AEGEAN
WHEN FATE AND HATE COLLIDE
~ • ~
YANNA
A silver petal.
A silver petal of healing that can change an appaling incident like it didn't happen at all. Isang pagkakataong hindi ko kailanman inaasahang ibibigay sa akin para muling maibalik sa amin ang presensya ni Cedrick.
I admit it. Hindi ako naniwala kay Andyang noong una and thought that the rose is just a fiction. But now, ngayong nasa palad na namin ang mga petals at natikman na ang kapangyarihan nito, lulunukin ko na pabalik ang lahat ng mga maling paniniwala ko.
I guess, tama lang ito na maitama na namin ang lahat ng mga ibinato sa amin ng tadhana. It has to stop. Lumubog na ang mga araw ng paghihirap namin. This time, kami naman ang aangat sa kaginhawaan. I just hope that every path we build will be worth the steps.
"Yanna, aling Vina's home."
That is my queue. Napatayo ako habang inda pa rin ang sakit ng mga tuhod. Inabot sa akin ni mom ang isang lunch box at isang payong na kulay itim dahil walang bituin sa labas. Kilala ko si mom, kahit pa may spare umbrella pa ako sa loob ng kotse, binibigyan pa rin niya ako ng backups for the backups. "Naghihintay na si tiyo Manuel sa labas. Mag-iingat kayo."
Ako ang naatasang magbantay ngayon kay Cedrick and susunod nalang daw si mom dahil may inaasikaso pa siyang pastry orders para bukas. And just like we planned; she'll be watching Cedrick at 12 midnight.
Nang makasay ako sa itim na kotseng binuksan ni tiyo Manuel, na matagal na naming driver, ay dumiretso na kami sa hospital. Then after like 3 minutes or 5, cloudburst covered the entire pavements. Pero nakarating naman kami ng maayos sa hospital.
Bago ako lumabas sa kotse, nagpaalam sa akin si tiyo Manuel na may bibilhin pa raw sila ni mom sa mall, maybe about her pastry stuffs. Kaya dito lang ako sa harap ng hospital ibinaba ni tiyo Manuel.
Nang makapagpaalam na ako, didiretso na sana ako sa entrance hall pero may nakita akong isang matandang babaeng nakatalukbong at naghihintay sa may gilid. Hindi naman siya pinapaalis ng guard dahil sobrang lakas ng ulan at wala siyang masisilungan.
Be altruistic and bounteous. That's two of the best words that mom taught me. Na hindi sukatan ang kahit na anong bagay para tumulong. Kahit walang-wala ka, kung alam mong may maiaambag ka, tumulong ka.
Hula - 20. 'Yan ang nakita kong nakasulat sa karton niyang medyo napatakan na ng ulan. Kung hindi ako nagkakamali, naabutan siguro si lola ng ulan at hindi na nakarating sa simbahan kung saan doon ang maraming nagpapahula lalo na kung weekends. At kadalasan, doon sila natutulog kasama ng ilan pa.
"La, pagkain po." I said it with the brightest smile I can make. I gave her my lunch box. Ang amoy ko sa plastic bag, it's a menudo na paboritong-paborito ko. "Mainit-init pa po 'yan."
Without hesitation, she embraced the carton strap of the paper bag and sported her liveliest beam. "Maraming salamat, hija."
Nang magkatitigan kaming dalawa, hindi ko alam pero there's this unfamiliar feeling na parang nakita ko na siya somewhere or perhaps a connection na hindi ko maipaliwanag kung ano. Pero hindi ko nalang ito pinansin at ibinigay na lang sa kaniya 'yong payong na ibinigay sa akin ni mom. She needs it the most.
Isang beses pa, ngumiti ako sa kaniya. "Magiingat po kayo."
Nang mailihis ko na ang sarili sa puwesto niya at papasok na sana ako sa hospital, "Sandali lang."
Bigla akong napatingin kay lola na tumatayo na ngayon sa puwesto niya. At hinayaan ko lang siyang makalapit hanggang hinihimas na ng magaspang niyang kamay ang kanang palad ko.

BINABASA MO ANG
Rainbow Of Life
FantasyPaano kung isang araw, lahat ng pangarap mo ay bigla nalang magkatotoo? Yung tipong paggising mo, bigla na lang magbabago ang takbo ng buhay mo? Magiging masaya ka ba dahil lahat ng bagay ay puwede mo nang magawa? O manghihinayang ka sa huli, d...