Nilingon niya ang nag-iinterbyu at laking gulat niya nang mamukhaang iyon ay si Sammy at Lina (mga dati niyang kaklase). Bigla siyang nagligpit at tumayo. Akmang aalis na siya nang bigla siyang harangin ni Sammy.

"Kuya excuse me, pwede po ba kayong mainterbyu saglit?"nakangiting tanong ng maliit, maputi, payat, at singkit na dalagang nakasuot ng salamin.

Umiling-iling si Harris at diretsong lumakad.

"Grabe!" naiinis na nasabi ni Sammy sa sarili. Habang naglalakad papalayo nilingon ni Harris si Sammy at nakita ang mataray nitong mukha.

"Hay... ang ganda ganda pa rin niya kahit nakasimangot, bagay pa rin sa kanya. Sayang! Kung hindi ko lang kinakailangang magtago eh" natatawang bulong ni Harris sa sarili. Binalikan ni Sammy si Lina at napangiti ang binatang kausap nila nang ngitian ni Sammy.

Habang naglalakad biglang tumawag si Stacy sa cellphone ni Harris. Nais siyang makausap. Lumingon sa paligid si Harris at nang mapansing walang nakatingin sa kanya, pumasok siya sa palikuran at doon naglaho.

"Oh ano yun? Kelangan talaga personal? Alam mo bang ang ganda ganda ng araw ko ngayon?" pagbibida ni Harris sa loob ng kwarto ni Stacy habang tinatanggal ang maskara sa bibig.

"Wow inspired ka yata at ayos sa porma ha"

"Siyempre kinausap ako ng crush ko hahaha. Yun nga lang di ko siya pinansin"

"Ahh ganon? Eh kumusta naman trabaho mo?"

"Ay si Elise ba? Siyempre okay lang siya"

"Talaga Okay?" paninigurado ni Stacy. Nagtaka naman si Harris sa reaksyong iyon.

"Well to tell you seriously, Lumalakas ang aura ni Elise na kahit ang kababayan ko sa probinsiya ay nararamdaman siya. Is she feeling a lot of negative emotions lately?"

"Well medyo maraming nangyari last month. For sure nakaramdam siya ng maraming takot ang worries" sagot ng binata.

"How about too much sadness?" muling tanong ni Stacy. Naalala ni Harris si Mheann.

"Ewan ko lang. Baka may namimiss na kaibigan" sambit ng binata. Nakataas ang kilay ni Stacy.

"Well alam mo na siguro na medyo delikado na ganoon kalakas ang mga negative emotions niya. Nagiging attractive siya sa mga aswang. At isa pa nabanggit mo sa'kin yung tungkol dun sa itim na car. Nabalitaan kong modus iyon ng ibang aswang upang makapagpasa. Marunong na silang mangidnap ngayon upang ihanda sa Chinese new year. Kaya nga nagpadala na nang Special Force ang pinuno dito. This December we'll have a meeting with them sa headquarters nila" dagdag ng babae.

LAHI 101: Ang Baliw na Aswang sa KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon